Chapter 9

247K 6.7K 505
                                    


Kanina ko pa dinadama ang labi ko. Hindi pa rin kase ako maka-move on sa naganap kaninang umaga!!

OMG! Kanina pa tuloy ako nakahiga dito sa kanina. Feeling high nga e.

Siguro may drugs yung lips niya noh?!

Isa-isa kong tinitignan yung mga steps. Sinulat ko kase isa-isa sa bond paper yun tapos dinikit ko sa wall.

Gusto ko kase silang makita palagi para maalala kong gawin diba.

So ayun check na yung first three steps whay I need to do next is the 4th and 5th step.

4. Prepare the house.

Maintain a clean house all the time. Clear away the clutter and spend time decorating the house. Apart from this be wise with money and take all the responsibilities of a wife seriously without complaining.

5. Prepare yourself.

A good wife honors her hubby by keeping a pleasant tone in her voice, a happy smile on her face and a neat and clean appearance. Take special care about your appearance and every day. Include exercises or yoga in your daily routine. Be hygienic. Some woman feel that once they are married why they should dress up or take care of their appearance. A man likes his wife to smell good. If you are unhealthy or not presentable your man may cheat you behind your back.

Time to clean the house! :)

Inuna kong linisin yung sala. Buti na lang wala si manang kase for sure hindi niya ko papayagang maglinis diba?

Sabi daw kase ni Zachary, wag daw ako hinahayaan gumawa ng gawaing-bahay. Ika nga niya "Asawa ko si Keisha, hindi kasambahay. Okay?" Hihi.

Natutuwa pa din akong isipin na tinuturing niya kong asawa kahit na sa papel nga lang. Ayos na yun kesa wala diba?

Tinry kong ibahin yung ayos ng mga gamit sa bahay. Inikot-ikot ko lang yung mga gamit. Ganito kase ako sa apartment ko dati, pinagpapalit-palit ko yung mga gamit ko. Feel ko lang kaseng pa-iba-iba.

Kaya ayun ang ginawa ko sa mansiyon ni Zachary. Hindi naman siguro siya magagalit diba?

Inilagay ko yung sofa sa gilid ng door. Tapos sa may hagdan naman yung television set para sa katapat din nun sofa ulit. Tapos naglagay ako ng carpet. May nakita kase ako dun sa storage room nila sayang naman kung hindi magagamit.

Pinunasan ko din lahat ng mga gamit tsaka inisa-isa kong pinunasan yung stairs ha! Ang taas kaya. Buti na lqng din may cavuum sila dahil kung wala, for sure lupaypay na ang katawan ko pag dating ni Zachary.

Hindi na ko masyadong nakialam sa mga kwarto sa second at third floor. Yung room naman kase niya ayos na ayos e. Para ngang araw-araw nililinis. As in mas maayos pa sa bedroom ko kaya yung akin na lang ang niligpit ko.

6:00 pm

HALAAAA! Ala sais na. Anytime andito na si Zachary kaya dapat makaligo na rin ako.

Dumating na din pala si manang. Nagulatbsiya sa ginawa kong ayos sa baba pero maganda naman daw at for sure hindi naman daw magagalit si Mr. Dawson kaya nakampante nako.

Ligo. Bihis. Ayos. Yan na lang ang ginagawa ko. Dapat daw kaibig-ibig ka pa rin kapag hunaharap ka sa asawa mo. Sabi nga nila, hindi porket mag-asawa na kayo eh makakampante ka na sa kanya. Oo dapat maging relax kayo sa isa't-isa but not to the point na papabayaan mo na ang sarili mo dahil baka magulat ka na lang kapag nakahanap na siya ng iba.

So ayan mga ang ginagawa ko ngayon. Kahit pa sa papel lang tong kasalan namin, ayoko pa ring maghiwalay kami dahil sa totoo lang, crush ko na siya. Hihi. Shh lang kayo ha.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon