CHAPTER 14

787 36 4
                                    

"Dhianne cutie–" nahinto sa pagbati at sa pagtakbo palapit si Josephine kay Dhianne para yakapin ito nang makita niya ang mga mata ni Dhianne.

"Your eyes... It's green." hindi makapaniwalang sabi ni Josephine at tinuro pa ang mata ni Dhianne. Napayuko lang naman si Dhianne sa hiya.

Ito kasi ang unang beses na hindi niya sinuot ang contact lens niya at ipakita sa kaibigan, sa lahat ang tunay na kulay ng mga mata niya. Kanina pa nga siya pinagtitinginan kaya hiyang-hiya na siya.

"P-pangit ba?" maya-maya ay tanong ni Dhianne at nag-angat ng tingin sa kaibigan na nakatulala pa rin sa kaniya.

"No! Ang ganda nga eh, bagay sa 'yo. 'Yan ba ang... Ang tunay na kulay ng eyes mo?" Josephine said and walked towards her bestfriend.

"Oo, sorry kung hindi ko nasabi sa 'yo." Dhianne said and Josephine just smiled.

"It's okay, Dhianne cutie. I understand. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo tinago ang tunay na kulay ng mga mata mo. Hindi naman kagalit-galit para sa 'kin 'yan." sabi ni Josephine kay Dhianne at niyakap pa ang kaibigan kaya napangiti si Dhianne at niyakap pabalik ang kaibigan.

She's really lucky to have Josephine as her bestfriend. Minsan na niyang naisip kung deserve niya bang maging kaibigan si Josephine. Lagi na lang siyang iniintindi nito.

"Kamukha mo si tito– I mean, bakit ngayon mo lang pinakita 'yan sa 'kin? Ang ganda mo lalo." kinikilig at tuwang sabi ni Josephine matapos nilang magyakapan.

Hindi rin tuloy mapigilan ni Dhianne ang matuwa sa sinabi ni Josephine. Akala niya ay magagalit ito sa kaniya. Nagkaroon din siya lalo ng lakas ng loob na h'wag ng magsuot ng contact lens dahil sa sinabi nito.

"Nahihiya kasi ako." sabi ni Dhianne. Nagsisimula na rin silang maglakad papunta sa room nila habang akbay siya ni Josephine.

"Oh? Don't be shy! It's pretty kaya! H'wag ka na mag contact lens, ah? You're so beautiful, my Dhianne cutie, kagigil ka." gigil na sabi ni Josephine at kinurot na nga ang pisnge ng kaibigan na ikinatawa lang ni Dhianne.

Masaya si Dhianne dahil maraming nagugustuhan ang mga mata niya. Simula ng tanggalin niya ang contact lens niya ay may mga nagsabi na sa kaniyang napakaganda ng mga mata niya.

Maganda din naman daw siya no'ng black pa lang ang mga mata niya. Mas bumagay lang talaga sa kaniya ang tunay na kulay ng kaniyang mga mata.

Nang malapit na sila sa room nila ay napahinto sila sa pagtatawanan at paglalakad nang may bigla na lang humarang sa dinaraanan nila.

"Yes? May problema ba?" agad na tanong ni Josephine sa tatlong babaeng humarang sa kanila.

Hindi naman maganda ang pakiramdam ni Dhianne sa tatlo kaya agad siyang kumapit sa braso ni Josephine.

"She's your friend, right, Josephine?" nakangising sabi ng pandak na babae na siyang nasa gitna ng dalawang babaeng matangkad sa kaniya. Mas matangkad pa rin si Josephine.

"Yes, why? And good to know that you know me." sabi naman ni Josephine at ngumisi rin, hindi nagpapatalo.

Mukha lang mabait si Josephine at inosente pero palaban ito. Ito nga lagi ang nagtatanggol kay Dhianne sa tuwing may mga sinasabi ang iba kay Dhianne. Sa tuwing naaabutan niyang may umaaway dito.

Hindi man sabihin ni Dhianne kay Josephine na lagi siyang pinag-uusapan dahil sa mahirap siya at mayaman ang pamilya ni Josephine at kinaibigan lang niya si Josephine para perahan ay alam ni Josephine 'yon lahat dahil naririnig niya rin naman ang mga 'yon.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now