Chapter 59

152K 4.4K 154
                                    


Dumiretso na kami sa hide-out nila Gary Lincon.

Nabalitaan ko kaseng may meeting session daw silang ngayong hapon kaya naman ito na ang panahon para lusubin namin sila.

Siyempre hindi naman ako tanga para sumugod dun ng lima lang kami no. Kaya ng pinatawag ko lahat ng mga tauhan ni Zach kaya ngayon mga 50 na tao na kami. Alam na nila ang gagawin. Well madali lang naman e. Lulusubin lang naming ang lugar nila tapos papatayin lahat pero may isa kong kondisyon sa kanila, gusto ko ipaubaya nila sakin ang pagpatay kay Gary.

Gusto kong ako mismo ang maghiganti para sa asawa ko. Gusto kong ipaghiganti yung mga magulang niya.

"Maiwan na po kayo dito sa kotse Miss Keisha." Sabi sakin ni Blake. Tumango lang ako. Well yun naman talaga ang usapan naming lahat.

Kahit gustong-gusto kong sumama sa kanila, ayoko namang i-take yung risk dahil baka mapahamak pa pati mga babies naming. Mahirap no. Ayoko din namang mapaanak na lang bigla habang nakikipaglaban. Masyado ng historical yung pagbubuntis ko pag nangyari yun.

Kaya eto ako ngayon, naiwan sa kotse kung saan kasama ko si Pia. Hindi kami nag-uusap pero alam niyo ba readers, hindi na masama ang loob ko sa kanya siguro dahil alam kong hindi na niya aaagawin ang asawa ko.

Kasal na kami at magkakaroon na kami ng mga supling. Zach umaasa akong babalik ka. :(

"Kailan ka manganganak?" Biglang tanong ni Pia sakin.

"Anytime this month." Sagot ko. Well awkward pa din kase e.

Nanlaki naman ang mata niya, "You mean pwede ka ng manganak kahit ngayon?" Tumango ako.

"OMG ka! Anong trip mo sa buhay ha? Paano kung mapaanak ka sa mga pinaggagagawa mo? Jusko ka girl!" Hinampas pa niya ko ng mahina sa braso.

"Ay close tayo te?" Tumatawa kong sabi sa kanya. Haay. Ang galing no? Ang tagal ko ng hindi tumatawa simula nung may mangyare kay Zach tapos eto ako ngayon, nakikipagtawanan sa isang tao.

"Keisha.. I'm sorry." Biglang sumeryoso yung mukha ni Pia kaya natigil na din ako sa pagtawa. "Nagalit lang talaga ko sayo dahil inaasahan kong may babalikan pa kong Zachary pero huli na pala talaga ko. May mahal na siyang ibang.." Umiiyak na sabi niya.

"Keishaa.. I'm sorry.." Niyakap na niya ko. Huhu. Naiiyak na din tuloy ako.

Akalain mo bang magkakabati kami nitong dalawa? Pero kailangan ba munang mawala yung taong pinaga-awayan naming bago magkaayos?

"Sana mapatawad mo pa ko..." Umiiyak na sabi niya.

"Pia wala na sakin yun. Ano ka ba? Past is past. Tsaka alam ko namang di mo na ko aawayin diba?" Tumatawang sabi ko.

"HAHAHA. Hindi na no. Takot na nga ako sayo e. Huhu. Paano mo nagawa yun? Grabe first time kong marinig si Vizconde na magmakaawa kanina ha. Wala pa atang nakakpagpagawa nun sa kanya. Ikaw pa lang. Jusko bilib na talaga ko sayo. Kung hindi lang malaki yang tiyan mo hindi ko iisipin na buntis ka e. Ang astig mo kaya. Sana turuan mo din ako ng ganyan minsan ha." Akalain mon gang daldal din pala nitong babaeng to?

"Oo-" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may kumatok sa pintuan ng kotse. Si Kane lang pala.

Binaba ko yung bintana sa side ko.

"Pinatay ko na Keisha."

Napakunot yung nook o. "DIBA KABILIN-BILINAN KO SA INYO NA AKO ANG PAPATAY SA KANYA?" Galit na sigaw ko.

Napahawak ako sa tiyan ko dahil ramdamn kong sumipa ang babies ko.

"Gago ka talaga Kane! Manganak yan ng wala sa oras ha." Rinig kong tumatawa si Blake sa gilid ni Blake.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon