1

17K 369 17
                                    

Read at your own risk po. Medyo dark romance to kaya baka may mag-report. Baka mamaya sabihin nyo na naman na rape enabler ako hindi mabuting ehemplo tapos i-mass report ninyo ako na hindi naman kayo inaano. Isa pa, di kayo nakakatuwa yung nangre-report. Promise! Ano ba ipinaglalaban nyo sa pag-report kung writer din kayo? Parang di naghirap sa pagsulat at update e.

Inspired to ng kalibugan ko. Kung may napanood man akong movie na ganito, siguro 50 shades of grey lang. The rest, wala na. So original tong eksena o nagkataon na magkapareho at hindi kinopya.

Di na bale kung mangopya kayo ng style o call sign o ano man diyan. Alam nyo naman sa sarili ninyong di talaga yan sa inyo. Hahahahaha.



















Unedited ..



"Morning!" malambing na bati ng babae habang nakayakap sa binata.

Nagmulat ng mga mata ang binata.

"Nandito ka pa pala," malamig na tugon niya saka bumangon at kinuha ang towel saka ipinulupot sa bewang.

"Ayaw mo ba akong makasama?"

"Makakaalis ka na," malamig na tugon ng binata kaya napanganga ang babae.

"Seriously?"

"Yes."

"Akala ko ba—"

"Hindi na kita kailangan."

"What?"

"Nilinaw ko na sa 'yo na isang gabi lang kita kailangan."

"A—Am I not good enough?" natarantang tanong ng babae. Matagal na niyang gusto ang binata at nang magkaroon ng pagkakataon na mapansin nito ay hindi na siya nagdalawang-isip kaya pumayag na agad siya.

"I'm sorry but that is my rule!" sagot ng binata at kumuha ng isang sigarilyo at sinindihan gamit ang mamahaling lighter. "We have a deal!"

"Reon—"

"I'm sorry pero makakalabas ka na."

"Pero—"

"Or tatawag ako ng guwardya?"

"Okay, fine!" pagsuko ng dalaga habang nakataas ang dalawang mga kamay. Kinuha niya ang mga damit sa couch at dali-daling nagbihis. "If you need me, alam mo ang contact number ko."

"Kay," tipid na sagot ng binata.

"Ipapa-transfer ko ang pera sa bank account mo."

"Hindi na kailangan!" tanggi ng dalaga.

"It's a plain business," sagot ni Reon. "Whether you like it or not, makakatanggap ka ng fifty thousand mula sa akin. I'll call my finance secretary at mamaya, nasa account mo na ang pera."

"Alam mong hindi pera ang habol ko sa 'yo, Reon!"

"Iyon ang gusto ko!" sagot ng binata. "Makakalabas ka na."

Medyo inis na lumabas ang babae. Pagkalabas na pagkalabas nito, ininspeksyon siya ng dalawang lalaki kung may dalang camera o iba pang gamit.

Dinampot ni Reon ang kape sa bedside table at dumungaw sa bintana saka pinagmasdan ang matataas na building na kapantay nitong fivestar hotel niya.

Ganoon lang kadali kumuha ng babae lalo na kapag may pera ka. No strings attached, 'ika nga. At kapag magsawa siya, agad niyang pinapalitan pero dapat gusto ng babae ang gagawin nila na pure sex lang. Binibigyan din niya ng pera ang mga ito pagkatapos, depende sa serbisyo nila sa kama niya.

Napalingon siya sa king sized bed. Ilang babae na ang nakaulayaw niya rito at pagkatapos niyang makaniig, agad niyang pinapalitan ang beddings pero nanatiling kulay itim ang lahat ng gamit.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now