Chapter 64

185K 3.9K 151
                                    


Nagising akong nakahiga sa isang kama.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman akong naramdamang kakaiba sa sarili ko.

Medyo ang kati lang ng face ko. Ano bang meron?

Nakakita ako ng salamin na nakapatong sa table na katabi ng hinihigaan kong kama kaya agad ko itong nakita.

At dun ko lang napansin na nakamake-up pala ako. Kaya naman pala. Hindi talaga ko sanay magmake-up.

Isa ko pang napansin ang suot-suot.

Kulay puti siya at mahaba..

Pabaloon din siya sa ilalim kaya nagmukha akong prinsesa..

Napakaganda ng WEDDING GOWN ko.

Halos parehas na parehas to ng bridal gown na pinapangarap ko mula pa dati.

Simple but elegant.

Hindi ko na napigilang maluha.

Zach never fails to surprise me.

Tumayo ako ng maayos para matitigan ko ang sarili ko sa full length mirror na nasa cottage na kinaroroonan ko.

Ang ganda-ganda ko ngayon.

Napatingin ako sa floor ng cottage at may mga rose petals na nakalatag.

Dahan-dahan akong naglakad habang sinusundan ito..

I want to treasure every moment.

Nakalabas ako ng cottage at nakakita ako ng mga taong nagkakagulo sa lugar na tinutumbok ng rose petals.

Natigilan ako kung patuloy ko pa bang susundan yung mga petals or hindi na?

Sa huli napagdesisyunan ko na lang na dumiretso.

Laking gulat ko naman ng biglang nagsitabihan ang mga tao kahit hindi ko pa sila hinahawi.

Umupo rin sila sa sand ng makaraan ako kaya mas ipinagtaka ko yun.

Inikutan ko sila ng tingin at napansin kong naka-form sila ng heart shape.

Dito na talaga tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

How can I be so lucky?

Sinalubong ako ni Jl at Pia.

"Ang ganda mo girl!" Tumitiling sabi ni Pia sakin.

"Congrats... ate.." Wow. For the first time, tinawag akong ate ni Jl. Wow talaga.

Hindi ko napigilan yung sarili kong yakapin si Jl.

"Ay te si Jl lang ang may hug? Paano naman ako?"

"Nagtampo pa to. War tayo diba?" Nang-aasar na sabi ko.

"Grabe ka. Akala ko ba bati na tayo? Pinaubaya ko na nga sayo si Zach e."

"Woooshoo. Pinaubaya ka diyan? Akin talaga si Zach no." Binelatan ko pa siya. "Asan ka pala yun?"

Sabay naman silang ngumuso sa may harapan namin.

Merong white and purple curtain dito sa kinatatayuan namin kaya unti-unti ko itong hinawi.

At doon ka nakita ang isang isang arko tapos may parang mini altar siya na sobrang ganda ng pagkaka-ayos.

Kitang-kita ko din mula dito ang mga naggagandahan at nagga-gwapuhang bisita namin na puro may mga ngiti sa labi.

Sa gitnang bahagi naman ng altar kung saan ako lalakad ay maraming mga petals..

At siyempre sa dulo nito ay naghihintay na ang aking gwapong groom..

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon