CHAPTER 7

972 44 10
                                    

Napabuntong hininga si Shawn nang marinig niya na naman ang maingay na boses ng secretary niya.

"Boss, boss, I have some chika." sabi ng secretary niya at basta na lang naupo sa mismong mesa niya.

Muli siyang bumuntong hininga at napailing-iling. Buti na lang at nailigpit niya na ang mga papel na nasa lamesa niya bago pa ito dumating.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinahayaan niya ang secretary niyang ganituhin siya na para bang magtropa lang sila.

Dahil siguro ay wala siyang mahahanap na sekretaryang kasing sipag at chaga ng secretary niya sa kaniya. Ito lang kasi ang sekretaryang napagchagaan ang ugali niya at kung ano pa man. Ang sekretaryang kaya siyang sigaw-sigawan, hampas-hampasin etc.

Maingay man ito o hindi siya tinatratong boss minsan ay magaling naman ito pagdating sa trabaho at matalino pa. Naaasahan niya sa lahat kaya gustuhin niya mang sesantihin ito ay hindi pwede dahil malaki ang naitulong nito sa kaniya.

"Boss, you're not listening naman, eh." Shawn blink in shock when his secretary smacked his arm.

Malalim kasi ang iniisip niya kaya hindi niya na napansin na nagsisimula ng magkwento ng kung ano man ang secretary niya.

"What?" salubong ang kilay na tanong niya. His secretary just rolled her eyes.

"Can't you see? I'm busy, Miss Argente. I don't have time for your chika or whatever it is." muling sabi ni Shawn na ikinangiwi lang ng secretary niya.

Actually, hindi naman talaga siya busy. Nakatunganga lang talaga siya. Sinabi niya lang 'yon para tumigil ang secretary niya.

"Edi don't, hmp." His secretary said and stood up then leave his office. Padabog pang sinarado ng secretary niya ang pinto ng office niya. Napangiwi siya dahil doon.

Wala pa mang isang minuto nang lumabas ang secretary niya ay muling bumukas ang pinto ng office niya at ang secretary niya ang pumasok doon. Nakasimangot ito.

"May meeting ka kay Mr. Jung ng 3pm mamaya." sabi nito at agad na tumalikod pero maya-maya ay muling humarap kay Shawn kaya nagsalubong na ang kilay ni Shawn ngunit nagpipigil din siya ng ngiti.

"Don't be late daw at h'wag na h'wag mo daw susubukan na i-reschedule ang meeting niyo." masungit na sabi nito at tuluyan ng lumabas ng office niya. Katulad kanina ay padabog niyang sinarado ulit ang pinto.

"Hindi na lang niya sinira." Shawn whispered and shook his head. Hindi niya alam na napangiti na siya.

Nasa Brazil na sila ngayon. Nang matapos na ang kaarawan ng pinsan niya ay agad silang umuwe ng Brazil dahil kailangan na sila dito. Hindi naman kasi sila pwedeng magtagal sa Pilipinas dahil ang trabaho nila ay nandito. Gustuhin man nilang magtagal sa Pilipinas ay hindi pwede.

At ang secretary niya ay lahing pinoy kaya kapag kausap siya nito ay nagtatagalog ito. 'Yun ang isa sa dahilan kung bakit pinagtitiisan niya ang secretary niya.

Nang mabored ay kinuha niya ang cellphone niya at nagfacebook siya. Hindi naman siya mahilig sa social media. Nagf-facebook lang siya kapag bored siya at trip niya lang. Kung hindi lang ito kailangan sa mga business kenemy nila ay hindi naman siya gagawa ng mga account sa iba't-ibang social media.

Napahinto lang siya sa pagscroll sa newsfeed niya nang makita niya ang post ng pinsan niyang si Josephine. Kakapost lang non. Nagreact naman siya ng heart sa post na 'yon.

"Congrats, my Dhianne cutie! I'm proud of you! Congrats sa 'tin!" pagbasa niya sa caption ng post.

Ang nasa post ay si Josephine at si Dhianne. Parehas silang nakangiti sa picture, parehas na may hawak na certificate. Certificate na patunay na kasali sila sa with high honors.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now