Chapter 10

259K 6.7K 416
                                    


Nagising akong kumakalam ang sikmura ko. Hindi kaya ako kumain nung pork sinigang kagabi. Si Zachary kase e. Pa-important much. Halos buong gabi lang naman kase niyang ginulo ang isip at puso. Amsabe?! Basta feeling ko kase talaga nagkakagusto na ko sa kanya e.

Teka nga makakain na muna.

Habang pababa ako ng hagdan, rinig na rinig ko yung boses ng mga nag-uusap. Teka lang ulit. Andiyan kaya si Zach? Hindi ko alam kung paano haharap sa kanya.

Alam ko na. Magtatago muna ko para mapakinggan ko yung pinag-uusapan nila. Hihi.

"Tuloy daw ba tayo mamaya sabi ni boss?"

"Wala pang sinasabi e."

"Malamang sa malamang tuloy tayo. May inurungan na ba si boss na laban?" Anong laban?

"Tsaka weak naman yung mga makakalaban natin sa basketball pag nagkataon no."

"Madali lang natin silang matatalo."

"Oo naman. Ang galing kaya natin. Lalo na si boss. MVP yun diba?"

Basketball? Si Zachary naglalaro? At MVP pa?!

"Oo kaso hindi na siya nakakapag-laro diba?"

"MAGLALARO KAYO NG BASKETBALL?!" Excited na tanong ko. Muntik na nga akobg mahulog buti na lang nakakapit pako sa handle.

"Oh Keisha. Gising ka na pala." Bati ni Kane.

"Obvious ba?" Nagtawanan sila. Actually pinagtawanan nila si Kane. Hihi. "Oh ano nga maglalaro ba kayo?"

"Hindi pa namin sigurado Miss Keisha. Pero for sure papayag naman si boss e." Val.

"Can I come?" May naisip kase ako e. Diba sabi sa isang step, be supportive? Pwede na to! :)

A husband expects wife's support and understanding especially in times of troubles. A good wife loves her hubby through his successes and failures and provides reassurance when he's feeling down. She is a nurturer and an equal partner in the marriage. Support your husband in all stages of his career and life. Do not belittle your man or hurt his ego. It is often heard saying that 'a wife can make a man or break a man'. There's no quicker way to build resentment in your man than to criticize him or belittle him especially in front of others. Be proud of him on his accomplishments and genuinely complement him. If you do this you can expect your husband to behave with you in the same manner and also respect you more for your support and thoughtfulness. When you don't agree with him respectfully let him know you don't agree.

"Nako Miss Keisha baka magalit samin si bossing e." Sabi ni Chris.

"Sige na please." I plead.

"Wag na Miss Keisha. Ayaw ko pang mamatay. Kawawa naman yung mga babaeng iiyak para sa kagwapuhan ko no." Blake. May kahanginan din pala tong nilalang na to. Psh.

"Dito ka na lang Keisha. Wala ka namang gagawin dun e." Please Kane. Huhu.

"I'll just support him lang naman. If you want di ako magpapakita, dun lang ako sa may sulok manunuod. Please. Please." Pagmamakaawa ko kay Kane. Mas malapit siya kay Zachary so baka hindi siya super takot dun.

"Keisha dito ka na lang." Pamimilit ni Kane.

"Dali na Kane. Ngayon lang ako nag-favor sayo ah." Papayag na yan. Please. Please.

"Hays. Basta wag kang magpapakita kay Zach ha. Dun ka sasabay sa sasakyan ko tapos mauuna kong bumaba, sumunod ka na lang. Pag uwian naman na mauna ka na sa car tutal na sayo naman yung susi. Okay?"

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon