CHAPTER 27

539 29 5
                                    

Jazley stopped what he was doing when he heard a knock on his office door. Before he spoke, he closed his laptop.

"Pasok." He said, 'yung maririnig ng taong kumakatok.

Maya-maya nga lang ay bumukas na ang pinto ng office niya at si Suzainne ang pumasok.

"Hey." nakangiting bati agad ni Jazley kay Suzainne.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng patirahin niya muna si Suzainne sa bahay nila.

Pinaalam niya naman sa pamilya niya, lalo na sa mga magulang niya ang naging desisyon niya. Sinabi niya rin sa mga ito ang dahilan kung bakit gusto niyang sa kanila na muna tumira si Suzainne.

Nang malaman nga ng mga ito ang dahilan ay naawa at nasaktan din sila para kay Suzainne. Dahil din do'n ay mas naging pabor sa mga ito ang desisyon ni Jazley.

Hindi niya din alam kung bakit siya nakapagdesisyon nang gano'n. Basta kahit siya ay nagulat na lang din sa lumabas sa bibig niya.

Dahil siguro ay natatakot siyang may mangyareng masama dito na ayaw niyang mangyare. Nadala na sila sa kapatid nila kaya ayaw na niya nang gano'n.

Hangga't ayaw nitong tulungan siyang ipademanda ang mga magulang niya ay hindi niya ito hahayaan na bumalik doon at umalis sa bahay niya.

May kung ano rin siyang naramdaman kay Suzainne pero hindi niya maipaliwanag kung ano. Simula nang dumating si Suzainne sa kanila ay hindi na matahimik ang isip niya sa kakaisip ng kung ano tungkol dito.

Kahit na hindi pa nila ito gano'n kakilala ay nararamdaman niyang mabuting tao si Suzainne kaya nga walang pagdadalawang isip na pinatira niya ang babae sa bahay nila.

"Meryenda po muna kayo." nakangiting sabi ni Suzainne at inilagay nito ang bitbit niyang tray na may lamang tinapay na may palaman at juice sa mesa niya.

"Thank you, Suzainne." tuwang sabi naman ni Jazley at malaki ang ngiti sa labing kinuha ang tinapay at kinagatan 'yon.

Nakangiting nakatingin lang naman si Suzainne kay Jazley. Hindi niya alam pero natutuwa siya kay Jazley. Magaan ang loob niya dito. Lahat naman ng kasama niya dito pero ramdam niyang mas komportable siya kay Jazley.

"Ikaw ba, nagmeryenda ka na?" maya-maya ay tanong ni Jazley. Natigilan naman si Suzainne.

Hindi pa siya nagmemeryenda dahil wala naman sa isip niya 'yon. Nasa isip niya ay gawan ng meryenda si Jazley.

Nalaman kasi niyang nasa office lang si Jazley at hindi pa nalabas kaya naisipan niyang gawan ito ng meryenda. Silang dalawa lang din naman kasi ang nasa bahay. Wala sila Manang at ang ibang maids dahil day-off ng mga ito.

May mga trabaho din ang magulang nila Jazley at mga kapatid nitong lalaki at si Dhianne ay pumasok sa school kaya silang dalawa lang talaga ang nasa bahay.

Namiss niya tuloy bigla ang pumasok. Hindi na kasi siya pumapasok. Nagsabi na rin siya sa school nila na hindi na siya papasok. Matagal niya ring pinag-isipan 'yon.

Isang taon lang naman siya hihinto at kapag may pera na siya, nakaipon na siya ay babalik na siya sa pag-aaral. Gusto niya kasing pera na niya mismo ang gagamitin niya sa pag-aaral niya.

"Ah, hindi pa po baka mamaya na lang." nahihiyang sabi niya at napakamot pa siya sa ulo niya. Hindi na rin makatingin nang maayos kay Jazley.

Natigilan naman si Jazley. Hindi niya alam pero nakikita niya si Dhianne kay Suzainne. Sa ikinikilos nito at pananalita ay para bang si Dhianne ito kahit hindi naman.

Maya-maya ay napailing na lang siya sa iniisip niya. Miss niya lang siguro ang kapatid niya kaya nakikita niya ang kapatid niya kay Suzainne.

"Ikaw, ah. Iniisip mo 'ko pero hindi mo iniisip ang sarili mo. Dapat sarili mo muna ang una mong pinapakain at inaasikaso, hindi ako o ang ibang tao. Halika dito, hati na lang tayo sa gawa mo." sabi na lang ni Jazley.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now