Epilouge

189K 3.9K 227
                                    

"I baptize you Premier Homme Dawson,
Angelique Dame Dawson,  and Amour Demavie Dawson, in the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit."

"Amen." Sabay-sabay na sabi naming lahat na nandito para sa binyag ng aming triplets.

Siyempre kumpleto ang buong pamilya at barkada namin ni Zach ngayong araw.

"Reception na tayo guys!" Sino pa nga ba ang pinakamaingay sa grupo? Siyempre si Kane.

Hiwa-hiwalay kaming lahat ng sasakyan papunta sa Robinson's Magnolia. Sa buffet 101 kase gaganapin ang reception ng binyag na mga anak namin.

Si Jl sa sasakyan ni Jade sumakay, samantalang si Pia kay Blake naman. Yung ibang mga bisita naman sa van nagsipagsakay. Si Val at Kane naman ang magda-drive nun.

At siyempre kaming lima ay sa kotse ni Zach sumakay.

Si hubby ang driver, ako ang nasa shot gun seat at ang mga babies namin ay nasa carrier na nakalagay sa backseat.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating namin kami sa mall.

Sinalubong kami ng mga guards and receptionist. Nasabi ko na bang pinasara ni Zachary tong buong mall?

Oo tama kayo ng nabasa. Inarkila po niya ang mall. Sabi nga niya, "It's for our babies naman." Kaya ako? Wala ng kontra-kontra pa.

"Good Afternoon Maam and Sir." Ngumiti lang ako sa guard na bumati.

"Tamang-tama po ang dating niyo maam, naayos na po namin ang lahat para sa reception."

"Pakiasikaso na lang ang mga bisita ha." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at nauna na sa paglalakad.

Nasa 250 guest kase ang ineexpect naming pumunta ngayong araw. Nag-eliminate pa kami kami diyan e. Kase nung una talaga nasa 1000 plus guest yung nasa listahan ni Zach.

Kinailangan ko pa siyang awayin nun para lang mabawasan yung mga gusto niyang imbitahan. Kala mo naman kase kung sino siyang pulitiko para mag-imbita diba? For Pete's sake binyag lang kaya ng mga anak namin to.

"Ay excuse me po Mr. And Mrs. Dawson, kailangan na po kayong pumunta sa stage. Para sa message niyo po." Nilapitan kami nung emcee na hinire namin for this event.

"Wifey ikaw na." He smiled at me.

"Parents nga diba?" I hissed.

"Okay-okay." Inabot niya kila Jl si Amour.

Si Amour kase ang pinakaiyakin sa kanilang lahat. Gusto palagi siyang buhat. Napakaswerte ko nga kay Zach e. Alam niyo ba na kapag madaling-araw na tapos umiyak yung nga anak namin, kahit pagod na pagod na siya sa trabaho siya pa rin mismo ang babangon para patahanin ang mga ito.

Yung dalawang anak naman sila ang tahimik. Madalas silang tulog kagaya na lang ngayon, nasa stroller lang silang. Iiyak lang yan kapag gutom o kaya ay nag-poop.

Inalalayan ako ni Zach papunta sa stage. Inabot naman sa kanya agad ang microphone.

"Good afternoon everyone. I just one to thank all of you for coming today. I know you guys have a busy schedule but still you clear this day to welcome my son and 2 daughters in this wonderful world. Again, thank you again." Inabot naman ni Zach yung microphone after niyang magsalita.

"Maraming salamat po ulit sa nga pumunta ngayon. Sa mga ninong at ninang ng aking babies, please lang wag niyo kaming pagtaguan tuwing birthdays nila at tuwing pasko." Agad naman silanh nagtawanan sa sinabi ko. "Again, thank you ulit. Enjoy your food!"

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon