Chapter 61

148K 3.6K 84
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ng makarinig ako ng mga taong nag-uusap at nagtatawanan.

Una kong nakita ay ang kisameng puti..

Tumingin ako sa paligid ko at napansin kong nasa isang kwarto ako.

Teka hospital ba to?

Ano nga bang nangyari?

Ang naaalala ko lang manganganak nako tapos bigla akong may narinig na putok ng baril.

Tapos.. tapos..

Si "ZACH?!" Dahilan para mapatingin sakin ang mga taong nandito sa loob ng kwarto ko.

"OMG ka girl!! Buti naman nagising ka na. Gravity ang tagal ng tulog mo prinsesa. Hinalikan ka ba ng prinsepe mo sa panaginip mo?" Excited na lumapit sakin si Pia.

"Napaka-ingay mo talagang babae ka." Biglang sabi ni Blake tsaka bumaling sakin. "Okay lang po ba ang pakiramdam niyo Miss Keisha?"

"Psh. Akala mo naman kung sinong mabait. Hmp! Nako Keisha wag kang nakikipag-usap sa mga masasama ang ugali."

"Nako Miss Keisha wag po kayong nakikpag-usap sa mga taong sobrang arte baka mahawaan po kayo."

"Excuse me? Ako maarte? Aba umayos ka ha."

"Ay natamaan po ba kayo? Pasensiya na po ha." Tumawa pa si Blake.

Hmm. I smell something fishy guys.

"Kayo ba?" Di ko na mapigilang magtanong. Namula naman ang mukha nilang dalawa kaya natawa na lang kaming lahat.

"Over my deas beautiful and gorgeous body!" Umiismid na sagot ni Pia.

"Beautiful and gorgeous? San banda? HAHAHAHA." Umusok na tuloy sa galit si Pia. Haha.

"Mamaya na nga kayo magLQ. Where's Zach?" Natigilan naman silang lahat sa tanong ko

"Uy ano ba? Sagutin niyo nga ako. Asan si Zach?" Tanong ko ulit.

Biglang bumukas ang pinto.

Excited akong napatingin sa pag-aakalang si hubby ko na yun.

Miss na miss ko na kaya siya. Ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakakausap.

Teka nga nakwento ko na ba sa inyo ang nangyari sa kanya?

Ganito kase yun.

Lumabas ang doctor at.. "Mrs. Dawson?" Tinitigan ko lang siya habang puno ng luha ang mga mata ko. "I'm sorry...."

Oh no, don't want you to go

Mabilis akong pumasok sa operating room.

"ZACH! ANO BA? AYOKO NG GANITONG BIRO PLEASE.. AYOKO.." Humahagulgol ko siyang niyakap ng mahigpit.

Ramdam kong sumunod ang lima sakin dito sa loob pero wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita.

Alam kong nasasaktan din sila kagaya ko. Siguro nga mas grabe pa yung nararamdaman nilang sakit kaysa sakin. Ang tagal na kaya nilang kilala si Zach.

"H-hubby.. gumising ka naman o.. please.. please. Don't leave me.. Kailangan ka ng mga babies natin... please.."

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na alam kung gaano karami na ang nailuha ko basta ang alam ko lang kailangan ko ng ilabas yung sakit na nararamdaman ko dahil sobra na.

"Zach naman.. Please wake up.. Please..." Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko hanggang sa maramdaman kong sumipa ang mga anak namin.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon