Chapter 38

157K 4.1K 71
                                    


Hinubad ko na yung heels na suot ko. Nahihirapan kase akong tumakbo tsaka mas delikado yun para sa amin ni baby. Gusto kong iligtas si Zach pero ayoko namang madamay ang anak namin kaya kailangan naming mag-ingat talaga.

Lakad-takbo na ang ginawa ko pero hindi ko pa din siya makita. Nakarating na ko sa table namin kanina pero halos wala ng mga tao. Actually meron pala pero bangkay na lang sila. :((

"ZAACHH! NASAN KA BA?"

"ZACH!!!!" Sigaw lang ako ng sigaw.

Natatakot na din kase talaga ko. Lalo na kitang-kita ko yung kabilang side ng hotel na nasusunog na talaga.

Nasan na ba kase si Zach. Huhu. For sure pag nalaman niyang bumalik ako dito, malalagot ako. Ayaw na ayaw pa naman niyang hindi ko siya sinusunod.

Pero para sa kanya naman to e.

Huhu. Baby diyan ka lang okay. Hinawakan ko yung tummy ko.

Napadaan ako sa isang function room ata at may narinig akong mga yabag ng tao. Posible bang andito si Zach?

Maingat akong pumasok sa loob. Buti na lang medyo nakaawang yung pintuan kaya nakapasok ako agad.

Nakayuko akong naglalakad pero sinisigurado ko namang di naiipit yung tiyan ko.

"Nasan na yun?" Sino yun?

"Hindi ko alam. Dito nga lang pumasok yun e."

"Napakatinik talaga ng Dawson na yan." Si Zach?!

Nagtago ako sa isang table na nandito. Buti na lang pader na yung nasa isang side ko kaya napapagitnaan ako. Sakto namang malapit to sa pintuan kaya tanaw ko agad kapag may tao na.

"Tignan niyo dun sa kabila."

"Kailangan na nating mapatay yung hay*p na yun." Sabi pa nung isang boses.

"Eh kung patayin ko kaya to. Tsk."

"Narinig niyo yun?" Shemay. Ako ba yun?

Napalakas ba yung pagkakasabi ko?

"Oo. May nagsalita."

Fudge! Narinig nga nila. Sumiksik pa ko lalo sa ilalim ng lamesa. Shemay naman. Di nila ko kailangan makita. Huhu.

Bang bang bang

Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok. Bahagya akong sumilip at nakita kongvmay tatlong lalaki ng nakahiga sa floor at nakatayo ang pinakagwapong asawa ko..

"WAAAAH! ZA-" Pakshet may humatak sa braso ko kaya tumilapon tuloy yung baril ko. Huhu. Favorite gun ko yun e. Tsk.

Tinutukan ako ng baril nung nilalang nato.

"Ibaba mo ang baril mo!" Sigaw niya kay Zach.

Yumuko si Zach.. at ipinadyak niya yung paa niya ng dalawang beses.

Ano ba yan bakit papadyak pa?

Tinitigan niya ko. Parang may sinasabi yung mga titig niya.

"ANO PANG HINIHINTAY MO DAWSON? IBABA MO NA SABI YAN E!"

"Fvcksh*t." Shocks! Yes may gusto pa lang siyang iparating.

May mga code pala kami. Yumuko siya at dalawang padyak? Mygahd nakalimutan ko naa. Huhu.

Ano ba yan. Bakit ba kase hindi ako matandain e. :(( Isip Keisha. Ano ba.

'Remember wifey, isa sa pinaka-importanteng code natin ay ito. (Yuko with 2 padyak). Ibig sabihin niyan, kakagatin mo at yuyuko ka. Ginagamit to kapag hostage ka. Okay?'

Waah! Tama! Buti naalala ko bigla.

Mabilis kong kinagat yung kamay nung hostage taker ko! Ang aalat pa nga e. Kadiri. Nagulat ata siya kaya mabilis akong yumuko pero mas mabilis ang asawa ko dahil binaril niya ito agad. Oha! Action star ata yan friends. Mehehe.

"HUHUHU. ZAAAAACH!!" Nagtatakbo na ko palapit sa kanya.

Miss ko na asawa ko!!

"Bakit ka sumunod dito?" What? Di man lang ako kamustahin? Huhu.

"Ano.. ahh.. hehehe.." Sana gumana yung pagpapacute ko diba?

"FVCK!" Pinagbaliktad niya ang pwesto namin. Siya na ngayon ang nakatalikod sa may pintuan at kitang-kita ko kung paano siya barilin ng taong nasa harap ko ngayon.

Bang

Bang

Nakarinig ako ng magkasunod na putok, next thing I know, nakatuon na sakin ang bigat ni Zach at umaagos ang kanyang dugo...

"I l-lo..ve... you.... w-wi-fe....y..." Hirap na hirap na sabi niya bago pa man siya mawalan ng malay.

Nabaril niya ng dalawang beses si Zach at napag-alaman kong wala na palang bala ang asawa ko kaya mas pinili niyang saluhin na lang ang bala na para sakin sana.

Mas naiiyak tuloy ako. Knowing that Zach sacrificed his life for me.... and for our baby..

Ayoko na ng ganito.. Nangyari na sakin to.. Bakit kailangang maulit pa ulit?

Nanigas ako sa kinalalagyan ko. Hindi ko alam kung paano kikilos. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Gusto kong pumikit na lang dahil baka namamalikmata lang ako, pero hindi ko magawa. Matulog na lang kaya ako? Baka panaginip lang to e. Diba?

"BOSS!" Natauhan lang ako ng makita ko sila Kane, Blake at Val na papalapit samin.

Agad nilang binuhat si Zach na kanina lang ay nasa kandungan ko samantalang si Chris ay inalalayan ako maglakad.

Hindi ako nagsasalita at parang wala pa din ako sa sarili ko..

Pero isa lang ang hinihiling ko..


'Wag niyo pong kukunin sakin si Zach please...'

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon