Chapter 5

250K 7.6K 971
                                    


Knock knock

Naalimpungatan ako sa kumatok. Nakatulugan ko na pala ang pagbabasa ng story kase nakabuklat pa kase yung librong binabasa ko kagabi.

Pagkatapos kaseng kumain ay pinagpahinga nako nila Blake. Sila na daw bahala sa dishes dahil malalagot sila sa bossing nila kapag pinagawa nila ko ng gawaing-bahay.

"Good Morning." Bumukas na lang bigla yung pinto at nakita kong nakasilip si Zach.

"Mag-prepare ka na. We'll eat breakfast in a while." Tumango na lang ako tapos lumabas na siya.

Nag-ayos muna ko bago dumiretso sa kitchen.

Ang tahimik pag baba ko. Bakit parang walang tao?

"Good Morning Keisha." Nakangiting bati sakin ng isang matanda na nakasuot ng uniporme na pang mayordoma.

"Magandang umaga po."

"Tawagin mo na lang akong Manang Nena. Tara na ng makakain na kayo ni Zach." Hinatak na niya ko papunta sa dining area.

Nandun na si Zach pagdating ko. Siya lang ang nakaupo doon. Nasan na kaya sila?

"Umuwi na sila." Sabi niya.

"Mind-reader ka ba?" Sabi ko naman na may pagtataka.

Kumunot ang noo niya pero maya-maya ay ngumiti din.

"It's one of my talent." Sabi niya with matching kindat pa yan ha.

"Umupo ka na para makakain tayo." Agad naman akong sumunod sa kanya.

Siya na din ang naglagay ng food sa plate ko.

"Rice or bread?"

"Rice." Rice-person kase ako e.

"Oh mag-milk ka na lang para tumangkad ka naman." Sinamaan ko siya ng tingin.

Oo na maliit nako. 5 flat lang ata yung height ko tapos siya nasa 6'5. :(

"Hey don't you dare look at me like that." He said with a dangerous tone.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Katakot naman to.

Ding dong

Tatayo na sana siya ng biglang lumabas si manang mula sa kusina.

"Ako na iho. Kumain ka na lang diyan." Sabi ni manang.

Tumango na lang siya.

Kumain na lang ako ng kumain baka mamaya magalit na naman sakin tong si Zach e.

"Yo Keisha." Bati sakin ni Kane.

Andito na pala sila kaya umingay na.

And may kasama silang matandang lalako na naka-formal.

May meeting ba sila ngayon?

"You done?" Biglang tanong sakin ni Zach ng hindi pinapansin yung bagong dating. Tumango na lang ako.

Inalalayan niya ko patayo. Alam mo yung parang nay kuryente nung nadikit yung kamay ko sa kanya.

Ibig bang sabihin may spark kami?

"Follow us." Sabi niya sabay hatak sakin ng mahina sakin.

Umakyat kami sa 3rd floor. Nakasunod samin yung 6 lalaki.

Pumasok kami sa isang room na malaki. Para siyang library na conference room.

May mahabang conference table sa loob at monitor. Tapos may office table din sa gilid and shelves of books.

"Have a seat Mr. Tan." Zach said.

Nagsiupuan na lahat kami. Magkatabi kami ni Zach sa kabisera ng table tapos sa right side namin ay sila Mr. Tan, Jade, at Chris tapos sa left naman sila Kane, Blake, at Val.

"Here are the papers that you need to sign." May inabot yung matandang lalaki na folder kay Zach.

May pipirmahan lang siya dapat kasama pa kami?

"Sign this." Sabi ni Zach sabay abot sakin.

Marriage Contract

Woah. Ito na ba yun?

"FASTER." Agad ko naman ng pinirmahan yung mga papers.

Sumunod na pumirma ay siya.

Chineck muna ni Mr. Tan yung mga papers kung may pirma lahat.

"Congratulations Mr. and Mrs. Dawson." Kinamayan pa niya kami.

"Naks! Congrats to our newly-wed!" Biglang hiyaw ni Kane.

"Congrats boss and maam." Sabi naman ng iba pa.

So ito na yun? Kasal na kami?

Wala man lang bang wedding gown, coatband tie church, reception, bisita, abay, maid of honor, altar, at higit sa lahat....

YOU MAY NOW KISS THE BRIDE?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon