Chapter 1

640K 11.9K 2.5K
                                    

"Talaga ninong?" Tuwang-tuwang sabi ko sa kausap ko ngayon.

"Ibigay mo lang tong calling card ng kaibigan ko sa kanya iha." Kinuha ko yung inabot niya sakin.

Zachary Dawson

"Yan ang pinakamayaman sa bansa natin iha." Sabi ni ninong. "Madami din siyang business sa iba't-ibang bansa."

Wow.

"Eh ninong tingin mo ba matatanggap ako dun? Huhu. Baka mamaya mataas standards nun ninong." Sabi ko pa.

"Bakit? Girlfriend ba ang aapllyan mo?" Tanong naman nito.

"Secretary po."

"Exactly. Basta sabihin mo lang na kilala mo si Ernie. He's my friend Keisha. Just call me when you get there okay?"

Tumango na lang ako at nag-ayos ng gamit.

"Bakit ba hindi ka na lang kase dito mag-trabaho Keisha?" He asked me.

"You know I can't ninong." Tinignan niya ko ng masama. "Gusto ko munang ma-try sa ibang company bago yung sa inyo. Experience kumbaga." Kinindatan ko pa siya.

Ayokong nagtrabaho dito kase magagalit na naman sila sakin. Ayoko dito kase gusto kong may mapatunayan sa pamilya niya.

My parents died when I was still 5 years old. Si Ninong Levi ay bestfriend ni daddy. Simula noon ay kinupkop na niya ko kaya parang siya na rin ang tumayo bilang ama ko.

Meron din siya anak na sila Mae at Belle na never ko namang naging kasundo dahil ayaw nila sakin. Iniisip kase nila na inaagaw ko si ninong sa kanila which is not true.

And yung asawa naman ni ninong na si tita Mean ay ayaw din sakin dahil sabi nga niya "Sampid" lang ako sa pamilya na meron sila. Isa lang daw akong panggulo sa kanilang masayang pamilya.

Si ninong nga lang ang nagpumilit na pag-aralin ako e. May sarili akong kwarto sa mansion nila. Buhay prinsesa din ako kapag andiyan si ninong, pero buhay alipin kapag wala siya.

Masama ang trato sakin ng pamilya niya. Never kong binaggit sa kanya yon dahil ayokong masira kung ano man ang pamilyang meron sila ng dahil lang sa akin.

Kaya ito nga gusto ko agad makahanap ng trabaho para naman hindi nako maging pabigat pa sa kanila.

"Osiya. If that's what you want iha." Sabi niya maya-maya.

Nagpaalam nako sa kanya maya-maya.

AFTER ONE HOUR

"Good Morning. What can I do for you maam?" Nakangiting tanong ng secretary ni Mr. Dawson sa akin.

Andito nako ngayon sa Dawson Company at tinuro nga sa front desk itong 10th floor kung saan matatagpuan ang office ng CEO.

"Can I talk to Mr. Dawson?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"May I know your name maam?"

"Keisha. Keisha Monet."

"Just a minute maam." Sabi nito bago pumasok sa opisina nung CEO.

After 2 minutes, ay lumabas din siya.

"This way maam." Sabay smile.

"Thank you." Ngumiti ako sa kanya. "Mabait ba si Mr. Dawson?" I asked her habang naglalakad kami.

"Yes maam. Pero medyo masungit po. Shh." Sagot nito.

Hindi na lang ako sumagot.

I slowly opened the door nung nasa harap nako nito.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon