Chapter 58

158K 3.9K 138
                                    


Nakarating naman kami agad sa parking lot ng hotel kung saan ko papatayin ang una kong target.

Pag-aari ni Zachary tong hotel at pinasara ko muna.

Pinasara ko para sa isang espesyal na gabi.

"Tawagan mo si Pia." Utos ko kay Blake. Kinuha namab agad ni Blake ang phone niya.

"Oo andito na kami sa labas... Sige.. Marami bang kasama?... Okay sige babye.."

Humarap siya sakin. "Nandun daw po sila sa restaurant ng hotel Miss."

Tumango ako at lumabas na.

Sumunod naman silang lahat sakin.

Nasa unahan ko na si Blake at Kane tapos sa likod ko si Chris at Val.

Naglakad na kami sa may entrance. Gaya ng inaasahan madami siyang dalang tauhan kaya nagsimula na kaming pagbabarilin sila.

Mabilis ang mga naging galaw namin. Napatay na namin ang mga bantay sa harap.

Naglagay kami ng panibagong bala habang naglalakad papunta sa likod nitong hotel.

Dun kami papasok papuntang restaurant.

May nakita pa kaming ilang tauhan doon at agad ko din silang pinaputukan ng baril.

"Nagtext po si Pia Miss, walo daw po ang kasama ni Vizconde sa loob." Sabi ni Chris.

"Alam niyo na ang gagawin niyo.” Baling ko sa kanila.

Sumaludo naman sila sakin tapos si kane tinap ako sa balikat. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganyan sakin. Alam ko naman na hindi lang siya ang hindi sang-ayon sa mga plano ko, lahat sila actually pero hindi lang masabi nung iba.

Si Kane lang talaga ang bukod tanging malakas ang loob para pagsabihan ako pero wala e. Sarado na yung isip ko. Ang gusto ko lang kase ay tapusin na ang kahibangan na to.

“Kaya ko ang sarili ko Kane. Salamat.” Ngumiti ako sa kanila para ipakitang matatag ako. “Pumwesto na kayo.” Sabi ko ng makapasok na kami sa loob.

Si Kane at Val pumwesto na sa side malapit sa private room na pinagkakainan nila Vizconde at Pia. Sa private room kase ng restaurant na to nakita ang dalawa. Ang alam ko nakipagkita si Pia sa anya para lang makipagkamustahan at agad naman itong pumayag dahil nga may gusto siya sa babae.

Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng lugar na to. Nakita kong pumwesto na si Chris sa mini passage na nilulusutan ng mga crew ng hotel para makapasok sa loob ng private room. Walang makakapansin sa kanyang pumasok siya dahil may haranag naman ito.

Si Blake naman, nasa may gilid ko habang hawak-hawak na din ang kanyang baril. Supposedly magkasama dapat sila ni chris sa pwesto pero mukhang wala siyang balak iwan ako kaya hindi ko na lang pinansin.

Ittutumba muna kase nila Kane yung apat na tauhan sa labas at itatago sa likod ng kitchen bago magsimula ang plano.

After ilang minutes nakita ko na si Val na papalapit sa pwesto namin ni Blake. Malapad ang pagkakangiti niya at isa lang ang ibig sabihin nun. MISSION ACCOMPLISHED.

Sinenyasan ko sila na pumunta na sumunod na kay Chris dahil meron na lang kaming kinse minutos bago sumabog ang buong hotel na to.

Oo tama kayo sa nabasa niyo. Inalay ko tong hotel na to para mawala ang isang alikabok sa buhay naming lahat. Hindi namna siguro naming ikakahirap to diba?

Nakita kong sumenyas na sila sakin. Ibig sabihin handa na silang lahat. At handing-handa na rin ako.

Inoff ko na yung switch ng ilaw.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon