Chapter 45

159K 3.7K 116
                                    


Ang tagal naman ni Zach. :( Umalis kase siya. Kailangan niyang makausap yung mga Korean investors.

Hindi na niya ko sinama dahil delikado daw. Kaya pumayag na din ako dahil sabi niya babalik naman siya agad.

Kaso 6 hours na, wala pa ding Zach na bumabalik. Di ko pa ma-contact yung phone niya. Kairita tuloy lalo.

"Ka Tonyo, malapit lang po ba yung bayan dito?" Tanong ko sa kakapasok lang na matanda.

"Isang tricycle lang iha. May gusto ko bang kainin? Sabihin mo ng makabili ako."

"Opo sana. Pero ako na lang po ang bibili ha?" Gusto ko kaseng maglakad-lakad ngayon.

"Sasamahan na kita iha. Baka magalit sakin si Zachary pag nalaman niyang pinabayaan kitang umalis mag-isa." Tumango na lang ako.

Kawawa kaya siya kapag sinigawan siya ni Zach. Alam niyo naman yung asawa ko na yun, wagas pag nagalit.

Nagpalit ako ng dress na binili sakin ni Zach. Parang summer dress lang naman ito kaya hindi mo talaga mahahalata yung umbok ng tiyan ko. Tumaba nga lang daw kase ako diba? Hihi.

Nagdala ako ng maliit na bag dahil nilagay ko yung wallet at derringer dun sa loob. You know na, dapat palaging nag-iingat.

Nakarating kami agad sa bayan after 15 minutes.

"Anong gusto mo iha?"

"May kfc po ba dito?" Gusto ko ng mashed potato. :(

"Ay ano ba yun iha? Alam mo namang gulay at isda lang ang kinakain namin ng pamilya ko."

"May mall ho ba dito?"

"Ay meron. Doon madalas pumunta ang anak kong dalaga e. Tara dine." Inakay niya ko papunta sa maliit na mall.

Agad ko namang nakita ang KFC!! Yehey!

"Upo ho muna kayo dito. Oorder lang po ako."

"Sa labas na lang kaya ako iha? Aba'y nakakahiya sa mga tao dine o. Tignan mo ang mga suot nila." Naka-kupas na short at shirt lang kase siya.

Pero ano naman diba? Magbabayad naman kami at hindi magnanakaw.

"Wag niyo ho silang pansinin. Kunwari ho date na lang natin to. Namimiss ko na din ho kase ang tatay ko." Tumango ng nakakaintindi.

Naalala ko kase si daddy. Dati palagi niya kong dinadala sa mall. Papasyal kami nila mommy. Magpapakapagod sa pag-iikot tapos kakain sa fast-food restaurant. Nanunuod din kami ng sine kung saan bibilan niya ko ng cotton candy.

Namimiss ko na silang dalawa. :( Sana okay lang sila kung nasan man sila ngayon. And sana masaya sila dahil ang unica iha nila ay masayang-masaya. I'm contented with my life. I have a loving husband and soon to be a mother of three children. Wala na kong mahihiling pa.

"Hi Maam. Good Afternoon! May I take your order?" Masiglang bati ng crew.

"Hello. 2 2-pcs chicken. 2 mashed potato. 2 mushroom soup."

"For dine-in po maam?"

"Yes."

"How about drinks maam?"

"Eight o'clock. Regular."

"Any additional orders maam?"

"Ipagtake-out mo ko ng bucket of chicken. 2 tig 6-pcs. Then 6 na mashed potato and 6 na mushroom soup."

Ni-repeat niya yung order ko.

"2,389 po lahat maam." Nagbayad na ko agad.

"Pwede paki-serve na lang? Ayun yung table namin o." Tinuro ko sa kanya yung kinakaupuan ni Ka Tonyo. "Thanks!"

Nag-kwentuhan muna kami saglit ni Ka Tonyo. Nalaman ko na sa magulang pala ni Zach siya unang nagtrabaho. Dekada na ang tagal ng private resort na yun. Pero inalagaan at hindi pinabayaan ni Zach.

"Kay dami naman nito iha? Aba'y mauubos mo ba iyang lahat?" Nanlaki ang mata niya ng makita yung mga inorder ko.

"Para sa atin po ito. Tapos ito naman po, sa pamilya niya." Pinakita ko yung mga naka-plastic.

"Aba'y kayrai niyan iha. Matutuwa ang mga anak ko. Salamat ha. Kay bait mong bata."

"Wala ho yun. Tara kain na ho." Kumain na kaming dalawa. Nahihiya pa nga siya e. Pero sinabi ko na lang na masasayamg lang yun kung hindi naman niya kakainin.

Lalo kong naaalala si daddy tuloy. Yung bonding moments namin. Grabe busog na busog na kami ng nga anak ko. Si Zach kaya kumain na?

Waaaah! Speaking of Zach, nakalimutan ko na siyang itext o kaya tawagan.

Minadali kong hinanap yung cellphone to sa bag pero hindi ko makita naiwan ko pa ata sa bahay.

"May cellphone ho ba kayo?" Tanong ko sa kasama ko.

"Nako iha, hindi ako nagamit ng selepon. Diba ikaw ang meron?"

"Naiwan ko ho sa bahay eh. Hindi pa naman ho ako nakapag -paalam kay Zach. Siguradong galit na yun." Kinakabahan na ko. Alam niyo naman yung asawa ko kapag nagalit, nagiging leon.

"Mabuti pang umuwi na tayo." Bitbit ni Ka tonyo yung mga pinatake - out ko.

Papalabas na kami ng mall ng may lumapit samin na tatlong naka-uniform na police.

"Magandang hapon po kayo po ba si Mrs. Dawson?" Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba na hindi alam kung saan nanggaling.

"A-ako nga ho. B-bakit po?" Utal-utal na tanong ko dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari.

"Ikinalulungkot ko hong ibalita na ang asawa niyo hong si Mr. Zachary Dawson ay naaksidente. Nabangga ho yung sasakyan niya sa truck. Sasamahan ho namin kayo sa ospital na pinagdalhan sa kanga."

Wala na kong naintindihan sa mga sinasabi nila dahil ang tanging naririnig ko na lang ay ang mga hikbing nagmumula sakin.

lnakay nila ko papunta sa police car.

''Kamusta na po ba ang lagay ng asawa ko? Hindi naman malala yung nangyari sa kanya diba? Sabihin niyo naman sakin yung lagay niya mamang police oh." Sunod-sunod kong tanong pero parang wala silang nariririg.

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ko...

A/N: GUYS!! NAAKSIDENTE SI ZACH. :(( IYAAAAAK. HUHUHU.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon