CHAPTER 39

492 18 1
                                    

Pagkatapos ng iyakan moments nila ay nagpasya silang maupo na muna saka sila nagkwentuhan.

Lahat ng gusto nilang sabihin sa isa't isa ay sinabi nila. Nagpaliwanag na rin si Dhianne kung anong nangyare sa kaniya, sa kanila sa ilang taon na wala siya at hindi nakadalaw muli sa tatay-tatayan.

Isa na sa sinabi niya dito ang tungkol sa mukha niya. Kung bakit ito nag-iba. Narealize na rin kasi ng tatay-tatayan niya na iba na ang mukha niya.

"Tama ang hula ko na hindi ikaw ang isinama nila dito noon." sabi ni George, tatay-tatayan ni Dhianne.

"Nasabi nga po nila kuya sa 'kin ang tungkol diyan, Pa." sabi naman ni Dhianne.

"Pero mabait naman po talaga si Suzainne. Napilitan lang siyang gawin ang mga bagay na ayaw niya namang gawin para mapansin at mahalin lang siya ng mga magulang niya." malungkot na dugtong niya.

Nasasaktan na naman siya dahil naaalala na naman niya ang mga pinagdaanan ni Suzainne. Gusto lang naman ni Suzainne ng pagmamahal ng isang magulang pero hindi ito mabigay sa kaniya ng mga magulang niya.

"Nakakaawang bata nga. Sana ay masaya na siya ngayon kung nasaan man siya." sabi ni George na ikinangiti lang ni Dhianne.

Alam na nitong wala na si Suzainne dahil kwenento niya nga lahat kay George. Lahat ng nangyare sa buhay niya, nila ay kwenento niya kaya nga nagtagal sila sa presinto.

Maya-maya lang ay uuwe na siya kaya sinusulit niya ng makasama at makausap si George dahil alam niyang baka matagalan siya ulit bago ito muling mabisita dahil sa abala siya sa pag-aaral niya

No'ng nakaraang linggo pa kasi nag-umpisa ang klase niya at baka sa susunod na buwan ay maghahanda na siya para sa operasyon niya. Sa pagbabalik sa dati niyang mukha.

No'ng matapos kasi nila itong pag-usapan ay hindi agad siya pumayag na agad-agad magpaopera. Hinanda niya muna ang sarili niya para dito.

"Ipagdadasal ko na sana maging matagumpay ang operasyon mo, anak. Gustuhin ko mang nando'n ako pagkatapos ng operasyon mo ay hindi pwede. Goodluck rin sa pag-aaral mo. Naniniwala akong matutupad mo ang pangarap mong maging doctor." nakangiting sabi ni George kay Dhianne. Isa rin ito sa ipinaalam ni Dhianne kay George.

Napangiti lang din si Dhianne at tumayo sa kinauupuan niya para lapitan si George at yakapin. Magkaharap lang kasi silang nakaupo.

"Salamat, pa." bulong ni Dhianne sa tainga ni George.

Napapikit pa siya ng tapikin ni George ang likod niya habang yakap din siya nito.

Si Jhacey naman ay tahimik lang na nanonood. Kanina pa siya tahimik at pinapanood lang na magmoment ang dalawa.

Wala namang kaso sa kaniya 'yon. Kinakausap rin naman siya ng mga ito at nasagot naman siya.

"Mag-iingat kayo." maya-maya lang ay paalam na ni George sa dalawa. Oras na kasi para umalis sila Dhianne.

Ayaw pa man nilang mawalay sa isa't isa ay hindi pwede. Kailangan na ring umuwe ni Dhianne dahil may kailangan pa siyang gawin.

Nagulat rin si George kanina nang sabihin ni Dhianne sa kaniya na may isa pa siyang kapatid.

"Opo. H'wag po kayong mag-alala, makakalaya na rin po kayo at kapag nangyare na 'yon, mas magb-bonding po tayo." nakangiting sabi ni Dhianne.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Salamat ulit dahil nagawa mo akong patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon matapos ng lahat ng ginawa ko sa 'yo." George said.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now