Chapter 3

243K 7.7K 776
                                    

Dawson

"Boss may nag-iwan nito sa labas." Iniabot sakin ni Blake ang isang envelope.

Siya si Blake. Isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan.

Binuklat ko ang envelope.

3 days ka na lang na Mafia Boss? Enjoy!

Naikuyom ko ang palad ko.

Tama ang nabasa niyo.

I am the Mafia Boss.

For you to become a Mafia boss, you need to be rich and powerful.

Kaya ginawa ko ang lahat maging pinakamayaman lang.

Nagpalakas ako ng sobra-sobra ng sa ganun ay mapunta sa akin ang posisyon na ito.

Pero nanganganib na mawala sakin yung kapangyarihan na yun dahil sa isang kondisyon.

Kailangan bago mag-30 years old ang isang mafia boss, may asawa na ito.

At take note, 3 days na lang bago ako mag-birthday!

Napahawak ako sa sentido ko. Saan ba ko kukuha ng babaeng papakasalan?

"Alam mo kase boss kung sumasama ka sa mga lakad namin sa club eh di sana may asawa ka na ngayon." Singit bigla ni Kane.

Agad ko siyang tinignan ng masama.

"Nag-susuggest lang naman ako boss noh. Imagine kase nadaming magkakagusto sayo-" Tumigil siya sa pagsasalita ng ikinasa ko na ang baril ko.

"Joke lang boss e." Itinutok ko na ang baril ko sa kanya kaya nagtatakbo na siya palabas ng opisina ko.

KRING (Kunwari tunog yan ng telephone okay??)

"Sir. May tawag po sa inyo. Ms. Monet daw po. Nasa line 2 po siya."

Ms. Monet?

"Okay thanks."

Agad kong nilipat sa line 2 ang telephone.

"Yes?" Masungit na bati ko.

"M-mr. Dawson.. This is Keisha Monet. P-pwede mo ba kong sunduin?" Is she crying? Why?

Agad niyang sinabi sakin yung address and I told her na susunduin ko siya.

Bakit ganito? Parang gustong-gusto kong siyang mapuntahan agad especially nung narinig kong umiiyak siya.

Nagmamadali na kong lumabas para puntahan yung sinabi niyang address.

Ramdam kong nakasunod sakin ang aking mga tauhan. Akala siguro nila emergency to.

Buti na lang medyo malapit lang yung subdivision na yun kaya madali kong napuntahan.

Hinanap ko agad yung bahay na sinabi niya at doon nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kalsada at iyak ng iyak.

Parang may hunplos sa puso ko nung nakita ko siya sa ganung itsura.

Nagmadali nakong bumaba.

Nilapitan ko siya at niyakap? Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya ng mahigpit.

Ayoko lang siguro talagang nakakakita ng babaeng umiiyak kaya ganito ako.

"Mr. D-dawson. Pumapayag nako sa offer mo. I-i'll marry you." Yan ang sabi niya bago tuluyang himatayin.










SHORT UPDATE. SORRY! :) I'LL UPDATE AGAIN LATER. HIHI.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon