Chapter 28

178K 4.9K 167
                                    

Kane.

Anak ng pating oo! Naglalaro tapos biglang maghahalikan? Tsk.

Ano bang nakain ng dalawang to at sa harap pa namin naglambingan? Psh. Di na nahiya e.

Ba! 5 minutes na kaya silang naghahalikan! Diba nila nararamdaman yun?

"Sus naman mahal. Inggit ka ba kila boss ha?" Nang-aasar na sabi ni Blake.

"Ako maiinggit? Nagkakandarapa sakin ang mga babae no." Ganti ko.

"Eh bakit busangot ka diyan?"

"Nakakairita kaya na may naghahalikan sa harap mo!" Bulong ko na naman.

Yes. Nagbubulungan lang kami dahil mahirap ng mabaril no.

"Sus. Naiinggit ka nga. Pwede naman nating gayahin yung ginagawa nila e." Inakbayan pa ko ni Blake. Kairita.

Akmang ididikit na niya yung mukha niya sa mukha ko ng tinulak ko siya. "G*GO KA BA?!"

"ANO BA YAN KANE! ANG INGAY-INGAY MO!" Nagulat ako sa sigaw ni Keisha.

Iritado yung mukha niya tapos si bossing para ng tigre. Pakshet. Patay ako nito. Ayaw na ayaw pa naman ni boss ang maistorbo.

Lechugas naman kase si Blake e!

"SIMULAN NA NGA NATIN YUNG MEETING!" Padabog na iniligpit ni Keisha yung mga ginamit namin sa paglalaro.

"Alisin niyo na yung mga powder niyo." Sabi niya pa. Tatanggalin ko na sana yung mga powder sa mukha at buhok ko ng..

"EXCEPT SAYO KANE." Ngayon lang ako nakaramdam ng takot kay Keisha a.

"Keisha naman-"

"I. Said. Except. You. Kane." May diin sa bawat salita niya.

"Bakit sila pwede ng magtanggal?" Angal ko na naman.

Napatingin ako sa nga kasama ko. Wala na silang powder at kinukuhanan pa nila ko ng pictures!

"Shit!" Napasigaw ako sa inis.

"Don't ever curse at me Kane." Mahina pero nakakatakot na talaga si Keisha. Huhu.

"Unfa-"

"KANE." Shet. Si boss na yung nagsalita kaya nanahimik na ko. Baka bigla na lang akong barilin e.

Maya-maya nag-vibrate ng sunod-sunod yung phone ko.

35 messages and 58 notifications?!

"Babe what happened to your face?"

"Don't worry you still look hot."

"I miss you! Hope to see you soon.. with your white hair."

"Where and when can I see you?"

"Di na kita nakikita sa bar 124. I miss you!"

"Let's have a date honey!"

Ilan lang yan sa mga messages sakin!

Wooh. Ang gwapo ko talaga. Hahaha.

Tinignan ko yung notifs. May picture ako nakatag sakin. Madami ng likes and comments. Napagkaisahan ako nung apat a.

Nag-vibrate ulit yung phone ko.

#LoloKane

Tengene. Trending worldwide na rin ako sa twitter?! Eh di ako ng sikat. Hahaha.

Ang bilis diba? Not bad. Hindi naman ako sinisiraan ng mga to e. Lalo lang akong pinapasikat. Tsk.

Kakailanganin ko na namang mag-disguise nito dahil for sure pagkakaguluhan na naman ako.

Hay buhay. Ang hirap maging gwapo. Tsk.

"RULE NUMBER 3. PHONES ARE NOT ALLOWED IN OUR MEETING." Napatingin ako sa nagsalita.

"WANNA DIE?" Nakatutok na sakin ang baril ni boss.

Fck.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon