Chapter 56

147K 3.4K 93
                                    

CHAPTER 56

"Miss Keisha may bisita po kayo." Biglang pumasok si Jade sa loob ng kwarto ko.

Kumunot naman ang noo ko. "Sino?"

"Kamag-anak niyo daw po."

"Wala na kong kamag-anak." Madiin na sabi ko.
Wala naman na talaga kong kinilalang kamag-anak e. Si Levi lang na traydor din pala.

Nakikuyom ko na naman ang palad ko ng maalala ko ang kahayupang ginawa niya. Wala siyang puso.

Siguro kung hindi niya ginawa yun ng dahil sa kasakiman niya masaya ang buhay ko. May pamilya akong tinatawag na akin. May mga magulang akong nag-aaruga at nagmamahal sakin.

Puro siguro.. kase wala na sila. :(

Dapat sa kanya pahirapan at patayin din.

"Papaalisin ko na lang-"

"K-keishaaa....." Napatingin ako sa biglang nagsalita.

"ANONG GINAGAWA MO DITO!"

"Ilabas mo yan Jade. Ayoko siyang makita." Baling ko kay Jade.

"Maam kailangan na po nating-"

"Kailangan ko ang tulong mo Keisha." Umiiyak na sabi niya.

"Hah! Tulong? Bakit nung ako ba ang nangailangan ng tulong mo, tinulungan mo ko? Hindi naman diba? Para kong aso na pinaalis niyo! Para kong katulong kung tratuhin niyo tapos lalapit ka sakin ngayon para ano? Humingi ng tulong? Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Umalis ka na!" Gigil na gigil na sabi ko.

"Patawarin mo ko Keisha.. Please patawarin mo ko." Tinitigan ko lang siya. Kung dati siya humingi ng tawad mula sakin baka napatawad ko na siya agad pero hindi e. Ibang Keisha na ang nasa harap niya ngayon. Keishang pinatatag na ng panahon.
.
"Umalis ka na habang may natitira pa kong respeto sayo." Sabi ko habang hinihilot ang aking sentido.

Hindi siya tuminag. "Umalis ka na pwede ba? Magsama kayo ng d*m*y* mong asawa!" Inaakay na siya ni Kane palabas pero ayaw niyang magpatinag.

Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Lumuhod siya mismo sa may paanan ko. Ano ba to? Hindi ko siya matignan dahil sa ayos niya.

Tao din ako. Hindi naman ako Diyos. Pero oo nga hindi ako Diyos pero bakit ang hirap sakin ang nagpatawad? Pero siya saglit lang.

"Tita ano ba tumayo ka na diyan.." Hindi ko na napigilan ang lumuha.

Napansin ko ding lumabas na si Jade ng kwarto. Siguro alam na niya ang mga susunod na mangyayare.

"Patawarin mo ko Keisha... Patawad.. Nagalit lang naman ako sayo noon dahil akala ko inaagaw mo samin ng anak ko si Levi.. Lahat ng atensiyon niya nasayo na. Yun pala may masama siyang balak.. Napakasama niya. Hay*p siya!" Nanginginig na si tita. Nakaluhod pa din siya sa harapan ko kaya pinilit ko siyang itayo.

"Ang tagal kong nagpakatanga sa kanya.. Hindi ko man lang agad nalaman na mamamatay tao pala siya. Patawad Keisha. Patawad." Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko.

"A-ano po bang nangyare?"

"N-narinig kong may kausap siya sa telepono.. Vizconde ata ang pangalan.." WHAT? VIZCONDE?!

Yun yung sinasabi ni Pia sa office noon ah. Anong meron?

"T-tapos sinabi niya na na.. na madali ka na lang daw niyang mapapa... mapapapatay gaya ng ginawa niya.. sa sa mga magulang mo." Uunahan ko na siya!

"A-alis na sana ako nung marinig ko yun pero natabig ko yung vase sa kwarto tas binugbog na niya ko.. Kapag daw kumalat yung narinig ko papa-papatayin niya kami ni Jl. Si si Jl na sarili niyang anak. M-mabuti na lang nagawa naming tumakas dalawa.. sa sana matulungan mo ko keisha.. Nagmamakaawa ako.. kahit si Jl na lang.." Humagulgol na naman siya sa balikat ko.

Alam ko na kung bakit ko siya napatawad agad. Parehas kami ng sitwasyong kinalalagyan. Parehas kaming nangangailangan ng taong masasandalan.

***

JADE'S POV

"Ano bang tinitingin-tingin mo ha?!" Mataray na tanong ng anak ng kasama ni Miss Keisha sa loob ng kwarto.

"Are you mute?!" Umuusok na ata ang ilong niya sa inis.

Mas gumaganda kase siya kapag namumula na e.

"Miss ang ganda mo." Hindi ko napigilang sabihin sa kanya.

Inirapan niya ko. "I know right?! So please quit staring at me!" Maarteng sabi niya.

"Paano kung ayoko?" Mapang-asar na tanong ko.

"Fine! I'll better leave this place now!" Tumayo na siya at sakto namang bumukas ang kwarto ni Miss Keisha.

"Jl we'll stay at your ate Keisha's house." Sabi ng may edad na babae.

"What? No! I don't want to live with her." Nginisihan lang siya ni Miss Keisha.

"Too bad darling but you have too." Bumaling siya sakin. "Jade samahan mo si Jl sa guestroom sa right side."

"Tara na po Maam JL?"

"Ugh!" Inis na sabi niya pero tumayo naman din agad at nauna pa ngang maglakad sakin.

Akala mo naman kabisado niya tong bahay nila bossing. Tsk.

"So saan na?" Tumigil siya sa paglalakad.

"Diretso lang po senorita." Tumawa pa ko.

"Psh!" Spoiled brat!

Parang may target na ko ngayon ah.

Tingin niyo bagay ba kaming dalawa?

Jade and Jl? Oha! Parehas na J yan!

Request niyo na kay Ms. A ha.

"Faster! Ano ba!" Very hot-headed woman. Tsk.

"Opo MAHAL kong senorita." Sigaw ko bago tuluyang tumakbo.

***

Jade and Jl? ♡♡

Guys! Sorry sabaw na sabaw UD ko. Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. :( Huhu. Bawi ako next ud.

Love you guys!

PS: Last 4-5 chapters before epilogue :) Byeeee.

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon