Chapter 41

173K 4.3K 32
                                    


"Tara na kase!" Pangugulit ko sa asawa ko. Ayaw niya kase akong isama sa hide-out.

Ay alam niyo ba guys, 3 days pala kong nakatulog? Grabe diba? Daig ko pa nga si Zach na nabaril e. Si Zach daw kase nagising na kinabukasan. Samantalang ako days pa.

Mehehe. Tapos lumabas na din pala kami sa hospital after ng aming mini-drama. Buong araw lang kaming magkasama sa bahay. Puro cuddle lang. Sweet nga e. Hihi.

"Magpahinga ka na lang dito baby."

Pahinga na naman? Eh kakagaling ko nga lang dun diba. -_-

"Sige na please hubby? Ayokong maiwan mag-isa dito."

"Andito naman si manang e. Di ka naman ma-iiwan mag-isa."

"Pero iba pa din kapag ikaw yung kasama ko."

"No Keisha. You'll stay here." Ugh! Bossy na naman siya.

"Fine! Pagbalik mo wala ka ng aabutang asawa!" Nagtalukbong na ko ng comforter.

Hindi ko naman tototohanin yun no. Kaya lang sa ganitong paraan ako susuyuin ni Zach e. Mehehe.

Baag!

Pintuan ba yun? Don't tell me umalis na si Zach? Hindi man lang ba niya ko susuyuin?

Agh! Wag na wag tatabi sakin yung lalaking yun mamaya. Sinasabi ko talaga sa sahig yun matutulog! KAINIS!

Nakarinig ulit ako ng papalapit na yabag kaya dali-dali akong natalukbong ng kumot. Buti na lang aircon yung buong bahay ni Zach kung hindi pagpapawisan ako ng sobra nito.

"Wifey.." Sinusundot-sundot ni Zach yung tagiliran ko.

"Hey I know you're not yet sleeping so get up now.." Deadma lang Keisha. Kunwari wala kang naririnig.

I heard him sighed. "Here wear this." Naramdaman kong may pinatong siya sakin. "I'll be waiting dowstairs."

After ilang seconds nakarinig ulit ako ng pagsara ng pinto.

Sinilip ko kung andiyan pa siya. Wala. Bumaba na siguro. Pero teka ano yung pinapasuot niya sakin?

Waaaah! Dress siya! It is a simple dress. Lampas tuhod ko siya at hindi sobrang higpit. Naalala kong sabi niya sakin nung isang beses 'Magpapadala ko ng mga bagong damit mo at ayokong maipit yung anak natin.'

Sobrang sweet talaga ng asawa ko. ^_^

Agad kong sinuot yung dress at naghanap ng pwedeng pang-partner na doll shoes. Itaas ko lang din yung buhok ko tapos naglagay ng powder at lip gloss. Hindi na ko masyadong nag-ayos dahil maganda nako. Ansabe? Hihi.

Nagmamadali ako sa pagtakbo pababa. Excited na ko! Pero excited nga ba saan? Eh pupuntahan lang naman namin si Gary dun.

Eh kung ayain ko kaya siya sa mall? Tutal 3 pm lang naman e. Tama! Dun na rin siguro kami mag-dinner? Hihi.

Naabutan ko si Zach na may kausap sa phone. Kaya niyakap ko na lang siya mula sa likod. Favorite niya kaseng gawin sakin to kaya nahahawa na ko.

"Ready?" Nakangiting tanong niya after matapos makipag-usap.

"Opo. Sorry kanina." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Wala yun. Tara na." Inalalayan na niya ko papunta sa sasakyan niya.

Nakarating kami agad sa hide-out in no time. Nandun na ang limang itlog. Kelan ba naman sila nawala diba? Hihi. Pero ang nakapagtataka, may mga kasama silang babae!

"Sila ba yung nasa auction?" Di ko napigilang magtanong.

"Mga girlfriend namin Keisha." Kumindat pa sakin si Kane. Tusukin ko kaya mata nito?

"Psh. Ipakilala niyo ko!!" Excited na sabi ko. At least magkakaroon na ko ng GIRL FRIENDS diba? Puro na lang kase sila yung nakakasama ko. Kasawa na kaya. Haha.

"Maybe next time Keisha." Iniwan nila yung mga babae sa labas tapos kami nagpunta sa isang room.

Andun din si Gary sa isang kwarto kasama yung lalaking bumaril kay Zach! Buhay pa pala yun?!

"BAKIT HINDI NIYO PA PINATAY YAN?!" Sigaw ko sa kanila habang pinapatay na sa tingin yung hinayupak na yun. Muntik na kong mawalan ng asawa dahil sa kanya.

"Hindi pa pwede wifey." Tinitigan ko si Zach ng masama.

"MUNTIK KA NG MAMATAY NG DAHIL SA KANYA ZACH! TAPOS HINDI MO PAPATAYIN?!" Galit na tanong ko.

"Kakailanganin natin siya Keisha. Just trust me on this." Sabi niya bago humarap kay Gary. "Sign this." Hinagis niya ang isang folder sa kanya.

Kinalagan naman nila Val yung tali nito.

Nang-agaw pa nga ito ng baril pero mabilis napaputukan ni Zach yung dailiri niya. Tsk. Ayan tuloy. Hindi naman siya uubra e. Mehehe.

Natakot siguro siya kaya napapirma agad. Takot mawalan pa ulit ng daliri? Hihi.

"Let's go home?" Zach asked me after show nila ni Gary.

"Mall tayo. Pleaaaaase?" Gusto ko kaseng tumingin ng gamit ng babies e. Hihi.

"Okay." Waah. Napapayag ko agad si Zach? Hihi. Himala.

Kinuha ko na agad sa kanya yung car key. Mauuna na ko sa loob no. Baka bigla pang magbago yung isip niya e. Mahirap na.

Papasok na sana ako ng kotse ng mapansin kong may nakadikit na papel sa side mirror.


'MALAPIT NA KAYONG MAMATAY NG ANAK MO. MALAPIT NA. -FALLON'

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon