CHAPTER 23

842 33 6
                                    

Habang abala sa pag-uusap ang dalawang lalaki sa may labas ng silid na kinalalagyan niya ay nag-isip ng paraan ang batang si Jazley kung paano makakatakas.

"Eu preciso sair daqui." I need to get out of here. He whispered habang sinusubukang tanggalin ang tali sa kamay niya.

Wala na siyang pakealam kung magkasugat-sugat man ang kamay niya dahil sa pagsubok na tanggalin ito. Ang mahalaga sa kaniya ay matanggal 'yon at makaalis sa lugar na 'yon.

Hindi rin naman nagtagal ay nagtagumpay siyang matanggal ang lubid na mahigpit na nakatali sa kamay niya. Napabuntong hininga pa siya dahil medyo masakit ang kamay at pulsuhan niya pagkatapos ng ginawa niya.

Bago tuluyang umalis ay tiningnan muna niya ang paligid niya kung may tao pa ba. Siya lang ang tao sa isang silid at nasa labas ang mga taong nagbabantay sa kaniya.

"Como posso sair daqui? Há muitos guardas do lado de fora." How can I get out of here? There are many guards outside. Muling bulong niya matapos ang ginawang pagsilip.

Maya-maya ay nakaisip na siya ng paraan kung paanong makakatakas. Hindi niya rin alam kung ilang araw na siya sa lugar na 'yon. Gusto na niyang makaalis do'n at makasama ang pamilya niya. Alam niyang nag-aalala na kasi ang mga ito, lalo na ang Mommy niya.

Puro siya sugat at pasa sa katawan dahil pinapahirapan din siya ng lalaking kumuha sa kaniya mula sa pamilya niya.

Ramdam na niya ang pagod sa katawan niya ngunit hindi siya sumusuko. Hindi siya pwedeng sumuko, lalo na at hindi pa siya nakakaalis sa kinalalagyan niya ngayon.

Habang hindi siya napapansin ng mga bantay sa labas ay nag-ikot siya sa loob, 'yung hindi siya mahahalata. 'Yung hindi siya makikitang nakaalis na sa pagkakatali sa kaniya sa lubid.

Mamaya ay babalik siya sa pwesto niya na kung saan nakalubid pa ang mga kamay niya dahil alam niyang babalik ang lalaking kumuha sa kaniya at muli siyang papahirapan.

"I need this." He said ng makakita siya ng kahoy na makapal. 'Yun ang ipanghahampas niya mamaya.

Wala kasing bintana ang kwartong kinalalagyan niya kaya hirap talaga siyang makatakas. Sinadya ng taong kumuha sa kaniya na walang bintana ang kwartong kinalalagyan niya para hindi siya makatakas basta.

Nanlaki pa ang mga mata niya nang makakita siya ng baril habang naghahalungkat ng kung ano. Sa isip niya ay baka nalimutan ito ng isa sa mga bantay.

Agad niya 'yung kinuha at tinago sa may tiyan niya at bumalik na sa pwesto niya dahil naramdaman niya na ang presensya ng lalaking nagpapahirap sa kaniya.

Sakto ngang natapos niya ang pagtaling muli ng lubid sa kamay niya ay siya ring pagbukas ng pinto ng silid na kinalalagyan niya at pumasok ang lalaking naka maskara.

Wala itong kasamang bantay. Nag-iisa lamang itong pumasok. Tiningnan niya lang naman ito nang walang reaction.

"Como você está, garoto? Você quer morrer?" How are you, boy? Do you want to die? The man asked him.

"Por que você não se mata?" Why don't you kill yourself? Matapang na sabi naman ni Jazley na ikinahalakhak ng lalaki.

"You're brave, huh?" sabi pa ng lalaki at muling tumawa na ikinairap ng batang si Jazley.

"Você é tão forte, você ainda não morre mesmo eu te torturando tanto." You're so strong, you still don't die even though I torture you so much. The man said and nag squat para mapantayan siya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now