Chapter 4

258K 7.6K 767
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking nga mata. Hindi pamilyar yung kwartong kinaroroonan ko. Nakahiga din ako sa malambot na kama.

Ano bang nangyare?

Ang natatandaan ko lang nasunog yung apartment ko tapos nanghingi ako ng tulong kila ninong pero pinagtabuyan ako ni tita. Tapos tinawagan ko si Jessy pero hindi siya sumasagot kaya ang tinawagan ko na lang ay si..

Mr. Dawson??

Oo tama! Tapos pumayag pa kong magpakasal sa kanya.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at nag-ayos ng sarili.

Pano ko nga ba haharapin si Mr. Dawson niyan?

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Kwarto niya siguro yun. Panlalaki kase e. Puro black and white lang yung color na makikita mo.

May mahabang hallway pag labas ko ng room niya tapos may mga room din. Nakarinig ako ng tawanan at sigawan sa baba kaya sinundan ko ito.

May naabutan akong 5 lalaki sa baba.

"Good Evening Maam!" Bati ng isang lalaki.

"Lagot kayo kay boss ginising niyo si Keisha." Sabay kindat sakin kaya tinitigan ko lang siya.

Tsaka sinong boss ba?

"Nga pala. Ako si Kane!" Nakangiting sabi ulit nung kumindat sakin.

"Val at your service maam!" Sumaludo pa sakin ang isa pang lalaki na kasalukuyang nagbabalasa ng baraha.

Nagpupustahan siguro sila kaya ang ingay nila.

"Hi maam. Jade nga pala." Kumaway naman sakin yung isa pang lalaki.

"Chris nga pala maam." Tumayo pa siya at kinuha yung kamay ko para halikan?

"ANONG GINAGAWA MO?" Rinig kong sigaw ni Mr. Dawson na kakapasok lang sa bahay niya.

"A-ah boss andiyan ka na po pala." Nauutal na sabi ni Chris sa kanya.

"I SAID WHAT ARE YOU DOING?" Galit pa rin na sigaw nito.

"W-wala po boss." Sabi na naman niya.

Napansin kong natahimik na lahat ng nandito simula nung pumasok si Mr. Dawson.

Ganyan ba sila katakot sa kanya?

Nailigpit na nga din nila yung barahang nilalaro nila kanina e.

"Sasagot ka ba ng maayos o babalian kita?" Agad akong napatingin sa kanya. Jusko nakakatakot pala talaga siya. Huhu.

Palapit siya ng palapit kay Chris. Sasaktan niya ba talaga to.

Anong gagawin ko? Isip Keisha, isip!!

Bago pa niya tuluyang makalapit kay Chris ay nilapitan ko na siya.

Anong sasabihin ko?

"P-pwede ba kitang makausap?" Hindi ako makatinging ng diretso sa mga mata niya.

Hindi pa man siya sumasagot ay hinatak ko na siya palabas. Hindi ko man kabisado yung bahay niya pero feeling ko kase dapat ko siyang mailayo dun e.

Garden ang nakita ko sa labas ng bahay niya.

Wow lang. Mas malaki pa ata to sa bahay ni ninong e.

May swing at swimming pool pa siya.

Umupo ako dun sa may bench habang tinitignan yung mga bulaklak sa garden niya. Sino kayang nag-aalaga sa mga yun?

Ang ganda. Gusto ko din magkaroon ng ganito.

"Anong sasabihin mo?" Masungit na naman na tanong niya.

Ano nga ba?

"H-hm Mr. Dawson.."

"Call me Zach." Sabi naman nito.

"Z-zach regarding sa offer mo, pumapayag nako." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Agad na sabi nito.

"Pero sa isang kondisyon." Taasan daw ba ko ng kilay?

"A-ano bakit ka naghahanap ng mapapangasawa? Wala ka bang girlfriend? Wala bang nagkakagusto sayo?" I doubt that. Ang gwapo niya kase kaya hindi kapani-paniwala na walang may bet sa kanya. Kahit ako nga gusto ko siya e.

Ano daw?

"That's for you to find out." Walang ngiting sabi niya.

Seryoso naman nito kaya nakakatakot e. Psh.

"Nagpahanda na ko ng dinner. Kumain ka na." Sabi nito bago tumalikod papasok na loob.

Sumunod na lang ako. Di ko kabisado yung bahay niya e.

Dumiresto na siya sa hagdan kaya natigilan ako.

Andun ba yung kitchen nila?

"Blake ituro niyo sa kanya kung saan

ang kitchen." Dire-diretso niyang sabi habang umaakyat.

Nabasa niya ba yung nasa isip ko?

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya nag-abalang lumingon.

Bastos.

"Tara na maam baka magalit pa si boss kapag hindi ka pa kumain." Tumango na lang ako tsaka sumunod sa kanya.

Naabutan na din namin yung ibang lalaki kanina na kumakain na din.

Nginitian ko na lang sila.

Kwentuhan lang ang naganap sa amin habang kumakain.

"Nga pala. Bakit boss ang tawag niyo kay Zach?" Napatigil sila sa pagkain.

Parang ayaw nilang sagutin. Alam mo yung parang nay tinatago.

"Siyempre boss namin siya e." Sabi ni Kane sabay kindat.




So dapat pala boss din ang tawag ko sa kanya?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon