Chapter 23

215K 5.2K 640
                                    

Levi Fallonis

"Sir. Ito na po yung pinakuha niyong information." Biglang pumasok sa opisina ko ang aking kanang-kamay.

Agad ko namang tinignan ito.

Puro pictures nila Zach at Keisha.

May picture sila nung nagpunta sila sa Star City? Aba! First time atang nagliwaliw ni Zachary a.

Meron pa habang nagjo-jogging sila. More like hinahabol ng inaanak ko si Zach.

Marami pa silang pictures na sweet na sweet.

Mukang nagkakamabutihan na talaga sila ah.

Seems my plan is working.

Enjoyin mo na kung ano ang meron ka ngayon dahil hindi magtatagal babagsak ka din Zachary Dawson.

BABAGSAK KA DIN.

***

"Hello ninong?" Masayang sinagot ko yung tawag ni ninong.

"Oh iha kamusta ka na? Halos isang buwan din tayong hindi nagkita a?" Namiss ko si ninong Levi.

"Onga po ninong. Ang daming nangyari ninong. San po ba kase kayo galing?" Tanong ko sa kanya.

"Wanna have a dinner with me later?"

"Sure ninong. Pwede ba kong magsama?" Sasama ko si Zach para makilala na niya. Walang meet the parents kaya meet the ninong nila. Hihi.

"Sure. 6 pm at Yummy Restaurant?"

"Thanks ninong! Yes. See you later." Paalam ko.

***

Zachary Dawson

"Hubby masarap ba yung food sa Yummy Restaurant?"

"Yes wifey. Palagi ako doon." Dahil akin din yun. Haha.

"So palagi kang may ka-date dun?" Nakasimangot na tanong niya.

"No. Business meetings wifey." I held her hand. Pero dina siya kumibo.

After 15 minutes of driving nakarating na kami sa meeting place nila ng ninong niya.

"Good Evening sir." Bati sakin ng guard at kinuha na yung susi ng car ko para siya na ang mag-park.

"Good Evening Mr. and Mrs. Dawson." Nakayukong-bati samin ng mga crew ko dito.

Bakas naman ang pagkagulat sa mukha ng asawa ko. "Kilala nila tayo hubby?"

"Oo naman." Pinisil ko pa yung ilong niya.

"Pano nila tayo nakilala? Wala naman tayong suot na ID ah?" Tinawanan ko lang siya imbis na sumagot.

"Sir your private room is now prepared sir. Mr. Fallonis is waiting inside." Sabi ng waitress na halatang-halata ang pagpapa-cute.

"Can't you see that I'm with my husband?!" Mataray na sita ng katabi ko. "Stop staring like you want to eat him bitch." Sabi niya pa bago tumalikod papasok sa room namin.

My bitchy wifey is on. Haha.

Sa private room ng restaurant na to ginagawa lahat ng meeting at gatherings na related sakin. Walang ibang nakakapasok dito maliban sa akin at sa mga bisita ko.

"Nako. Ang hirap magkaroon ng gwapong asawa. Tsk." Rinig kong bulong ni Keisha habang naglalakad kami.

"Sayo lang naman ako wifey no." I assured her.

"Psh. Teka nga bakit ba kilalang-kilala ka din dito ha?"

"Sir. Ito na po pala yung sales report natin for this month." Biglang singit ng manager dito.

"Thanks." Sabay baling ko kay Keisha na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata.

"Sayo na naman to Zachary? Aba! Napakadami mo ng negosyo. Jusko. Ang yaman mo talaga. Nakakapanliit tuloy lalo. Ano ba naman yan. Hindi ba nakakaalangan na ako ang napangasawa mo? Siyempre siguradong madaming babae ang nagkakagusto-" And I sealed it with a kiss.

"Lika na wifey." Inalalayan ko na siya papasok sa loob after our kiss.

"Ninong! Miss na kita!" Nagtatatalong yumakap si Keisha palapit sa ninong niya.

"Miss na miss na din kita Keisha. Teka wala ka bang balak ipakilala sakin yang kasama mo?"

"Ay oo nga pala ninong." Hinatak na niya yung kamay ko palapit sa ninong niya. "Ninong si Zach po, asawa ko. Zach si ninong Levi ko nga pala." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.

Nakipag-shake hands naman ako agad pero ewan ko ba parang may tension e.

"Zachary Dawson sir." Pagpapakilala ko.

"Alam ko." Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

Alam ko namang sikat ako lalo na sa business, pero parang iba yung ibig niyang sabihin e. Parang may laman na hindi ko maintindihan.

Anyways, ako na rin ang umorder ng makakakain namin. Katabi ko pala si Keisha tapos nasa tapat niya si Mr. Levi.

"Ninong pasensiya ka na nga pala hindi kita naimbita sa kasal ko. Biglaan din kase e." Keisha.

"Ano ka ba hija ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sayo noh. Naging busy kase talaga ko."

"Ano po bang inasikaso niyo nong? Nagpunta ko sa inyo tapos umalis daw po kayo sabi ni tita e."

"Negotiations."

Negotiations? Yan ang ginagamit naming word pertaining to a business related to Mafia.

Yun din ba ang ibig niyang sabibin? That's what I need to know.

"Dapat ninong magpahinga ka naman minsan. Puro na lang po kayo trabaho." Bumaling siya sakin. "Hindi niyo po gayahin tong asawa ko, kahit busy sa trabaho may oras pa din sakin." Niyakap pa niya ko sa braso. Ngumiti lang ako.

"Ganun ba? Sige after I made a master plan." Ngumiti pa siya ng nakakaloko.

Fvck! Master plan? Now I'm sure that he's from a Mafia World. Wth.

I need to know more about him.

"Business na naman ba yan ninong? Baka mamaya pinapagod niyo na po ng sobra yung katawan niyo ha. Hindi pa po kayo pwedeng magkasama nila mommy at daddy."

Pinagmamasdan ko lang ang mga kinikilos niya kaya kitang-kita ko na bahagya siyang natigilan sa sinabi ni Keisha.

Hindi kaya may kinalaman siya sa pagkamatay ng mga magulang ng asawa ko? Pero sabi kase ni Keisha may pumatay sa mga ito. Kung ninong niya ang nagpapatay sa kanila, ano naman kaya ang intensiyon niya diba?

"Hubby okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nagulat ako ng hinawakan ni Keisha yung pisngi ko

"Ah masakit lang yung ulo ko." Pagdadahilan ko.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yung theory ko diba?

Malamang sa malamang hindi niya ko paniwalaan dahil sobrang mahal niya ang ninong niya.

"Ninong okay lang ba kung pwede mauna na kami? Kailangan na kaseng magpahinga ng asawa ko e." Paalam niya.

"Sure iha." Yumakap pa siya kay Keisha at tinapik naman niya ang balikat ko. "Take care of her."

Tumango lang ako sa kanya.

"Antayin kita sa labas wifey. Kakausapin ko lang yung manager." Sabi ko sa asawa ko.

Imbis na pumunta sa manager, pumunta ko sa office ko dito sa restaurant at tinawagan si Blake.

"Blake I need you to check the identity of Keisha's ninong. I need it ASAP."

"Yes sir." Rinig kong sabi niya bago ko i-end yung tawag.

Who the fvck are you Levi?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon