Special Chapter

179K 4K 225
                                    

SPECIAL CHAPTER

"ZACHAAAARY!"

Bigla namang bumukas ang pintuan sa kwarto naming dalawa at iniluwa si Zach na pawis na pawis.

"Anong nangyare sayo wifey?" Tarantang tanong niya sakin.

Ngumuso ako. "Gusto ko ng stick-o."

"Sus. Akala ko naman kung ano na." Naiinis na sabi niya sakin.

"Aba! Anong sabi mo ha? Pagkatapos mo kong buntisin na naman, ganyan ka na magsalita? Ikaw kaya ang magbuntis!"

"Eto namang wifey ko sobrang matampuhin. Bibilan ko na po kayo ni baby ng stick ano nga ba yun?"

"Stick-o."

"Ano ba yun?"

"STICK-O LANG DI MO PA ALAM? AKO NA NGA LANG ANG BIBILI! LAYAS!" Inis na naman ako.

Huhu. Bakit ba kase ako magbuntis? Siguro lambing lang to sa kanya.

Naalala niyo naman nung pinagbubuntis ko yung triplets namin diba? Tulog kaya siya nun kaya kailangan niyang bumawi samin. Hihi.

"UWAAAAAAH! DA-DA!!!" Rinig kong sigaw ng bunso naming si Angelique mula sa baba.

"Wifey saglit lang ha. I'll check our babies downstairs." Paalam sakin ng gwapo kong asawa. Hinalikan pa niya ko sa noo. Sweet no?

Alam niyo ba na 3 1/2 years na din kaming kasal ni Zach pero walang pinagbago. Walang pinagbago in a sense na sweet pa din siya. At siyempre nakakatakot, hindi mo na kase ata maiaalis sa kanya yun e. Siyempre Mafia boss nga diba? Pero sobrang responsible niya. As a husband and father. Sinisigurado niya palagi na nasa ayos ang lahat. Kahit sobrang busy niya, sinisigurado niya na hindi siya nagkukulang ng oras samin.

Masasabi kong we are perfectly imperfect for each other. There are times na nag-aaway kaming dalawa but we always make sure na yung tampuhan na meron kami ay maayos agad. Inaayos namin agad yung hindi namin pagkakaintindihan within a day. Ayaw kase naming lumaki yun ng sibra dahil yun ganung klaseng away ang mahirap ng ayusin at sa huli maaari pang maging dahilan ng hiwalayan na ayaw naman naming mangyari parehas.

"UWAAAAH!"

"Da-da! Toy-toy!" Naririnig ko pa ang mga anak namin na nagbabangayan kaya naisipan kong bumangon para bumaba.

Nabanggit ko ba sa inyo na 3 months na yung pinagbubuntis ko? At gusto ata ni zach na bed rest na lang ako hanggang sa maipanganak ko ang aming baby. Pero jusko ang hirap kaya ng walang ginagawa lalo na pag nasanay ka ng gawin ang mga bagay na gusto mong gawin.

Simula nung binyag ng aming triplets, naging full time housewife na ko, dahil yun ang gusto ni hubby. Kaya naman na daw niyang i-manage ang Mafia e. At siyempre gusto ko din naman na pagsilbihan sila kaya punayag ako.

Ako na ang nagluluto para sa kanila. Nag-aasikaso ng isusuot ni Zach sa office. Nag-aalaga sa triplets.

May yaya naman sila. Tig-dalawa pa nga e. Itatanong niya pa ba kung sino ang may gusto nun? Wag na. Kilala niyo naman e. May apat na maid din na tagalinis ng bahay.

Oo nga pala, puro may edad na ang kinuha kong mga kasambahay, paano ba naman kase may nakuha akong yaya ni Premier dati, nasa 20s pa lang ata siya. Aba imbis na si baby Premier ko ang alagaan, mas gusto ata ang isa ko pang baby. Si Zach! Nakakainis kaya. Ayun nagpapalit tuloy ako ng yaya ng wala sa oras.

"Come on Amour, stop being a brat. Go play your barbie now." I heard Premier said. Siya yung baby ko na matatas na agad magsalita. He is my little Zachary. Sobrang seryoso niyang bata na yan. 3 years old pa lang siya pero akala mo sobrang tanda kung magsalita at mag-isip. Manang-mana talaga sa tatay niya.

"Angelique? Come." I asked my bunso to sit on my lap.

"Why are you crying?" I combed her hair with my fingers.

"A-amour get my toy-toy!" And she started to cry again.

"My choy-choy." Sabi naman ni Amour habang niyakap yung laruan ng ate niya.

Binuhat naman siya ng daddy niya. "Baby what did daddy told you? If it's not yours you should not get it right?"

"Opo." Humihikbing sagot niya. Ugh. My baby is such a cutie.

"Because?"

"Cosh it's baad." Pagpapatuloy niyang sagot sa daddy niya.

"Is Amour bad?" Hubby asked her.

"No." Umiiling na sabi naman nito.

"Then what should you do?" Agad siyang kumawala sa pagkakabuhat sa kanya ni Zach at tumakbo papunta saming dalawa ng ate niya at inabot yung barbie na kinuha niya kanina.

"Anong sasabihin mo sa kanya?" Her big brother asked her.

"Shorry ate.." And they hugged each other. So I hugged them too.

"Yabyab ate and ma-ma!" Tumatalon-talon pa ang aming bunso habang yakap namin.

"Lablab!" Sang-ayon naman ni Angelique sa kanya.

"How about my other babies?" I asked while looking at Zach and Premier.

Zach smiled at me the looked at my baby boy. But Premier just kept on looking at us.

"Aw. Kuya Premier doesn't love us." Kunwaring nagtatampong sabi ko. Sa kanila kaseng tatlo, si Premier ang hindi sweet. Mana nga kase sa tatay. Haha.

"Don't worry daddy loves you naman." Sabi ni Zach ng umupo siya sa tabi ko. "Daddy loves mommy.... and Angelique... and...." Naglalakad naman na unti-unti palapit samin si Premier. "And Amour, and the baby inside mommy's tummy.. and...."

"PREMIER!" He shouted sabay sampa sa daddy niya.

Yung ganitong mga pagkakataon ang hinding-hindi ko ipagpapalita sa kahit ano pa man. How I love my family so much.

"Okay. It's ligo time!"

"Aaahh!"

"Noooo!"

"Later da-da!" Sabay-sabay silang angalan. Tsk. Bakit ang bata, ang hirap paliguin? Haha.

"You don't want to take a bath?" Sabay-sabay silang umiling.

"Okay. Kami na lang pala ni mommy ang pupunta sa mall." And with that sabay-sabay na nilang tinawag ang mga yaya nila para magpaligo.

"Thank you for giving me three wonderful kids wifey.. and of course sa ating future baby." Umakbay sakin si Zach.

"Thank you for being a good husband and father hubby." Sabi ko naman sa kanya tsaka siya hinalikan ng mabilisan sa lips.

"I love you." I said.

"I love you too." He said habang unti-unting nilalapit yung labi niya sa labi ko ng may maalala ako....

"Stick-o ko muna bago kiss."

***

HALER! NAMISS KO LANG PO SILA KEISHA AT ZACH KAYA AYAN NAPASULAT TULOY AKO NG SPECIAL CHAPTER. HIHI.

SANA PO MAGUSTUHAN NIYO TO. :)

DON'T FORGET TO READ MY OTHER STORY PO. ONGOING PO YUN.

TITLE: PWEDE BANG AKO NA LANG?

THANK YOU! :)

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon