Chapter 14

251K 7K 829
                                    


Napabalikwas ako ng bangon. Anong oras na ba? Plano ko kaseng magluto ng almusal para sa hubby ko.

Hubby? Teka.. Nasa kwarto niya ko!

Tinignan ko yung itsura ko. Balot pa din ako ng kumot. Nag-init naman agad yung pisngi ko ng maalala ko yung nangyare kagabi.

"Early in the morning and you're blushing. How beautiful." Agad akong napalingon sa may pinanggalingan ng boses.

Nakatayo sa may pintuan ang pinakagwapong lalaking nakilala ko habang may bitbit na tray.

"Breakfast in bed?" Ngumiti ako sa kanya.

Hinalikan niya ko sa labi pagkalapit niya sakin. Smack lang yun pero eto na naman po ang nga paru-paro ko sa tiyan. Nagkakagulo na naman sila.

"Are you okay?" Wala naman akong sakit diba?

"Uhuh. I think so?" I answered.

"H-hindi na ba masakit?" Agad na namula ang pisngi ko. Yun pala ang ibig niyang sabihin.

"You're so cute when you blush." He pinched my cheeks.

"I love you wifey." He said.

"I love you too." I said and kissed him.

Pero agad din akong lumayo ng may maalala ko.

Hindi pa pala ko nagba-brush!!!!

Agad akong tumakbo papunta sa cr.

Nagulat ako ng may yumakap sakin. Hinalikan niya yung neck ko.

"I'll always kiss you no matter what." Sabi niya sa may tenga ko.

"Asus. Maliligo nako." Kumalas ako sa yakap niya.

"Parang masarap atang maligo ulit ah." Pilyong sabi niya.

"Heh! Labas na ng makaligo nako. Tsaka late ka na sa opisina."

"Nah. I'm the boss." Kinindatan pa ko.

Huhu. Gusto niya ba talagang sabay kami maligo? Di ako ready e.

"Ihh. Ayoko ng maligo."

"Eh di ako ang magpapaligo sayo." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Pikon mo. Sige na I'll wait outside. Punta tayong office." He said before leaving.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko.

Nagsuot ako ng red tube cocktail dress tsaka red heels and of course my red sling bag. I put light powder and lipstick.

Bumaba ako agad pagkatapos ko mag-ayos.

"Woooh! Ang hot mo naman ngayon Maam Keisha ah!" Bati sakin ni Blake pagkababa ko pa lang.

Agad namang nagsilingunan sila Val sakin. Pero sila sumaludo lang.

"Yo Keisha. Sexy mo ngayon ah!" Sabi naman ni Kane.

"TALK TO MY WIFEY LIKE THAT AGAIN AND I'LL KILL YOU." Galit na sigaw ni Zach

Possessive hubby. Natuwa naman ako sa naisip ko.

Nilapitan ko na lang si Zach.

"Hot-headed hubby." Sabi ko sa kanya ng magkalapit kami.

"Double check everything for the auction later. Proceed as plan." He said.

Auction? Plan?

Can somebody please enlighten me?

"Let's go wifey." Hinawakan na niya yung kamay ko.

Ngayon ko lang natitigan ng maayos yung sasakyan niya. Ang coool pala nito. Parang pang-racing e.

Kung maganda sa labas, mas maganda pala sa loob. Ang daming button na pwedeng pindutin.

Akmang pipindutin ko sana yung isang button..

"Don't you dare touch anything wifey." Agad na napalayo ang kamay ko dun.

Nakarating kami agad sa office niya. Lahat nga ng taong madaanan namin ay nagba-bow sa kanya. I feel like a queen when they do that.

"Review this wifey." He handed me a folder. "I want you to know about our company."

"For what?"

"So that you can manage it whenever I'm not around." Naguguluhan man pero tumango na lang ako.

"Everything that I own is yours too." Then he kissed me. "Be back in a while. May kakausapin lang akong investors."

Inayos ko yung tie niya bago siya palabasin.

Inaral ko ng maigi yung binigay niya sakin. Nakalagay dito na 10 years na yung business niya at siya lang mag-isa ang nagtaguyod nito. 90 percent ang share niya sa company while the other board memebers ay naghahati na sa 10 percent lang. Ayaw niya bitawan yung 90 percent dahil ayaw niyang mawalan ng power balang-araw sa company na tinaguyod niya ng matagal.

Pinag-aralan ko din kung paano nagwo-work ang company niya. Meron din siyang chain of malls, supermarkets, coffee shops, restaurants, hospitals, yatchs, and marami pang iba.

Isa itong katibayan na mayaman talaga siya. Mayaman talaga ang asawa ko.

Busy ako sa pagbabasa ng..

"Maam sorry po nagpumilit po kase siyang pumasok dito." Sabi ng secretary.

Tinignan ko yung babaeng pinipigil niyang pumasok. It was her! Siya yung babaeng humalik kay Zach kahapon. The nerve of this girl.

"Who are you? Where's Zach?!" Aba ako pa ang tinarayan mo ha. Watch me.

"My HUSBAND is not here. Why are you looking for my hubby?" I smirked.

"Who the hell are you?" She hissed.

"You don't get it right? I'm his beautiful wife." Pang-aasar ko.

Bigla niyang hinatak yung buhok. The nerve of this girl!

"Maam tama na po yan." Rinig kong sabi ng secretary sa lukaret na babaeng to habang hinahatak siya palayo.

Pilit kong hinahawakan yung braso niya para mapalayo siya sakin pero sadyang malakas siya.

"You're a bitch! Inagaw mo sakin si Zach! Slut! Whore!" Pinagsasampal niya din ako.

Ang kapal ng mukha niya para tawagin akong ganun.

"You don't know me bitch." I said at tinulak siya ng pagkalakas-lakas dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Akmang susugurin niya ulit ako ng

"Damn. HURT MY BEAUTIFUL WIFEY AND I WILL NOT THINK TWICE TO KILL YOU."

"But Za-"

"Get. Out. Now." Naglakad siya papalapit sakin. "And don't ever hurt her again."

Napatingin ako kay Zach. Galit na galit siya ngayon. Ayaw niya sigurong nasasaktan talaga ko.

Mahal nga niya talaga ko.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon