CHAPTER 38

507 32 2
                                    

"Princess, ayaw mo na ba talagang ibalik sa dati ang mukha mo?" napatingin si Dhianne sa kuya Jazley niya nang bigla nitong itanong 'yon.

Oo nga at tanggap na nilang hindi na nila pa makikitang muli ang dati nitong mukha pero kapag gusto naman nitong ibalik sa dati ang dati niyang mukha ay muli naman nilang makikita 'yon.

"Ahm... G-gusto naman po kasi doon po ako sanay at 'yung mga kakilala ko kaso sayang lang po sa pera 'yon tsaka po baka hindi maging successful kung sakali." nahihiyang sabi ni Dhianne.

Gusto naman talaga niyang bumalik sa dati ang mukha niya, nahihiya lang siya, lalo na at alam niyang mahal ang pagpaparetoke tsaka natatakot din siya.

"If usapang pera ang problema mo, walang problema do'n, princess. We have a lot of money, we can do everything just for you. So gusto mo bang ibalik? If you want, just tell us, okay? Para maasikaso namin agad. If ayaw mo naman it's okay, we understand." Shawn said naman.

Natahimik naman saglit si Dhianne. Nag-iisip siya kung papayag ba siya o hindi. Nagtatalo ang isip at puso niya. Marami na agad what if's sa isip niya at nag-ooverthink na rin siya.

"Sige po. Payag na po akong ibalik ulit sa dati ang mukha ko." nahihiyang sabi pa rin ni Dhianne sa mga kuya niya na nagpangiti naman sa mga kuya niya.

Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa naging desisyon niya pero gusto niya rin naman talagang ibalik ang dati niyang mukha para na rin respeto kay Suzainne at walang maguluhan.

"That's good to hear, princess. We will tell this to Mom and Dad, so that we can prepare." Jhacey said.

"Thank you po, mga kuya." malambing na sabi niya dahilan para lumambot ang tingin ng mga kuya niya sa kaniya.

Mahal na mahal nila ang prinsesa ng buhay nila kaya lahat gagawin nila para dito. Para lang mapasaya ito. Gagawin nila ang lahat para sa reyna at prinsesa nila.

"We love you, princess. Always remember that." Felix said. Hindi tuloy napigilan ni Dhianne ang mapaluha.

Natawa tuloy ang mga kuya niya dahil sa nakita. Mas natuwa ang lalaking magkakapatid ng isa-isa silang niyakap ni Dhianne.

"I love you rin po." napakalambing na sabi ni Dhianne habang malaki ang ngiti sa labi. Sobra siyang nagpapasalamat na binigyan siya ng mga kapatid na kagaya nila.

After nang usapan nilang 'yon ay nagharutan sila saglit. Rinig na rinig ang tawanan, halakhakan nila sa buong sulok ng bahay.

Ang mga kasambahay nilang napapadaan ay napapangiti na lang habang pinapanood sila. Ngayon lang kasi nila nakitang gano'n ang magkakapatid.

Simula ng dumating at makasama na ulit ng mga ito ang nag-iisa nilang babaeng kapatid ay mas sumaya ang bahay at ang mga amo nila kaya hindi nila maiwasan ang maging masaya para sa mga ito, na sa wakas ay makikita na nilang masaya ang mga amo nila.

Masaya rin naman sila noon pero iba ang saya ng mga ito ngayon kasama si Dhianne.

"Tama na po haha." tumatawang pigil ni Dhianne sa kuya Felix niya dahil kinikiliti siya nito.

"Yoko nga." sabi naman ni Felix na ikinatawa lang ng ibang lalaki. Nanonood lang sila noong una pero hindi rin nagtagal ay gumaya na silang lahat. Nagkilitian na sila.

Nang mapagod ay saka lang sila huminto. Hinihingal pa nga sila at buti na lang din ay hindi inatake si Dhianne ng hika niya.

"By the way, next month na ang pasok mo, princess, right?" maya-maya ay sabi ni Vaxton.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now