Chapter 46

138K 3.9K 91
                                    

Zachary Dawson

"Fvck!" Hinagis ko na yung cellphone ko sa dashboard ng sasakyan. Kanina ko pa tinatawagan si Keisha pero hindi siya sumasagot.

''Ahhhh!" Napasabunot ako sa ulo ko.

lmposibleng hindi niya sagutin yung tawag ko. Kung nagalit man siya kanina dahil hindi ako naka-reply sa mga text at tawag niya, alam kong kakausapin niya pa din ako. Pasigaw nga lang.

Kung tulog naman siya, imposibleng hindi siya magising dahil sobranq lakas ng ringtone niya.

Kring Kring

Agad kong sinagot yung tawag kahit hindi na tinignan yung caller ID.

"Bossing wala sila Keisha dito. Naka-lock naman yung bahay niyo baka namasyal lang yung asawa mo."

"I'LL BE THERE IN 15 MINUTES. SIGURADUHIN MONG ANDYAN NA SILANG LAHAT PAGDATING KO KUNG HINDI KAKAUSAPIN M0 YUNG BARIL KO."

Binaba ko na agad yung tawag at pinaharurot yung sasakyan.

***

"I FVCKING TOLD YOU TO FIND MY WFEY. SO NOW TELL ME WHERE THE FVCKING HELL PLACE IS SHE RIGHT NOW!"

Kanina pa sila nandito pero hindi man lang nila nahanap yung asawa ko!

Natagalan pa to sa paguwi dahil may banggan sa highway eh yun lang yang nag-iisang daan papunta dito. Tapos aabutan kong wala pa din dito yung asawa ko samantalang maggagabi na.

"Puntahan niyo si Ka Tonyo sa kabilang parte n tong bahay." Umupo muna ako sa sofa habang hinihilot ang sentido ko.

Kanina pa nananakit ang ulo ko sa kakaisip kung saan ba pumunta si Keisha. Nagpaalam man lang sana siya para alam ko naman kung saan siya hahagilapin.

"Mga iho! Kaibigan ba kayo ni Zachary?" Boses yun ni Ka Tonyo ah!

Nagmadali akong lumabas ng bahay habang nakasunod sakin si Kane.

"Zachary?" Gulat na gulat na tanong niya sakin ng makita ako.

"Eto namang si Ka Tonyo akala mo nakakita ng artista." Tatawa-tawang sabi ni Kane.

Kilala kase nya si Ka Tonyo dahil madalas niyang hiramin tong bahay kapag may pinagtataguan siyang babae.

Titig na titig parin sakin si Ka Tonyo na akala mo ba hindi makapaniwala sa nakikita kaya tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya.

"Pero ang sabi ng mga pulis na sumundo kay Keisha kanina..-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

FVCK!

"Maghanda kayo. We need to rescue my Wifey!"

Sabi ko bago tuluyang umakyat sa taas para kumuha ng mga armas.

Just wait for daddy babies. I'll keep you all safe.

A/N: VERY SHORT UPDATE. HIHI. MAY NAG-REQUEST LANG PO :))

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon