CHAPTER 5

1K 46 4
                                    

Dhianne smiled as she saw herself at the mirror wearing a beautiful gown. Isa ito sa mga pangarap niya, ang makasuot ng magandang gown.

Naka light make up din siya. Ngayong araw kasi ang birthday ng ate ng kaibigan niya at tulad ng sabi ng kaibigan niya ay inasikaso siya nito.

No'ng una ay nahihiya pa nga siya dahil gumastos pa ang kaibigan niya para sa kaniya ngunit mapilit ang kaibigan niya kung kaya't hinayaan niya na lang ito sa gusto nito.

Bago pa man mangyare ang araw na 'to ay sinabi na niya sa kaibigan niya ang dahilan kung bakit siya naka long sleeves lagi.

Umiyak pa nga ang kaibigan niya ng malaman nito ang nangyayare sa kaniya. Gusto rin nitong ipakulong ang tatay niya para pagbayaran ang ginawa sa kaniya. Marami na itong sinabi, na gusto siya nitong tulungan, na handa siya nitong tulungan para mapanagot ang tatay niya, na nandiyan ang mga pinsan niyang kuya, mga pamilya niya na handa siyang tulungan.

Hindi maiwasan ni Dhianne ang mapangiti at matuwa sa kabutihan sa kaniya ng kaibigan niya. Sobra-sobra siyang nagpapasalamat na nakilala niya si Josephine, na naging kaibigan niya ito.

Alam niyang gano'n talaga ang magiging reaction ng kaibigan niya kaya kinausap niya ito nang maayos. Pinakiusapan niya ito na walang ibang makakaalam ng nangyayare sa kaniya, na sinasaktan siya ng tatay niya, na wala siyang ibang pagsasabihan ng mga pinag-usapan nila.

Nagulat din si Dhianne ng sabihin ni Josephine sa kaniya na may hinala na ito sa dahilan ng palagi siyang naka long sleeves at minsan na rin nitong nakita ang mga pasa ni Dhianne.

Hindi man payag si Josephine sa gusto ni Dhianne ay hinayaan niya na lang ito dahil nirerespeto niya ang gusto at desisyon ng kaibigan niya.

Pero hindi niya maiwasan ang mag-alala para sa kaibigan. Gustong-gusto niyang tulungan ang kaibigan ngunit ayaw naman siyang payagan ni Dhianne.

Ayaw daw kasi ni Dhianne na madamay pa ito baka daw kasi mas lumala kung mangengealam pa siya at ang pamilya nito sa kanila ng tatay niya.

Naging maingat tuloy si Josephine sa kaibigan niya. Natatawa na lang si Dhianne sa ikinikilos ng kaibigan niya sa kaniya.

At ngayon nga ay nakasuot siya ng gown, gown na maitatago ang mga pasa niya sa katawan. Dahil sa light make up na nilagay sa kaniya ay bahagyang natago ang mga sugat at pasa niya sa mukha.

Si Josephine lang din ang nag make up sa kaniya dahil ayaw niyang may ibang mag make up sa kaniya dahil ayaw niyang malaman ng iba na marami siyang sugat at pasa sa katawan. Buti na lang at magaling sa make up ang kaibigan niya.

Naka half pony tail siya na bumagay naman sa kaniya. Ang manipis na labi ay pinapula ng kaunti ng kaibigan niya. Ang bilugan at maamo niyang mga mata ay nagniningning sa tuwing siya ay ngingiti. Halata sa mukha niya na siya ay mabait at maamo.

Suot niya pa rin ang contact lens niya para itago ang berdeng mga mata niya. 'Yon pa ang hindi niya nasasabi sa kaibigan niya. Nawala na sa isip niya.

Nasa isip niya noon ay baka may lahi siya dahil iba ang kulay ng mga mata niya. Hindi pa man sinasabi sa kaniya ng nanay niya na hindi siya nito tunay na anak ay may hinala na siya dahil nga una pa lang ay pansin niya ng hindi sila magkamukha at magkaiba ang kulay ng mga mata nila. Ni minsan ay hindi niya narinig sa mga tao na kamukha niya ang nanay o tatay niya.

Dahil rin sa kulay ng mata niya ay naging agaw atensyon siya kung kaya't nagdesisyon sila ng nanay niya na mag contact lens na lang siya para itago ang totoong kulay ng mga mata niya.

"Dhianne cutie!" napalingon siya sa kaibigan niyang si Josephine nang tawagin siya nito.

Agad naman siyang ngumiti ng makita ang ayos nito. Napakaganda ng kaibigan niya. Nasa isip niya nga ay pwede itong mag model.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now