Chapter 20

224K 5.7K 439
                                    


"Wifey bangon na.." Hanggang sa panaginip ba si Zach pa rin. Huhu.

"Hahalikan kita kapag di ka pa gumising diyan." Sabi niya pa sa panaginip ko.

"Gusto ko nun!" Sabi ko pa.

"Talaga? Sige." Tapos naramdaman ko ng may humahalik nga sakin.

"WAAAAHHH!!" Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko ngang may humahalik sakin. FOR REAL.

"Z-zach? Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"I'm waking up my princess." Ang gwapo ng asawa ko. Bagong ligo na agad to ah? Medyo basa pa kase yung buhok niya na bahagyang tumutulo pa. Tapos naka-sando at shorts lang. So sexy hubby.

"Baka matunaw ako niyan wifey ah." Nang-aasar na sabi niya.

"Ha! Napatingin lang ako sayo kase parang pumapangit ka na ata?" Tumayo na siya agad. Asar much?

"Tumayo ka na diyan at mag-ayos. We'll start in an hour." Sabi niya bago tuluyang lumabas.

Halaa. Nagalit sakin si Zach. Huhu. Mabilis na kong naligo at nagbihis dahil pag nagtagal pako baka barilin na lang ako ni Zach noh. Huhu talaga. Sayang ang ganda ko pag nagkataon.

"H-hubby.." Naabutan ko siyang naka-upo sa sofa at busy sa paglalaptop.

"Eat your breakfast." Walang lingon na sabi niya sakin.

Paktay. Galit nga talaga siya.

Dumiretso nako sa dining area para kumain. Naabutan ko yung yung limang tauhan niyang kumakain na din.

"Good Morning Ms. Keisha." Bati nila sakin.

"Kain na po kayo." Sabi ni Blake.

"Kumain na ba si Zach?" 4 am pa lang kaya ng umaga. Trabaho na naman ang inaatupag niya. Tsk.

"Hindi pa po Miss." Sabi ni Jade.

"Ah sige salamat." Naglagay nako ng pagkain sa isang bowl. Tapos kumuha ako ng baso ay nilagyan ng milk tsaka pumunta sa living room.

"Hubby say ahhh." Sabi ko sa kanya pero tinapunan niya lang ako ng tingin.

Pano ko ba susuyuin to? Huhu.

May nabasa ko sa magazine dati e. Ways to say sorry with your husband.

Seduce him.

Kayanin ko kaya? Hihi.

Kinuha ko bigla yung laptop sa lap niya.

"I'm working Keisha." Medyo inis na sabi niya. And Keisha? Galit talaga siya sakin. He used to call me wifey kaya. Huhu.

I sit on his lap. And put my arms around his neck. Nakita kong napalunok siya sa ginagawa ko.

"Hubby are you mad?" I asked seductively.

"No."

"Then why can't you look at my eyes?" I asked.

"Nothing."

"Wag ka ng magalit please"

"Di ako galit."

"Gwapo ka naman talaga ah."

"Alam ko." Ngumisi pa siya sakin.

"Eh bakit ka pa nagtatampururot diyan?" Naiinis na tanong ko.

"Gusto ko lang na lambingin mo ko and it worked." Nakangiting sabi niya.

"Psh! Ewan ko sayo!" Akmang tatayo na sana ako ng hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa bewang ko.

"I love you my wifey." Bulong niya sakin that gave me goosebumps.

"I love-" Hindi pa man ako nakakasagot ng sunggaban na niya yung labi ko.

Patuloy lang kami sa paghahalikan ng may biglang

"WOOOH! ANG AGA-AGA NAMAN NIYA." Biglang sigaw ni Kane samin.

"Fvck you Kane!" Sabi ni Zach sabay hagis niya ng throw pillow dito.

Nailagan naman agad to ni Kane kaya tumayo na Zach.

"Itong bala ko siguradong hindi mo na maiiwasan!" Sabay kuha ni Zach ng baril sa gilid ng upuan niya. Agad naman ng nagtatakbo si Zach habang patuloh lang si Zach sa pagbaril.

Adik talaga yung mga yun.

"Hubby kumain na nga tayo." Sigaw ko kay Zach paano feeling ko andami ng nabasag sa gamit namin.

Sinundan ko sila sa kusina at tama nga ang hinala ko. Basag na yung mga gamit dun! Yung mga platong pinagkainan nila nasa sahig na lahat isama mo pa yung baso. Huhu.

"KANE! BLAKE! JADE! VAL! CHRIS! LINISIN NIYO NGA LAHAT TO!" Sigaw ko sa kanila. Ang aga-aga sakit sa ulo. Tsk.

"Si boss kaya ang may gawa niyan." Sabi ni Kane.

"At sinong gusto mong maglinis niyan ha? Si Zach? Baka gusto mong mabaril na talaga?" Sabi ko sa kanya ng inagaw ko ang baril ni Chris na nakatayo sa tabi ko.

"Eto namang si Keisha hindi na mabiro." Bumaling siya sa apat niyang kaibigan. "Hoy kayo nga tulungan niyo ko dito."

"Ayoko nga." Chris.

"Sus. Ikaw naman ang may kasalanan e." Jade.

"Pasensiya ka na mahal ko." Inakbayan pa siya ni Blake. "Kikiss na lang kita mahal." Umakma pa si Blake na hahalikan siya pero agad naman itong lumayo.

"Nababading ka na naman sakin Blake ha!" Bulyaw niya dito pero iniwan lang siya habang tumatawa.

Umalis na yung tatlo maliban kay Val.

"O pare tutulungan mo ba ko?" Todo ngiting tanong ni Kane sa kanya.

"Oo naman Kane. Akin na nga yung walis."

"Maasahan ka talaga Val." Inabot niya na yung walis dito. "Ito o."

Akmang magwawalis na sana si Val ng bigla itong huminto. "May inuutos nga pala sakin si boss pare. Pasensiya ka na ha." At nagtatakbo ng lumabas.

"Mga buwisit talaga kayo! Di man lang magsitulong." Sigaw niya sa mga ito sabay upo na sa dining chair.

"AT ANONG INUUPO-UPO MO DIYAN HA?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Nagpapahinga lang-"

"PAHINGA? WALA KA PANG NALILINIS E. HALA MAGLINIS KA NA!"

"Para ka namang si bossing. Palaging highblood. Tsk."

Aba't sinabihan niya bang highblood si Zach ha?

"Who's highblood?" Biglang pasok si zach sa kusina nakita ko naman na namutla si Kane kaya binelatan ko lang siya.

"A-ano boss yung.. yung ano." Hah! Takot din pala siya kay Zach. Hihi.

"Who?"

"Yung kapitbahay ko." Tumaas lang yung kilay ni Zach. Haha. Kyot.

"Kumain ka na ba wifey?" Baling niya sakin.

"Opo." ^_^

"Good. Pahinga ka na then we'll start." He said bago nagpaalam na lalabas lang daw muna saglit.

First day ko ngayon sa training.

Training because I want to be like him.

Training dahil gusto ko ng matutong gumamit ng baril.

Training para maging isang mahusay sa ganitong larangan.

Training para mapaghandaan ko ang pagtutuos namin ng mga Fallon.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon