CHAPTER 13

844 46 8
                                    

Habang hinihintay ni Dhianne si Jazley ay tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid niya. Nakanguso pa ang mga labi habang naglulumikot ang mga mata.

Nasa opisina kasi siya ni Jazley sa bahay nito. Pinapunta siya dito ni Jazley sa hindi niya alam na dahilan. Ngayon lang din siya nakapasok dito kaya hindi niya maiwasan ang suriin ang nasa paligid niya.

Hindi niya tuloy mapigilan ang kabahan dahil baka may nagawa siyang mali o hindi nagustuhan ni Jazley kaya siya nito pinatawag.

Napatalon siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Jazley. Napatingin tuloy siya doon at doon nakita niya si Jazley.

"Sorry, natagalan ako." sabi ni Jazley matapos isarado ang pinto at maglakad papunta sa mesa nito para maupo sa swivel chair nito.

Siya kasi ay nakaupo lang sa may mahabang sofa. Nang makapasok siya kanina dito ay nanatili na siya doon, hindi siya nag-ikot sa loob ng opisina dahil natatakot siyang baka may masira siya o kung ano man.

"Okay lang po. Bakit niyo po pala ako pinapunta dito? May nagawa po ba akong masama? Sorry po kung meron man." kinakabahang sabi ni Dhianne at hindi makatingin nang diretso kay Jazley.

Pinaglalaruan niya pa ang daliri niya sa kamay dahil sa takot at kaba. Kagat-kagat niya din ang ibabang labi niya at unti na lang ay maiiyak na.

Isang araw na ang lumipas simula ng pumunta ang Fernandez Family sa bahay nila Jazley. At sa isang araw na lumipas na 'yon ay hindi maintindihan ni Dhianne kung bakit gusto niyang makita ang mga ito ulit, agad.

"Hey, wala kang ginawang ano man. Kaya kita pinapunta dito ay dahil may itatanong lang ako sa 'yo. I'm sorry if I scared you." Jazley said softly nang mapansin niya ang takot at kaba ni Dhianne.

"Ah, gano'n po ba? Sorry po." sabi lang ni Dhianne at nanatiling nakayuko. Pigil ang mapaiyak sa hiya at kaba kanina.

Masyado siyang nag-overthink kanina kaya napapaiyak na lang siya. Hindi naman tumutulo pero papaiyak na talaga siya.

Napabuntong hininga naman si Jazley at tumayo sa kinauupuan niya sabay naglakad papunta sa gawi ni Dhianne at naupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Dhianne sa kaniya.

"H'wag ka ng kabahan o matakot. Wala ka namang ginawa, eh. Sorry kung natakot talaga kita, hindi ko sinasadya." marahang sabi ni Jazley at nginitian pa si Dhianne.

"Hindi na po. Natakot lang po ako kasi baka may nagawa po ako kaya niyo ako pinatawag. Pasensya na po, kuya." sabi ni Dhianne at ngumiti lang din kay Jazley.

"It's okay, let's change the topic na lang." sabi ni Jazley kaya nakangiting tumango na lang si Dhianne.

Bago magsimula si Jazley sa kung ano mang balak niya ay umayos muna siya. Isang araw niya ring pinag-isipan ang mga itatanong niya kay Dhianne.

Ngayong nalaman niya na kapatid niya pala si Dhianne ay mas babantayan at aalagaan niya ito nang maayos. Marami din silang napag-usapan at napagplanuhan ng pamilya niya na dapat nilang asikasuhin, lalo na at tungkol 'yon kay Dhianne.

Hindi rin niya sinabi sa pamilya niya na buhay siya. Hindi pa daw kasi ito ang tamang oras para malaman ng mga ito ang tungkol sa kaniya. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang kapatid niya. Ang kaligtasan ng kapatid niya.

Hindi niya maiwasan ang makahinga nang maluwag na napunta sa kaniya ang kapatid niya at nakuha niya ito sa tatay-tatayan nitong sinasaktan siya palagi.

Laking pasasalamat niya dahil nakilala niya si Dhianne, na siya pa lang kapatid niya. Ang aso niyang si Summer ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. 'Yun din siguro ang oras na magkita silang magkapatid.

Their Long Lost Sister Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz