CHAPTER 50

145K 3.9K 68
                                    


"The one and only my dear inaanak." Ngumisi pa talaga siya.

Nanggigigil na ko pero pinigilan ko. Ayokong magpadalos-dalos.

"B-bakit.. paano mo nagawa yun? B-bakit ikaw pa?" Gusto kong malaman kung bakit.

Ilang taon kong bitbit sa utak at puso ko yung tanong na yan.

Bakit mga magulang ko pa?

Bakit sila pinatay?

Anong kasalanan nila?

"Why not? Hindi ako mahina para hindi gawin yung mga ginawa ko." Ngumisi pa ulit siya sakin.

Gusto ko ng burahin yung mukha niya ora mismo pero nagpigil ulit ako.

Hindi ako kumibo pero tumingin lang ako sa kanya.

"Wala namang mahirap sa ginawa ko diba? Pinapatay ko lang naman ang mga magulang mo. Ang simple diba?" Bale-walang sabi niya.

P*cha! Pigilan niyo ko. Papatayin ko to! Kahit ninong ko siya wala akong pakialam.

Pinatay niya ang mga magulang ko...

"Tsaka malay ko bang magugustuhan ng mga tauhan ko yung nanay mo? Pinagsawaan pa tuloy. Hahaha. Ewan ko ba sa mga yun. Mga walang taste!"

"YOU SON OF A BITCH!" Kinwelyuhan ni Zach si ninong..


or should I say si Levi?

Tinadyakan si Zach ng mga tauhan ni Levi pero tumayo pa din siya at gumanti.

"PAG DI KA TUMIGIL BABARILIN KITA!" Tinutukan na siya ni ng baril pero parang wala pa din siyang narinig.

"Zach..." Nagmamakawaang tawag ko.

Sa dami ng mga nalaman ko, hindi pwedeng mawala ang tanging kakampi ko.

Hindi pwedeng mawala ang asawa ko.

Napatigil naman si Zach dahil sa pakiusap ko kaya bigla siyang sinipa ulit ng pagkalakas-lakas na naging dahilan ng pagbagsak niya.

Akmang sisipain po ulit siya ng lumapit na ko. "Tama na!" Hiyaw ko habang yakap ang bugbog sarado kong asawa. "Tama na please..." Pakiusap ko. "Tama naaa...." Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Akala mo kung sino kang matapang. Manang-mana ka sa tatay mong puro angas lang ang alam." Napatingin ako kay ninong.

'Lincon and Fallon. Sila na lang ang natitirang buhay sa mga pumatay sa magulang ko. Sila na lang.' Naalala kong sabi ni Zach sakin nung napag-usapan namin ang mga magulang niya.

"Fvck you!" Sigaw ni Zach kahit nakahiga na siya sa sahig.

Kawawa yung asawa ko.

May tama na nga yung binti niya..

Duguan na din yung katawan niya sa natamo niyang bugbog kanina.

Naiiyak ako lalo sa kalagayan niya pero wala akong magagawa. Kailangan naming magpakatatag.

"Alam mo ba na ang galing kong bumaril? Nahabol ko pa kayo ng tatay mo e. Swerte mo nga lang na nakatakbo ka na. HAHAHAHA." Pagpapatuloy niya na parang bang masaya yung kwento niya.

"Oo nga pala. Chix din yung nanay mo. Ang kinis-kinis niya nga e. Yung balat niya sobrang lambot... yung labi niya-" Sinugod na naman siya ni Zach!

Hindi ko na maawat si Zach dahil alam kong nasasaktan siya sa mga naririnig niya.

Napatumba naman si Levi sa sahig at agad siyang piangsusuntok ng asawa ko.

Galit na galit siya. Binuhos niya lahat ng galit niya sa pambubugbog.

Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong hinatak ni kuyang bantay ko at tinutukan ng baril.

"Z-zach..." Nanginginig na tawag ko sa kanya.

"PAPASABUGIN KO TONG UTAK NG ASAWA MO KAPAG HINDI KA TUMIGIL!"

Nakita kong napahinto si Zach at timumingin sa side ko.

Nawala yung galit sa mga mata niya at napalitan ng..

takot?

Hinatak na naman siya ng mga tauhan ni Levi dahil nakadagan siya dito.

Inalalayan nilang tumayo ang kanilang padrino habang hawak naman ng iba si Zach.

Pinagpag muna ni Levi yung suot niya habang nakatingin ng masama kay Zach.

"Pagsisisihan mong hinawakan mo ko." Galit na sabi niya habang kinuha ang kanyang baril.

Babarilin ba niya si Zach?!

Napapikit na lang ako. Hindi ko kayang makita yung ganito. Hindi ko kaya. Ayoko.

Pero agad akong napadilat ng biglang may humatak sa buhok ko.

Hawak na pala ko ni Levi sa buhok at tinutukan ng baril.

"N-not my wife.." Eto na yung Zachary ko. Yung mahina. Yung takot. Takot na mawala ako.

"PAKIUSAPAN MO MUNA KO."


Si Zach makikiusap? End of the world na ba?!

***

HELLO GUYS!! THANK YOU SA MGA LOYAL READERS KO. HIHI. KILALA NIYO KUNG SINO KAYO OKAY.

HANDA NIYO NA PO YUNG MGA TISSUE NIYO SA SUSUNOD NA CHAPTERS. SORRY.

ANYWAY, SUPPORT NIYO PO YUNG SHORT STORY KO!! YOUNG LOVE YOU TITLE. PLEASE. FIRST EVER SHORT STORY KO PO YAN.

THANKIES!! :)

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon