Chapter 18

217K 5.7K 239
                                    


Masaya kaming kumakain ng dinner dahil kakabalik lang ni daddy galing sa isang business trip.

"Daddy! Ano pong binili mong pasalubong para sakin?" Excited na tanong ko bago sumubo ng pagkain ko.

"Madami princess. May chocolates, damit, shoes, and toys." Masayang sagot naman ni daddy.

"Eh kay mommy po?"

"Edi siyempre ako." Tumingin pa siya kay mommy na parang nagpapa-cute.

Ang sweet talaga nilang dalawa. Sobrang thankful ako sa pamilyang meron ako. May mabait at mapagmahal akong magulang na binibigay lahat ng gusto ko. Minamahal at inaalagaan pa nila ko ng sobra.

"Ano yun hon?" Kinakabahang tanong ni mommy kay daddy ng makarinig kami ng pagsabog mula sa labas ng mansion.

"I-check niyo yun." Agad na sinabi ni daddy sa mga tauhan niyang nasa loob ng bahay.

"Tara sa taas hon." Nagmamadaling binuhat ako ni daddy paakyat sa kwarto ko.

"Dito lang kayo ha." Bilin niya kay mommy.

"Hon. Wag kang lalabas." Pigil ni mommy sa kamay ni daddy habang umiiyak.

"Sisilipin ko lang yung nangyayare sa baba Loisa." Hinalikan kaming dalawa ni daddy tapos binuhat niya ko at ipinasok sa isa sa mga cabinet ko. "Babalik si daddy okay? Wag kang lalabas diyan. Wag ka ng umiyak para hindi ka nila marinig." Hinalikan niya ulit ako sa noo.

Nakita ko si mommy na pumunta sa ilalim ng kama. Doon siya nagtago. Gusto ko rin sana siyang puntahan doon pero sabi nga ni daddy wag daw akong lalabas.

Nakikita ko ang nangyayare sa kwarto ko kahit nasa loob ako ng cabinet dahil sa mga malikiit na butas nito. Kitang-kita ko kung paano nag-aayos si daddy ng baril niya.

Kitang-kita ko kung paano niya dahan-dahang buksan ang pintuan. At kitang-kita ko kung paano siya pinagbabaril ng mga tatlong taong nakaabang sa kwarto ko.

"DADDY!!!!" Abot ang hininga ko ng magising ako.

Napanaginipan ko na naman kung paano pinatay si daddy...

"Wifey! Okay ka lang?" Biglang sulpot ni Zach mula sa labas ng kwartong kinaroroonan ko.

Inabutan niya ko ng malamig na tubig.

"Thanks." Ininom ko yung tubig bago nagsalita ulit. "Zach.."

"Wifey. Sorry for what happened." Kumuha siya ng tissue at alcohol. "That asshole! Wala siyang karapatang halikan ka!" Galit na galit na sabi niya habang pinupunasan yung neck ko.

"I'm fine." Kinuha ko sa kanya yung tissue at tinapon.

"Are you mad?"

"No.." Hindi naman niya kasalanan diba?

"Hindi mo ba ko matatanggap?" Napatingin ako sa kanya. Of course I will. I love him.

"Actually Zach nagulat talaga ko. I never thought na kasali ka sa M-mafia thingy na yan. At ikaw pa ang boss." Pagpapaliwanag ko.

Hindi siya nagsalita.

"Do you kill innocent people?" I asked out of the blue.

"No. Pinapatay ko lang yung nga taong nagkakasala."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon