Chapter 63

146K 3.2K 72
                                    


"Kelan ka pa nagising?"

"The night na nanganak ka." Bahagya lang siyang tumingin sakin dahil nagda-drive siya.

Pagkatapos ng proposal niya ay inaya na lang niya ko bigla paalis.

Ayaw naman niyang sabihin kung saan kami pupunta. Napakadaya niya talaga.

"Kailan mo pa pinlano yung proposal mo?"

"Hmm. A day after ako magising."

"Grabe ka! Pano mo nagawa yun? Ang bilis-bilis."

"Ano pang ginagawa ng mga tauhan ko? Tsaka kanino bang ospital yun wifey?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Oo na. Ikaw na ang gwapo, mayaman, macho, mapagmahal, malakas, mabait, makapangyarihan, at mahal na mahal kong hubby." Yumakap ako sa braso niya.

"And you are the prettiest, sexiest, loving, caring, sweet, and thoughtful woman that I love so much. Thank you for giving me three wonderful kids wifey. You don't know how much I love you." Naiiyak na naman ako.

Alam niyo yung kahit paulit-ulit na lang yung sinasabi namin sa isa't-isa, parang bago pa din? Bago sa feeling. Bago sa pandinig. Bago lahat.

"Mahal na mahal din kita Zach. Pero seryoso talaga. Ang galing mo ha. Paano mo nagawa yun? Akala ko talaga nawawala na yung anak natin."

"Hindi ko hahayaang mangyari yun wifey. Hindi ako papayag na may mangyari sa inyo."

Alam ko. Naikwento na din kase niya sakin ang nangyare.

Patay na si Levi. Nalungkot ako sa balita na yun pero wala akong magagawa.

Kung hindi siguro dumating si Zach that night baka patay na kami ng mga anak niya.

Talaga pala kaseng papatayin niya ko e. Napakasama niya talaga.

Nalungkot din sila tita at Jl sa nangyari pero tanggap na nila.

"Fvck." Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin kay Zach.

Nakahinto na pala yung sinasakyan namin at may mga nakapalibot na itim na kotse.

"Zach.." Napakapit na lang ako sa braso niya.

Kung titignan mo wala kaming laban sa kanila.

Nasa trenta ata sila samantalang kami dalawa lang dahil iniwan namin silang lahat sa hospital.

"Shhh. Di ko hahayaang may mangyare sayo wifey.." Niyakap niya ko.

May lumapit na mga nakaitim sa kotse namin tsaka kinatok ang bintana na para bang pinapababa kami.

Pigil hininga ako habang binubuksan ni Zach yung door.

"What do you need?" Maangas na sabi ni Zach.

Hindi pa man nakakasagot yung lalaki ay nasuntok na agad siya ni Zach.

Pinapanuod ko lang si Zach sa labas habang nakikipaglaban habang naghahalungkat ako ng baril sa loob ng kotse niya.

Diba nga wala kaming bitbit nung umalis sa hospital.

Nilock ko naman yung pintuan ni Zach pero dahil sa pagkataranta ko......


ibang button pala yung napindot ko which is ying magbubukas ng pintuan ko...


"Sumama kayo samin." Yan lang ang narinig kong sinabi ng lalaking nagbukas ng pintuan sa side ko bago tinakpan ng puting panyo ang ilong ko.

***

Short update my loves! Hindi ko kayo natiis e.

Sorry. Hindi ko napigilang hindi lagyan ulit ng kalaban sila Zach. Hahaha. Peace guys! :)

Realtalk, LAST CHAPTER then EPILOGUE na po ang next.

Thank you for supporting my loves! :)

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon