Chapter 13

233K 6.6K 867
                                    


"Wooh! May nagma-make out pala dito e." Nanigas ako sa narinig.

Fudge! May tao na. At ang masklap pa naabutan nila kaming naghahalikan ni Zach.

"OUT!" Biglang sigaw ni Zach kaya nagsitakbuhan na yung mga loko.

Pati ba ako?

Papalakad na sana ko palabas ng biglang...

"Where are you going? Again." Nakakatakot. Waah!!

"Sabi mo out?"

"Sila lang. You." Sabay turo sakin. "Stay with me." Bakit parang ang sarap pakinggan nung sinabi niya?

"Follow me." Favorite line niya ba yun? Matanong nga minsan.

Dumiretso kami sa dining area at nagulat ako sa nakita ko.

May naka-prepare na dinner for two doon. May candle and flowers pa nga e. Tapos yung pagkain? Yung niluto ko kanina.

Naalala ko na naman yung kanina. Torture din e.

"About what you saw a while ago." Ayokong pakinggan. Girlfriend niya ba yun? Huhu. Basted nako agad.

"She's my ex, Pia. S-she kissed me and I pushed her." Why the hell is he explaining to me?

Akala ko ba walang pakialaman kami?

Gaga! Gusto mo naman din yan. Pakipot ka pa. Sabi ng isip ko.

Dineadma ko na lang siya.

Ano ba kaseng dapat kong sabihin diba?

Kumain na lang kaming dalawa. Wala na ring nagtangka magsalita sa aming dalawa. Ang awkward tuloy. Napapansin ko din na tinititigan niya ko. Siguro dahil sa nagang mata ko.

"What happened to your eyes?" Pag sinabi kong iniyakan ko yung halikan nila mahahalata niyang nagseselos ako. So dapat hindi ko sabihin.

"Hm ano ah nakagat ng langgam?" Wow. What a lame excuse.

"I see. Ang galing sabay pa sila." Tila nang-aasar na sabi niya. Psh. Baka naniwala siya sayo Keisha. -_-

Natapos na kami sa pagkain at hindi ko alam kung aakyat na ba ko or what.

"A-ano m-matutulog nako." Sabi ko tsaka naglakad na papuntang hagdan.

Pahakbang nako sa hagdan ng..

"Wifey." Dug dug. Shocks! Puso kooooo.

Wifey? Ako ba yun? Fudge.

Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko ng nasa harap ko na siya.

As in sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya.

Ang gwapo niya pala talaga lalo na pag malapitan. Tapos yung labi niya, ang pupula. Parang ang sarap halikan.

Agad akong napalunok sa naisip ko.

"You wanna kiss me huh?" He said in a husky voice.

Jusko. Nakita niya na ba yun? Nakakahiyaaaa.

Sasagot pa lang sana ako ng bigla niya kong hinalikan.

Nanigas ang katawan ko.

Parang may mga gumagalaw-galaw sa tiyan ko.

At higit sa lahat... kinikilig ako.

"I love you Wifey...." He said between our kisses.

"I love you too HUBBY." I sincerely said.

"But..." But what?

Napalayo ako bahagya sa kanya.

"But.. I want to show you how my world works first. S-sana matanggap mo ko." Hindi ko maintindihan yung sinabi niya pero isa lang ang alam ko, mahal ko na talaga siya at handa akong tanggapin kung ano at sino pa man siya.

I just kissed him. Again.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon