Chapter 60

156K 4K 186
                                    


“Ready na ba lahat?” Tanong ko sa kanila.

Bumalik muna kami sa mansion bago ko tapusin ang last target ko.

“Ito na yung attache case na naglalaman ng mga documents Miss Keisha.” Ipinatong ni Jade sa table yung case.

“Nandito na ba lahat?”

“Opo Miss Keisha.”

“Maiwan ka na lang ulit dito Jade para may nakabantay sa kanila.”

 Ngumiti naman si Jade at sumaludo sakin bago umalis.

Sakto namang pagtalikod niya ay nagsalita ako. “One more thing.” Mabilis siyang humarap sakin. “Do you like Jl?” Namula naman yung mukha niya. Ang kyot-kyot. Hihi.

“So you really like her.”

“Miss Keisha pasensiya na po. Sobrang nagandahan lang po talaga ko sa kanya. Ipo-prove ko naman po na deserving ako para sa kanya.” Takot na takot yung boses ni Jade kaya natawa ko.

Nagulat naman siyang napatingin sakin. “Alam kong mabait ka at you deserve her. “ I smiled at him. “Wala kang magiging problema sakin, ang problema mo lang ay kung mapasagot mo ba yung napakataray na babae na yun.” Natawa naman siya sa sinabi ko.

Well, alam niyo naman si Jl diba? Super sungit. -_- Akala mo naman pinaglihi sa sama ng loob e. Haha. Peace. Quiet lang kaya please. Mehehe.

“Sige na kailangan na naming umalis.” Tinapik ko pa siya sa balikat.

“Ingat po kayo Miss.” Sabi niya sakin. Binitbit ko na yung attache case saka dumiretso sa garahe kung saan naghihintay na sila sakin.

Sinalubong ako ni Val tsaka niya kinuha yung bitbit ko. Pinagbuksan na din niya ko ng pintuan.

“Tara na.” Utos ko kay Chris na kasalukuyang nakaupo sa driver’s seat.

“Bali ganito ang mangyayari, ako lang ang papasok sa loob tapos kayo maiiwan na lang sa labas.”

“Hindi ba pwedeng sumama kami sa loob?” Singit ni Blake.

“Hindi. Sa labas lang kayo. Tsaka ang usapan naman naming ni Levi kaming dalawa lang ang mag-uusap. Wala ng ibang tao.”

Nag-set kase ako ng meeting  sa kanya. Sinabi ko sa kanyang ibibigay ko na lahat ng kapangyarihan at kayamanan naming ni Zach kapalit nun ay titigilan na niya kami. At dahil isa siyang gahaman na tao, agad siyang pumayag sa deal ko. Napaka-walanghiya talaga niya.

“Magbantay kayo sa labas dahil alam niyo namang tuso si Levi. Paniguradong may mga bantay yun sa labas.”

“Yun nga nga e. Alam mo namang tuso yung ninong mo pano kung may gawin yun sayo sa loob?”

“Kaya ko ang sarili ko Kane. Salamat.”

Nanahimik na silang lahat pagkatapos nun.

Habang ako kino-compose ko yung sarili ko.

WOOOOH! Wish me luck mga readers ko.

***

Dumating kami sa meeting place naming dalawa. Isa itong abandunadong lugar sa malayong kabihasnan sa Manila.

Nakaramdam ako ng kaba. Alam niyo ba kung bakit? Walang katao-tao dito sa labas na siyang ipinagtaka ko ng sobra.

“Parang may magaganap na hindi maganda a.” Biglang sabi ni Val. I feel you bro. Gusto ko yang sabihin sa kanila pero di ko magawa. Ayokong maramdaman nilang pinanghinaan na ko ng loob.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon