10

7.9K 295 18
                                    

Unedited...




"Just because you are successful in life doesn't mean na iyon na ang itatanim mo sa isip ng anak mo at ng bagong henerasyon. No! For me, mahalaga pa rin ang edukasyon. Tama naman na  sipag at tiyaga talaga pero iba pa rin kapag may pinag-aralan tayo at pangarap sa buhay. Iba pa rin na lumaki ang kabataan na mulat sa edukasyon. Hindi naman tayo pare-pareho  ng kapalaran at kapasidad pagdating sa trabaho kaya nga nandiyan ang edukasyon para makapili tayo ng gusto nating gawin sa buhay. Hindi lahat ay gusto maging guro o doctor. Hindi lahat ng masipag ay gustong maging magsasaka, ang gustong maging abogado o pulis. So for me, hindi lang sipag o tiyaga kundi pangarap ang pinag-uusapan dito. For example, tingnan natin ang mga Lacson o Villafuerte. Kung tutuusin, pwedeng hindi na sila mag-aral. Mag-manage na lang sila ng business nila dahil kahit mag-anak pa 'yan sila nang mag-anak, hindi mauubos ang yaman nila dahil sa negosyo but look at them! They valued education kasi maliban sa pera, may gusto pa rin silang makamit at gustong abutin sa buhay. Iba pa rin na mayroon tayong knowledge," pahabang paliwanag ni Reon sa nag-iinterview sa kanya.

"Any message sa kabataang gustong maging bilyonaryo kagaya mo?"

Bahagyang natawa si Reon perp sinagot naman ang tanong. "Sa business, hindi tama yung trust no one. At the end of the day, kailangan pa rin natin ng tunay at tapat na kaibigan para mag-build ng empire. I am nothing kung wala ang mga pinagkatiwalaan ko. Let's just say na let's give trust sa mga taong hindi tayo iniiwan kahit na walang-wala na tayo. Iyong wala ka nang pag-asa at tiwala kahit sa sarili mo but they lift you up!  Sila talaga ang mga taong totoong mapagkatiwalaan mo."

"Pero bali-balita namin na may trust issue ka raw?" follow-up question nito.

"Yes. Pero alam at kilala ko ang mga pinagkatiwalaan ko. Sa business, kailangan nating magtiwala sa business partner natin at sa kakayahan ng empleyado kasi sila ang bumubuhay sa kompanya but of course, kailangan salain ang pagkakatiwalaan," sagot niya.

Nagpasalamat ang vlogger at tinapos ang interview.

"Wow! Thank you!" pasalamat ni Monica nang malapitan siya.

"For what?"

"Sa pagpaunlak ng interview sa pinsan ko," masayang sabi ni Monica.

"Wala pa ngang thirty minutes so it's okay," sagot niya. Ininvite sila nitong vlogger na mag-lunch pero isasama sa vlog nito at after ng lunch ay pumayag na magpa-interview si Reon.

"Bibigyan na lang kita ng part mo kapag kumita na sa youtube ang video," sabi ni Luren na pinsan ni Monica.

"Wag na. I-donate mo na lang 'yan sa charity mo," sabi ni Reon.

"Wee? di nga."

"Oo naman. Di ba tumutulong ka sa mga katutubo?"

"Wow! Alam mo?"

"Minsan nakikita ko sa videos mo," sagot ni Reon. Wala naman siyang masamang loob sa pinsan ni Monica dahil ang bait nito at binabalik sa nangangailangan.

"Ayieee. thank you!" pasalamat ni Luren. "Bait mo talaga."

"So? uwi ka na?" tanong ni Monica.

"May gagawin pa ako sa office mamaya," sagot niya.

"Sama na ako," ani Monica. "Wala naman akong gagawin. Isa pa, gusto kong makita ang office mo."

"Okay," sagot ni Reon at nagpaalam na sa mga kasama ni Luren.

Nang lumabas sila, si Marvin ang driver na nag-aabang sa kanila.

"Kumain ka na?" tanong ni Reon habang binabaybay nila ang daan patungo sa office nito.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now