Chapter 42

168K 4.4K 437
                                    


"ZAAAAACH!" Asan na ba yun?

"HUBBY! HUBBY! HUBBY!" Wala naman sa room namin.

Tsk.

"Hu-" Akala ko pa naman si Zach na yung pumasok. -_-

"Ine bakit ka ba sumisigaw?" Tarantang tanong ni manang.

"Hehe. Morning po manang.. Asan po ba si Zach?"

"Pumunta sa opisina ine. Nagkaproblema daw kase sa production e. Hindi ka na niya nagising."

"Di man lang niya ko inantay. Edi sana nakasama ko."

"Wag ka ng malungkot diyan ineng.. Pinaghanda ka naman niya ng pagkain. Tara na't bumaba." Inalalayan ako ni manang.

3 months na din nga pala yung tiyan ko. Hindi pa naman siya ganun kalaki. Para lang akong tumaba. Haha. Pero I don't mind. Wala naman kaseng pinagabago kay Zach e. Parang hindi naman sa kanya issue yung pagtaba ko.

"WAAAAH! Si Zach po ba ang nag-handa nito manang?" May lettuce and tuna kasenga nakahanda for me. Meron ding apple juice tsaka watermelon!! Ito ata yung napaglilihihan ko e.

Naalala ko tuloy yung unang beses kong nag-crave ng ganitong food. Ay grabe hindi ko talaga kinausap si Zach for 2 days STRAIGHT dahil hindi niya ko binilan. Kaya never ng nawalan ng stock nun sa ref. Hihi.

Dinala ko papuntang sala yung plate. Manunuod kase ako ng KRIS TV e. Ipapakita kaya yung pagpunta sa Japan. Gusto ko kaseng pumunta dun e. Huhuhu. Maaya nga si Zach minsan dun. :')

WAAAAAH!! Nag-commercial ng Milo!! Miss ko na mapapak ng nun. Gawain niyo din ba yun nung bata kayo? Ay guys! Alam niyo bang masarap yung milo with banana? Yum!! Kaso parang mas bet ko yung kambal na saging ngayon. Huhu.

Gusto ko nun!!

"Ineng okay na ba yang pagkain mo?" Biglang sulpot ni manang. "Pupunta ko sa supermarket mamaya, baka may gusto kang ipabili?"

"Gusto ko po ng kambal na saging at milo. Huhuhu."

"Osiya. Bibilan kita mamaya. Yun lang ba?"

"Pero manang gusto ko po si Zach ang bumili!" Here I am again. Tantrums. -_-

"Pero ine may mga meeting daw si Zach ngayon. Ako na lang bibili para sayo." Pangungumbinsi niya. Feeling ko tuloy para akong bata pero ano bang magagawa ko? Malay ko bang ganito pala maglihi.

Kung anong maipilit, yun dapat ang masunod. -_-

"Ehhh. Gusto ko po si Zach ang bibili.. Ayoko ng kumain." Pagmamaktol ko.

"Hindi mo pa nga nababawasan yan e. Kain ka na muna." Tinabihan pa ko ni manang.

"Ayoko na po." Nakahalukipkip na sabi ko.

"Nako kung hindi ka lang buntis. Tsk. Osiya. Tatawagan na natin." Kinuha niya ang telephone para matawagan si Zach sa opisina. Nasa room kase namin yung phone ko e tinatamad nakong umakyat pa ulit.

"Hello-"

Inagaw ko agad kay manang yung telepono. "WAAAAAH! ZAAAACH. HUHUHU."

"Wifey? What happened to you?!"

"ZAAÀAAAAAACH! UWI KA NAA DITO PLEASE. PLEASE!" Hysterical ko. Tactics yan para mapauwi siya noh.

"MAY NANGYARE BA? TEKA!" Narinig ko na siyang tumatakbo sa kabilang linya. "Cancel all my appointments."

Inend ko na yung tawag. Hihi. Sorry na kung ganito ako ngayon. :(( Kase naman e. Bawal kaming magutom ng anak niya no.

Umakyat nako sa theater room. Parang masaya mag-movie marathon ngayon e. Hihi. Sakto uuwi si hubby. Hihi.

Kilala niya ba si Laida Magtalas at Miggy Montenegro? Grabee! Favorite ko sila. Ilang beses ko na nga napanuod yung movie nila e. Specially yung It Takes A Man And A Woman! Best movie ever.

TRUST?! BIG WORD!! HIHI.

"HEY. ANONG NANGYARE SAYO? MAY MASAKIT BA WIFEY? BAKIT KA UMIIYAK AT SUMISIGAW?" Waaaah! Andito na si Zach!!

"Gusto ko ng milo at kambal na saging." Paglalambing ko.

"What? Yun lang pinauwi mo ko? Akala ko naman kung ano ng nangyare sayo. I even cancelled a very important meeting!" Nagsimula ng tumulo yung luha ko.

Hindi ba kami importante ng mga anak niya? Hindi ba niya alam na nagugutom kami? Na gusto lang naman namin magpabili ng pagkain namin?

"Huhuhu! Sige dun ka na! May mas importante pa pala samin. Pasensiya na kung naistorbo ka haa. Huhuhuhu." Tinalikuran ko siya.

"Wifey..." Lumambot na agad yung expression niya. Alam niyo ba na ayaw na ayaw niya kong nakikitang umiiyak? Weakness daw kase niya yun e. Hihi. Sweet.

Hinawakan ko yung tummy ko. "Huhu baby.. Wala ng pakialam satin yung tatay mo. Huhu. Ayaw na ata niya satin. Huhuhuhu. Di na niya tayo love. Huhuhu. Dun na lang tayo kay Jack Dawson ha? Huhuhuhu." Pagdadrama ko.

"WHO THE HECK IS JACK DAWSON?!" Psh. Bahala ka diyan.

Tsaka di ba niya alam yung Titanic? My gaaahd! Si Jack and Rose! You jump, I jump. Tsk.

"WIFE. I'M. TALKING. TO. YOU." Psh. Akala mo matatakot ako? Huhu. Pano mo nalaman?

Kinakabahan na ko sa tono ng boses niya. Parang anytime pwede na niya kong barilin e. Huhuhuhu.

"What?!" Nilagyan ko ng unting taray yung boses ko para hindi halata na natatakot na ko. Tsk.

"I'M ASKING YOU. WHO. THE. HECK. IS. THAT. JACK. DAWSON." HOOOO! Diba ako dapat yung galit sa kanya? Naman e.

"Uhm.. anoo.. A friend?" Haha. In my dreams! :)

"Bakit ngayon mo lang nabanggit? At kaapelyido ko pa? Pano mo naging kaibigan?" Ano bang isasagot ko sa kanya. -_-

"Ano.. Ahm.. Ano.. Na ano.. Nakilala ko siya sa unsikable ship.. Hehe.. Oo tama.. Dun nga." Jusko kumunot lalo yung noo ni Zach. Parang tanga naman kase yung explanation diba? Huhu. "H-hubby.. Gutom na kami ng anak mo.." Sana maiba na yung topic please!

"Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Pero gutom na nga kami ng anak mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Tss. Fine. Mamaya ka magpaliwanag. Twin banana and milo?" Tumango-tango ako. Feeling ko magtu-twinkle yung eyes ko. Hihi. My choco banana!

"Wala ka ng ibang gusto?"

Umiling ako. "Wala naaa. Bili ka na dali. Gutom na kami e. Pleaaaasssseeeee." Tinulak-tulak ko pa siya palabas ng theater room.

"Okay." He kissed me on my cheecks before turning back.

Naupo na ulit ako at ready ng manuod ng bigla ulit siyang humarap at..

"Sino muna si Neil Perez?"

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon