Chapter 24

204K 5K 103
                                    


Isang linggo na kong nagta-training ng hindi si Zach ang kasama. Palagi siyang maaga kung umalis at sobrang late kung umuwi.

Pati nga sa pagkain hindi ko na siya nakakasabay e. Palaging sila Kane lang ang kasabay ko.

Miss ko na si Zach kaya ngayon kahit antok na antok na ko, pinipigilan ko. Gusto ko kaseng antayin siya para naman makita ko siya. Huhu.

1 am na pero wala pa din siya. May limang tasa na nga ng kape dito sa center table e. Uuwi ba si Zach?

"Tatlumpu't-walong tupa. Talumpu't-" Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ng mga yabag sa may kusina.

Yes. Mga yabag parang madami sila e.

Yung tatlong nilalang naman tulog na sa taas e. Tapos si Kane naman nandun sa kabilang sofa, tulog na tulog na.

Si Zach naman at Blake ang magkasama. Pero yung mga yabag na naririnig ko hindi pang dalawang tao lang e. As in marami talaga e.

Kinapa ko yung inuupuan kong sofa. Sa bawat gamit na nasa loob ng bahay namin ay may mga baril na nakasiksik.

Kumuha ako tatlong baril bago tuluyang lumapit kay Kane.

Niyugyog ko siya para magising.

"A-" Maagap kong tinakpan yung bibig niya para hindi na siya mag-ingay. Sinenyasan ko siya na manahimik.

"Bakit ka ba bumubulong?" Sabi niya sakin sa mahinang boses.

"Nararamdaman kong may mga tao sa paligid." Agad siyang makiramdam sa paligid namin at palapit na ng palapit yung mga yabag ng taong naririnig ko kanina.

"Keisha ako ng bahala dito." Sabi niya agad.

"Pero gusto kong tumulong." Nagmamaktol na sabi ko.

"Ganito umakyat ka sa taas para gisingin sila Val. Mukang marami sila kaya hindi natin kakayaning dalawa." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Hindi ko alam kung nagsisimula na ba ang giyera sa baba dahil wala kang maririnig na ingay dahil sa silencer na nakakabit sa mga baril namin.

Malapit na ko sana kwarto na tinutulugan nila ng biglang may humarang sakin na lalaki kaya agad akong nagpaputok ng baril.

First time ko tong bumaril ng totoong tao. Hindi ko alam kung makukunsensiya ba ako o hindi.

Pero sabi nga ni Zach "Kapag hindi mo sila inunahan, ikaw ang papatayin nila."

May tatlo pa kong nabaril bago ako tuluyang makarating sa kwarto.

Pinaggigising ko na silang tatlo.

"Anak ng p-... Miss Keisha?" Napabangon bigla si Val ng makita ako. "Chris! Jade! Bangon!" Sinipa niya pa yung dalawa na siyang ikinagising nila.

"May mga nakapasok sa bahay. Mag-isa lang si Kane sa baba kaya tara na!" Sigaw ko sa kanila. Baka mamaya napatay na kase si kane dun.

Agad silang nagsipag-kuhanan ng mga baril nila bago lumabas. Lalabas na sana ako ng pigilan ako ng Chris.

"Kami na po ang bahala Miss Keisha. Dito na lang po kayo para mas madali niyong mapapatay kung may magtangka man pong pumasok." Lumabas na din siya.

Sa totoo lang may point siya. Kapag nasa labas ako mas delikado dahil pwedeng may bigla-bigla na lang bumaril sakin.

Pero hindi naman pwedeng mag-aantay lang ako ng balita dito diba?

Ang hirap kaya ng wala kang alam sa nangyayari. Baka mamaya patay na pala lahat ng kasama ko dito sa bahay. Huhu.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwartong pinagtataguan ko.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon