Chapter 6

249K 6.6K 891
                                    

Kain. Nuod. Tulog. Yan ang paulit-ulit kong ginagawa simula kanina pa.

Nakakainis naman kase. Akala ko magiging bonnga yung kasal ko. Huhu. Siyempre kagit alam kong joke time lang to, di ko pa rin napigilang mag-expect.

Pero assuming lang talaga ako. Ano pa nga bang dapat kong i-expect diba? I mean wala namang love sa marriage na to. Siguro masaya na si Mr. Dawson ngayon dahil nga nakuha na niya ang gusto niya.

Pero ako? Eto nagmumukmok. Pano ba naman kase right after ng kasal, umalis na siya kasama yung mga tauhan niyang gwapo. Psh.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam yung reason ng pagpapakasal namin. Siguro sobrang importante nun noh? I mean para maghanap at magbayad siya ng kahit magkano para lang makahanap ng mapapangasawa?

"Oh ineng buti gising ka na." Sabi ni manang na kakapasok lang sa bahay.

"Tulungan ko na po kayo manang." Binuhat ko yung ibang plastic na bitbit niya mukhang kakagaling lang niya sa supermarket.

"Andami niyo naman po atang bitbit manang." Paano 4 tong bitbit ko tapos may 3 pa kay manang.

"Nako ineng kulang pa nga yan e. Idedeliver na lang daw dito mamaya yung iba. Ito lang muna ang dinala ko dahil gagamitin ko sa pagluluto." Talaga may idedeliver pang iba?

"May delivery na po pala ang supermarket manang?" First time kong nakarinig ng ganun e.

"Sa supermarket lang ni Zach iha." Nanlaki ang mata ko. Mag supermarket siya?!

"May supermarket po siya?"

"Oo iha andun sa mall na pagmamay-ari din niya." Another wow. Mall?!

SERIOUSLY?

"Gano po ba kayaman si Zach manang?" Curious na tanong ko.

Si ninong kase mayaman din naman diba? Pero wala siyang mall at supermarket. Isang company lang pero maluwag na maluwag na ang pamumuhay niya. Pano pa kaya si Zach diba?

Pero sa totoo lang hindi na dapat ako magtaka e. Itong mansiyon nga lang niya isang malaking katibayan na na mayaman talaga siya.

Sa tingin ko nga nasa daang milyon ang nagastos niya sa bahay na to. Ang laki-laki nito na feeling ko nga hindi na kami magkakakitaang lahat e. May swimming pool, fish pond na malaking-malaki, gym, spa, and everything.

Ito yung bahay na gugustuhin ng lahat ng tao.
Alam niyo kung bakit? Simple lang, hindi mo na nanaiising lumabas dahil andito na ang lahat.

"Mayaman na mayaman ineng. Kaya ikaw." Tinigil niya ang pag-aayos ng groceries at humarap sa akin. "Napakaswerte mo sa kanya. Hindi lang siya basta mayaman, sobrang bait pa." Si Mr. Dawson mabait?

WEH?

"Hindi mo pa siguro nakikita ngayon pero mabait siya ineng." Sabi niya bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Siya nga pala ineng binili ko ito para sayo." Inabot niya kase ang isang magazine?

"Ikaw agad ang naalala ko ng makita ko yan." Ngumiti pa siya sakin. "Magluluto lang ako."

Dumiretso ako sa sofa at tinignan ang magazine.

MARRIED LIFE

Yan ang pangalan ng magazine na binigay sakin.

Isang title sa table of contents ang pumukaw sa akin.

How To Be A Good Wife

Wala sa loob na pinuntahan ko yung page na nakalagay.

Every married man wishes to have a good wife. Many people advise the new bride to be a good wife to her husband. But what are the makings of a good or perfect wife? Many of women do not know about it. Most of these qualities of a good wife are already inbuilt in a woman and the rest can be developed.

1. Be Pleasant.

2. Treat your Husband with Respect

3. Communicate.

4. Prepare the house.

5. Prepare yourself.

6. Be supportive.

7. Plan surprises.

8. Do not nag.

9. Give him his space.

10. Make him happy in bed.

Do you want a Good Husband who would love you and cherish you? Then treat him exactly the way you want him to treat you. If you want your Husband to treat you like a Queen, you should treat him like a King. In this modern world where most Wives also work the above advice may not be fully practical. But at least some efforts can be put to put these tips into practice. If you are working, you may keep a maid for doing the household chores of cooking, cleaning etc.

I am sure any man would be happy to get a good wife with all the above said qualities. Anyways, I have some advice for Men who were overjoyed seeing this Hub. Marriage is a two sided relationship and you have to play your role too in a perfect manner if you expect your wife to be an ideal one.

GAWIN KO KAYA TO?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon