CHAPTER 4

1K 47 0
                                    

"Kumusta na kaya siya?" Jazley whispered.

"Sino, pre?" Marcelo asked him.

"Si Dhianne." Jazley said then sighed. Marcelo immediately frowned.

Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula ng huli nilang kita. Ang balak niyang hanapin ang taong dahilan ng mga pasa ni Dhianne ay hindi niya na ginawa dahil naisip niya na baka magulat si Dhianne.

Ayaw niya naman itong gulatin or takutin kaya nagpigil na lang siya at kinausap ito nang maayos.

Wala nga siyang pakealam kung magalit ito sa kaniya dahil sa gagawin niya pero naisip niya na baka matrigger ito or what kaya minabuti niyang h'wag na lang ituloy ang balak niya at kausapin na nga lang ito nang maayos.

No'ng una ay ayaw pang magsalita ni Dhianne, ayaw nitong magkwento kaya nagdesisyon siyang h'wag na itong pilitin kung hindi kaya pero nagsalita rin naman ito na ikinatuwa niya.

Ayaw pa nga sana niyang pauwiin si Dhianne no'n kaso ayaw naman ni Dhianne kaya hinayaan niya na lang. Nag-aalala lang talaga siya dahil baka may hindi magandang mangyare sa dalaga.

"Sinong may gawa niyan sa 'yo? Kung ayaw mong sagutin it's okay." ngiting sabi ni Jazley.

Nagising na kasi si Dhianne at agad niya itong inasikaso. Nag-alala pa nga si Dhianne dahil sa trabaho nito at sa kung nasaan siya.

Pinaliwanag naman ni Jazley kay Dhianne kung anong nangyare sa kaniya at ngayon ay nag-uusap na sila nang masinsinan.

Napagdesisyunan ni Dhianne na magpapaliwanag na lang siya sa amo niya kung bakit hindi siya nakapasok sa trabaho niya.

"Y-yung papa ko po." Dhianne answered and lowered her head.

"What?! He... He... Fuck!" Jazley said at sinuklay ang buhok sa inis.

"Lagi ka niyang... niyang g-ginaganiyan?" tanong ni Jazley at hindi napigilang mapiyok.

Dahan-dahan namang tumango si Dhianne habang kagat-kagat ang ibabang labi.

Hindi niya namalayan na lumuluha na naman siya. Pumapasok kasi sa isip niya ang mga masasakit na salita at mga pananakit ng tatay niya sa kaniya.

"Hey, hey, shh." Jazley called her then hinila niya ito palapit sa kaniya para yakapin ng malamang umiiyak na ito. Hinagod niya pa ang likod nito para pakalmahin.

Habang yakap ni Jazley si Dhianne ay parang may kung anong kumukurot sa puso niya habang naririnig ang hikbi nito.

"Hindi na ako magtatanong, shh." patuloy na sabi ni Jazley at hinaplos na rin pati buhok ni Dhianne.

"O-okay lang po. Gusto ko rin pong magkwento." Dhianne said and Jazley just nod.

Naghiwalay sila ng yakap at hinawakan ni Jazley ang mukha ni Dhianne bago ito tinitigan.

Kitang-kita ni Jazley ang mga luha ni Dhianne at kung gaano kalungkot ang mga mata nito.

Kita niya sa itim na mga mata nito na mayroon itong dinaramdam. Na kahit anong ngiti ang ipakita nito sa kaniya ay siya namang lungkot ng mga mata nito ang nakikita niya.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now