Chapter 17

243K 5.6K 182
                                    

"Zach saan ba kase yung event na sinasabi mo ha?"

"Pang-ilang tanong mo na ba yan wifey. Wait lang kase." Iritadong sabi niya.

"Kase naman e. Bakit iba na naman tong suot kong damit? Tas super make-up pa nangangati tuloy yung mukha ko."

After ba naman namin sa Star City dumiretso kami sa isang mall na may malaking salon sa loob tapos pinaayusan na naman niya ko dun. Ang kapal pa maglagay ng make-up nung bakla. Tapos may pinasuot siya saking purple dress. Dress na naman pero ito with strap. Tapos super taas na sandals. Kailangan daw kase maabot ko naman ng kaunti yung height ni Zach. Bakit kase ang tangkad no Zach diba? Dapat siya mag-adjust e. Psh.

"Malapit na tayo wifey." Pinisil niya pa yung kamay kong nakayakap kay Zasha.

Nandito na nga pala kami sa sasakyan niya. Tapos nakaupo sa lap ko si Zasha. We look like a happy family. Hihi.

Ano kayang itsura ko kapag nanay na ko? Magmamature kaya yung itsura ko? May mga kilala kase ako na parang tumatanda yung itsura nila e. Lalapad din kaya yung katawan ko? Pero ever since kase hindi pa ko tumataba e.

Tsaka si Zach kaya paano maging tatay? Spoiled din kaya yung magiging anak namin kagaya ko? Pag lalaki kaya tuturuan niya mag-chix? Eh pag babae pag babawalan niya naman kayang magpaligaw?

"Ay anak namin ni Zach!" Napasigaw ako ng may sumundot sa tagiliran ko.

"Kunwari ka pang ayaw mong magkaanak tayo ha." Nang-aasar na sabi niya.

"Heh! Tigilan mo nga ako. Nasan na ba tayo?" Pagtataray ko para matakpan yung pagkapahiya ko.

He chuckled. "Andito na kase tayo."

Inilibot ko yung mata ko sa paligid. May isang parang function hall sa bandang gitna nitong lugar tapos sobrang dilim ng paligid. Puro puno lang ang makikita mo.

Tinignan ko yung buong function hall. May mga nakabantay sa labas nito na armado. As in may malalaking baril sila tapos lahat sila naka-black suit.

Nakakatakot yung aura sa lugar na to. Nakaramdam ako ng kaba. Kabang naramdaman ko nung gabing kinuha sakin ang mga magulang ko. Halos ganitong-ganito din yung ganap noong panahon na yun.

Biglang bumukas ang pintuan ng passenger seat kung saan ako nakaupo at iniluwa si Zach. Ang napakagwapo kong asawa na nakasuot ng coat and tie.

"Ready my wifey?" Inilahad niya pa yung palad niya.

"Rhyming yun ah." I try to joke so that I can ease the tension I'm feeling right now.

Tumawa lang siya.

"Hi Keisha, boss."

"Good evening."

"Hi Ms. Keisha."

"Okay na lahat boss."
Sabi ng mga tauhan ni Zach kaya nginitian ko lang sila.

Naunang maglakad samin si Zach. Tapos nasa likod niya si Blake at Kane tapos Val at Jade. Sa pinakalikod naman si Chris. Basta alam niyo yung para kong nasa isang box? Ganun. Pinapalibutan nila kong anim.

Kinakabahan na talaga ko dahil lahat ng madadaanan naming may baril ay yumuyuko pag dumadaan na si Zach. Parang nagibibigay pugay.

Baka naman kulto tong pinuntahan namin? Hihi.

Pinagbuksan kami ng dalawang tao nung makarating kami sa entrance.

Maraming pasikot-sikot na hall kaming pinasukan bago makarating sa... conference room?

"Opisina mo ba to hubby?" Biglang tanong ko. Para kaseng may meeting e.

"Hindi Keisha." He called me Keisha.

"Welcome to my world." At bigla siyang may pinindot.

Namatay yung ilaw at napalitan ng dim lights.

Sa bawat gilid ng kwartong ito ay may mga gamit. Hindi kang basta-basta gamit dahil puro baril, bomba, knife, at kung anu-ano pang bagay na pwedeng makamatay..

MAFIA

Yan ang nabasa ko pagkalingon ko sa lugar na kinatatayuan ni Zach.

Mafia? Diba masasama sila? Sa pagkakaalam ko pumapatay sila ng tao. Gumagawa ng kung anu-anong ilegal. Masama si Zach?

"Z-zach ano to..." Nanghihinang tanong ko sa kanya.

"This is my world Keisha. I belong to a Mafia group and... and I'm the Mafia Boss."

At biglang namatay lahat ng ilaw at nakarinig kami ng mga pagsabog mula sa labas.

"Fvck!" Rinig kong sigaw ni Zach. "Kill them." Utos niya sa mga tauhan niya.

"H-hubby..." Naiiyak na tawag ko sa kanya. End of the world na ba? Sunod-sunod na kase yung pagsabog at putok ng baril na naririnig ko.

"H-hubby natatakot ako." Patuloy pa din ako sa pag-iyak ng may biglang yumakap sakin.

"I'm here wifey. Hindi kita papabayaan okay?" Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Hush now. Everything will be alright. Trust me." Parang magic words yung sinabi niya na nagpakalma sakin.

Nakapalibot yung left arm niya sakin habang naglalakad kami. May pagmamadali sa bawat hakbang na ginagawa namin.

Kahit kinakabahan ako ay patuloy lang ako sa paglalakad. I trust him.

Pumasok kami sa isang kwarto.

"Stay here okay? Wag na wag kang lalabas." Hinigpitan ko lalo yung hawak ko sa kanya.

"Don't leave me here Zach." Nanginginig na pakiusap ko sa kanya.

"I'll be back. I need to check my people. I promise I'll be back." He even kissed me para lang mapanatag ako.

Nagtatago lang ako sa may likod ng pintuan habang hinihintay si Zach. Gaano katagal na ba siyang lumabas? 1 minute? 2? 3? 4? 5?

Aish! Nakakakaba naman maghintay lang. Pinakiramdaman ko ang paligid. Bahagya ng nawala yung putukan sa labas.

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at lumabas.

Habang naglalakad ako ay may naapakan ako.

Para lang siyang maliit pero matigas na gamit kaya dahan-dahan akong yumuko para pulutin ito.

Inopen ko yung phone ko para magka-ilaw ng kaunti. Isa siya bala.

May nakatatak sa bala. Ano to symbol? Triangle siya na may nakasulat na letter F sa loob. Parang pamilyar to sakin? Nakita ko na to dati pero hindi ko lang mataandaan.

"WAG KANG KIKILOS." Kinilabutan ako ng may nagtutok ng baril sa tagiliran ko.

Katapusan ko na ba to?

Hinawakan niya ko sa leeg at tinutukan ng baril dito. Napansin ko yung kamay niyang may hawak ng baril, meron siyang tattoo na kagaya ng symbol na nakita ko sa bala.

Anong meron sa symbol na yun?

"DAWSON! Lumabas ka! Hawak ko na ang asawa mo. Napapabilib mo ko. May taste ka ha. Maganda tong pinakasalan mo e!" Sigaw niya sa kawalan.

"Nandito ako. Kung matapang ka ako ang kalabanin mo hindi yung nagtatago ka sa katawan ng babae." Maangas na sabi ni Zach na lumabas sa kung saan mang gilid.

"Buti naman nagpakita ko. Gusto ko yan. Gusto kong makita mo kung paano ko angkinin tong asawa mo." And with that hinalikan na niya yung leeg ko.

"Ano ba! Lumayo ka ahhh!" Pinagtutulak ko tong manyak na to.

Boom

Isang putok ang narinig ko bago nagblack-out lahat.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon