Chapter 48

155K 4K 194
                                    

As requested! :) Here's another updated. Thank you for supporting!! :)



***


Pinilit kong kumawala sa taong yumayakap sakin.


"Shhh. I just missed you wifey..." Zach!


Humarap ako sa kanya pero hindi pa din niya binibitawan yung pagkakayakap sakin.


"Zach.." Humihikbing hinawakan ko yung mukha niya.


Ngayon ako nakaramdam ng takot.


Ngayon ko naalala yung kabang naramdaman ko kanina.


Ngayon ko naramdaman yung takot na baka hindi ko na siya makita pa.


Yung takot na baka hindi kami makaligtas ng mga anak niya.


Yung takot na mawala ako sa mundong ito ng hindi man lang siya nayayakap.


Ng hindi man lang siya nahahawakan.


Ng hindi man lang siya nahahalikan.


"Hush baby.. Andito na ko. Sorry I was late.."


"Thank you hubby. Akala ko hindi na kita makikita. Huhuhu." Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Hinding-hindi kita papabayaan Keisha. Ako na lang wag lang kayo." Mas niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa..






May narinig kaming palakpak mula sa likuran ni Zach.


Sabay kaming napatingin sa kanya. Siya yung isa sa nagpanggap na pulis!!


"AKALAIN MO NGA NAMAN YUN? HINDI NIYO NA PINAHIRAPAN YUNG TRABAHO NAMIN. HAHAHAHA. KUSA KA NG PUMUNTA DITO DAWSON. HINDI KA NA NAMIN KAILANGAN PANG HANAPIN. TSK. SISIW LANG PALA." Napakapit ako kay Zach.


"WHAT DO YOU NEED?" Walang takot na tanong ng asawa ko.


"Simple lang. KAYONG DALAWA. Mali pala. BUHAY NIYONG DALAWA. HAHAHAHAHAHAHA. SIMPLE LANG NAMAN DIBA?" At mas humalakhak pa siya.


Bawat pagtawa niya ay nagbibigay ng kilabot sakin.


"NATAKOT KA NA BA DAWSON? WAG KANG MAG-ALALA PAPAHIRAPAN KA MUNA NAMIN BAGO KA BAWIAN NG BUHAY!" Itinutok niya samin yung baril niya. "SIGE LAKAD!" Hindi agad ako nakagalaw. "LAKAD SABI E!"


Nang akmang kakaladkarin niya sana ko biglang tinabig ni Zach yung kamay niya kaya nabitawan niya yung baril sa pagkabigla.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon