Chapter 54

150K 4K 201
                                    

Jade's POV

Simula nung araw na yun, para kaming naputulan ng kamay at paa.

Wala ka ng makausap ng matino sa aming lahat.

Para kaming bumagsak.

Nawalan kami ng kaibigan..

Nawalan kami ng tumatayong kuya..

Nawalan kami ng sandalan..

Nawalan kami ng leader..

Nawalan kami ng bossing..

At higit sa lahat nawalan ng asawa si Ms. Keisha.

Simula nung araw na yun, ang laki na ng pinagbago ni Ms. Keisha.

Hindi mo na siya nakakausap ng maayos.

Hindi na siya yung jolly na babaeng nakilala namin.

Palagi na lang siyang tahimik.

Palaging umiiyak.

Palaging malungkot.

Wala na yung bakas na dating Keisha sa kanya.

Madalas nga ayaw pa niyang kumain pero palagi namin siyang pinipilit dahil kawawa ang mga batang nasa tiyan niya.

Madalas din siyang tulala.

Palagi siyang may iniisip na hindi namin alam kung ano.

"Jade. Tawagin mo silang lahat." Malamig na sabi niya sakin.

"Yes maam!" Sumalado pa ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya.

Umupo na ulit siya sa mini-conference table na nandito sa kwarto.

Dati kapag sumasaludo ako sa kanya, nginingitian niya ako pero ngayon wala.

Nakakamiss din pala ang dating Keisha.

Saktong namang paglabas ko nakita ko si Blake at Kane na magkasama. "Sakto tawag tayo ni Miss."

"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Kane.

"Hindi ko alam e. Asan sila?" Tukoy ko kay Val at Val.

"Paakyat na din yun. Galing sila sa cafeteria." Tumango na lang ako at bumalik na sa loob.

"Anong meron?" Tanong ni Kane habang paupo na sa right side na chair ni Miss.

"Nasan sila?" Tanong niya imbis sagutin si Kane.

"Paakyat-" Biglang naman bumukas ang pintuan. "Oh andiyan na pala sila."

Tumayo si Miss Keisha at may kinuha sa bag niya.

May nilabas siyang isang picture frame. "Ito ang ninong ko."

Nagkatinginan kaming lima. Nasa picture na yun ang taong pinakawalan niya noong araw na pinagbabaril si bossing.

"Siya nagpapatay sa mga magulang ko. Sa mga magulang ni Zach.."

"At siya rin ang gumawa nun kay bossing." May galit sa pagkakasabi ni Kane.

Hindi ko siya masisisisi. Kababata niya si bossing kaya alam kong sobra rin siyang naapektuhan sa nangyare.

"Oo. Siya ang gumawa nun sa asawa ko." Galit at malamig na sabi niya.

"Anong gusto mo? Banatan na natin sila?" Galit din si Blake.

Kahit ako naman e.

"HINDI."

"Pero Keisha. Alam mo naman yung ginawa nila!" Nagtaas na ng boses si Kane. First time to. Puro lang kase biro yang si Kane. Minsan lang siya magseryoso.

"Alam ko yun Kane. Ako. Ako ang papatay sa kanya."

"Pero Keisha-"

"That's final." May diin na sa pagkakasabi niya kaya wala ng nagtangka pang kumontra samin.

Para rin talaga siyang si bossing pag nagsalita e. May awtoridad.

"Jade. Diba minsan ng naiwan sayo yung kompanya?" Tumango ako.

Minsan na kong namahala ng Dawson company nung may inasikaso siya sa ibang bansa.

Ako kase ang nagtapos ng Business Management sa aming lima. Sila naman sa ibang field.

Kaya wag niyo kaming minamaliit, dahil kahit ganito kami meron kaming naipagmamalaking educational background.

"Ikaw muna ang bahala sa company habang hindi ko pa maasikaso."

"Areglado Miss."

Bumaling siya sa katabi ko. "Ikaw naman Blake, gusto kong palibutan mo yung opisina at bahay nila Levi ng cctv cameras. Kung kakayanin, lagyan mo siya ng voice chip sa katawan."

Yung voice chip namin ay isang maliit na device. Para lang siyang nunal sa liit. Hindi yun naalis ng kusa kahit pa maligo ka.

Kailangan kusa siyang aalis talaga kase para siyang may lock.

"Ako bahala Miss Keisha."

"Val at Chris ihanda niyo ang mga armas natin. Kakailanganin natin ng mga bullet-roof gear at sasakyan."

"Kane. Manmanan mo si Gary Lincon." Nagulat kaming lahat.

"Alam mo na?"

"Oo. Wala namang kayong maitatago sakin. At alam ko din na magkakampi na silang dalawa ngayon."

Nalilito ba kayo? Nakawala kase samin si Gary Lincon.

Nung araw na kinidnap nila si Miss Keisha, doon nilusob ng mga tauhan ni Levi ang hide-out namin.

Walang nakatunog samin kahit na si bossing dahil busy kaming lahat sa paghahanap kay Miss.

"Sige na. You may now leave. Ako ng bahala dito."

Nagsitayuan na kaming lahat para gawin ang aming mga assignment.

Nakaka-miss.

Dati rati si bossing nag nagpapatawag ng meeting.

Si bossing ang nagpaplano..

Si bossing ang nag-uutos ng nga dapat naming gawin.

Si bossing na kinakatakutan namin ng sobra..

Si bossing na bumunot pa lang ng baril, nangangatog na ang tuhod namin.

Si bossing na titigan ka pa lang manginginig ka na sa takot.

Si bossing na kasa-kasama lang namin dati.

Mas okay na pala yung dati.

Kahit takot kami sa kanya, at least kasama namin siya.

Hindi yung kagaya nito, wala siya.

Kulang kami.

Kulang kami dahil wala ang Mafia Boss.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon