Chapter 33

208K 5K 474
                                    


Nakatitig lang ako kay Zach na nagbibihis na harap ko.

Simula nung nalaman na naming buntis ako, medyo naghigpit na siya sakin. Hindi sa nakakasakal na way okay? Naging protective lang kumbaga.

Pagpupunta ako ng mall, he make sure na kasama ko isa man kila Blake tsaka si manang. Hindi pa nga nila alam na buntis ako kaya siguro nagtataka sila. Dati kase okay lang naman kay Zach kung umalis ako mag-isa e.

Pero okay na din yun. Parang barkada ko na din naman sila. Tsaka si manang parang nanay na ang turing ko sa kanya kaya hindi na ko naiilang kapag kasama sila. Okay na din yun para kung may sumakit man sakin or what, at least aalalay sakin diba?

Kaso these past dew days, mas dumami yung trabaho ni Zach. Pinipilit pa rin naman niyang magkaroon ng time for me pero feeling ko kase kulang talaga e. Alam mo yung feeling na parang gusto mong kasama siya buong araw? Ganun. Tumatawag naman siya sakin palagi kapag nasa office siya. Kinakamusta niya ko. Tinatanong niya kung kumain na ba ko. Kung may masakit ba sakin. Kung may gusto akong kainin. At kung anu-ano pa.

Pero iba kase talaga pag kasama mo diba? Aminin niyo yan. Clingy na kung clingy peri ganun din naman kayo sa mga boyfriends at asawa niyo diba?

"Anything you want to tell me wife?" Nagulat ako kay Zach. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa couch na inuupuan ko.

"Promise me you won't get mad." Feeling ko kase di siya papayag e.

"Too smart wife." He smirked kaya tumawa lang ako. I'l always like this whenever I want something na alam kong hindi siya agad papayag. "What is it then?" Itinayo niya ko at niyakap.

I hugged him back. Siniksik ko naman yung mukha ko sa chest niya. Gahd! He smell so good. I really love his scent.

"Hmm.. How I love your smell." I said while sniffing him.

I heard him chuckled. "Hmm. How I love you." Panggagaya niya sakin sabay kiss sa buhok ko.

"Ano bang hihilingin ng asawa ko at grabe ata kung maglambing?" Natawa naman ako sa sinabi niya. He knew me well. Hihi.

"Hmm.. Can I come with you?" Natahimik siya kaya kinabahan ako lalo. Huhu.

"Do you really want to come with me?" Bahagya akong tumango.

"Okay." Napabitaw ako sa kanya para tignan kung nagbibiro ba siya or what. Pero nakangiti lang siya sakin.

"Waaah! Really hubby? Yaaaaah! Yeheeey!" Para akong batang tuwang-tuwa dahil nabigyan ng candy. Hihi.

I kissed him sa cheeks. "Wala ng bawian yan ha! Maliligo na ko!!" Masayang sabi ko tapos kiniss ko ulit siya, this time sa lips na. Sobrang saya lang talaga ng pakiramdam ko.

"Careful wife. Kahit isama pa kita sa office everyday just don't get too excited at baka madulas ka pa." Rinig kong sabi niya sa labas ng CR.

Mabilis akong naligo dahil excited akong pumunta sa office niya.

Hindi ko nga alam kung bakit gusto kong sumama e. Siguro sobrang bored lang ako. Pero ano naman kayang gagawin ko sa office niya? Magi-internet na lang siguro ako. Kahit ano basta kasama ko ang hubby ko. Hihi.

"Ready na ko hubby!!" Excited na sabi ko ng maabutan ko siyang nagbabasa ng newspaper sa couch.

"We'll eat breakfast first." Sabi niya saka tumayo.

"Can we just eat at your office?" I pouted.

"But-"

"Please? I also like pancake of Mcdo. Please please?" With paawa effect pa yan ha.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon