Chapter 36

176K 4.6K 119
                                    


Pagkapasok na pagkapasok namin sa sa loob ng venue halata ang malaking pagbabago sa aura ni Zach. Balik siya sa pagiging masungit at nakakatakot. Pero hindi naman ako natatakot sa kanya okay? Kase alam ko naman sa loob ng nakakatakot na pigura niya ngayon ay ang malambot na puso niya. Tsaka hindi naman niya binibitawan yung kamay ko e.

Nakita ko din sila Kane at Val na nasa harap. Tinanguan nga nila kami e. Sila Blake at Val naman, sumaludo pa sa samin. Hindi kase sila pwedeng magpahalata na magkakakilala kami, kaya nga ganun na lang kami nila binati e.

Umupo kami sa right side na bandang gitna. Pabilog yung mga tables na good for 3 persons only. Magkahawak-kamay pa din kami ni Zach habang magkatabi kaming nakaupo.

Kahit kausap ko si Zach, halatang-halata pa rin sa kanyabang pagiging alert. Sinusuri niyang mabuti yung venue at mga taong nandito na. 5:30 na din kase kaya padami na ng padami ang mga tao.

Nakita kong napatigil sa pagsasalita si Zach at may tinitignan na isang partikular na tao. Kakapasok lang nung taong ito. May sampung bodyguard ata ang nakapalibot sa kanya. Siya na ba si Gary? Pero kung titignan mo hindi pa siya ganun katanda. Why not diba? Si Zach nga hindi pa mukhang 30 plus e.

"Is that him?" I suddenly asked. Of course I need to know our enemy.

Napakuyom ng kamao si Zach kaya agad ko itong hinawakan. As much as possible, ayoko siyang nagkakaganito. Pero alam kong masakit din sa kanya ang nangyari dati. Sobrang sakit sa isang bata ang mamatayan ng magulang lalo na sa mismong harap nito.

"Zach.. I love you.." Medyo lumambot naman na ang itsura niya. Hindi na kagaya kanina na parang galit na galit siya sa mundo.

"I'm just here okay? I love you." I whispered.

"I love you too wifey. Sorry.." I just smiled at him. He don't need to say sorry. That Gary does.

Nadivert ko din yung usapan namin kung saan-saan. Pero siyempre nahawa na ko kay Zach. Tuwing may dadating ngang guest, pinagmamasadan ko na din e. Tinanong ko kase sa kanya kanina kung bakit siya ganun. Ang sabi niya 'This is Mafia World wifey. Pwedeng may nakatutok na sayong baril ngayon. Next thing you know, patay ka na.' Kaya ayan. Nahawa na ko sa kanya. Feeling ko tuloy member na ko ng Mafia at siyemre sa Dawson ako kakampi. Hihi.

Biglang nag-dim na yung lights. Actually lights na lang sa stage ang natira.

"Good Evening ladies and gentleman." Bati ng isang emcee na kakapunta pa lang sa stage. "Welcome to the most awaited underground auction in the Philippines."

"Underground Zach? Edi walang permit to?" Bulong ko kay Zach

"Yeah." Tutok na tutok ang mata niya kay Gary.

"Eh pano pag hulihin tayo ng pulis? Baka biglang magkaroon ng raid. Huhu. Ayokong makulong Zach. Huhuhu."

Tumawa siya ng bahagya. Nagpapatawabba ko? "Silly. May lagay na ang mga pulis kaya hindi na sila manggugulo." Hinawi niya pa ang buhok ko.

Tumango na lang ako kahit na nag-aalala pa rin ako. Paano kung 2 pulis lang ang nabigyan? Andami kayang pulis na mabait. Kagaya ni Neil Perez. Kilala niyo yun? Gwapo at matinong pulis yin diba? Baka bigla niya kaming hulihin dito. Pero infairness, kung siya naman pala ang huhhli, why not diba? Willing pa kong magpapaposas. Hihi.

"Anong iniisip mo?"

"Si Neil Perez." Wala sa sariling sagot ko.

"WHAT? WHO IS HE?!" Syet. Galit na ang aking asawa. Bakit ko ba kase sinabi yun? Kung si Enrique Gil nga di niya kilala, si Neil Perez pa kaya? Huhuhuhu.

"Ah- ha? Anoo... Ahmm.. Ano.. si ano yun... yung.. Hahahahaha. Tignan mo hubby si Kane o may kaakbay ng babae.. Date niya ba yun?"

"WHO. IS. NEIL. PEREZ." Shocks. Hindi umubra yung pag-iiba ng topic ko. Huhuhu naman.

"Ha? Sino ba kase yun?" Innocent face kunwari.

"Ikaw nga yung nag-iisip sa kanya e." Galit pa din si Zach.

"Hubby start na yung auction o." Sakto kasing pinalabas na yung girls. Lima lang yung babae.

"As you can see ladies and gentleman, we only have 5 girls infront. Sad to say but the our star of the night is sick so she can't come tonight. But still we have 5 pretty and gorgeous ladies here!" Announce ng emcee.

Buti na kang lima na lang. Para wala si Zach. Mehehehe. Diba kase if anim yun, siya ang magbibid sa isa pa.

"Hubby... hanggang magkano ang pwede nilang i-bid sa bawat isa?" 2 billion lang diba? Kase 10 lang ang pinakuha ni Zach sa bank.

"Any amount." Eh?

"Pero 10 billion lang ang meron tayo diba?" Kung makapag-usap kami, akala mo 10 pesos lang e. Haha.

"I asked them to get another 20 billion yesterday." Nanlaki naman ang mata ko.

"What? Are crazy?! Uubusin mo ba ang pera mo?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Babalik din yun sakin Keisha." He said.

"Pero kahit na. Ang laki na nun Zach. Andami mo na sanang matutulungan sa ganun kalaking halaga." Paliwanag ko.

"I know. But trust me on this one. Okay?" Ano pa nga ba? I just nodded.

"Okay." Sabi ko na lang. Pero infairness, nawala na sa usapan namin si Neil Perez. Hihi.

"I love you hubby." Yumakap ako sa braso niya.

"I love you too wifey.." Yes! Nakalimutan na niya talaga. Bwahahahahaha. Buti na lang naiba ko na agad yung topic kanina. Bwahahahaha.

"But still, who is Neil Perez?!" Bulong pero nakakatakot na sabi niya.

WAAAAH!! NAALALA NIYA PA DIN?.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon