23

6.2K 300 48
                                    











Unedited...






"Preeeeend!" malakas na tili ni Petra nang makasalubong siya. "Uy, anong nangyari sa 'yo?"

"Hi," bati niya.

"Ano ang nangyari? Okay ka lang? Nagulat kami nang pumasok sina Kuya at kinuha ang mga gamit mo tapos kinabukasan may bago na kaming dormmate. Akala namin na-kidnap ka na."

"Hindi ah. Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam. Masyado kasing mabilis ang pangyayari," paumanhin niya.

"Handa akong makinig."

"May pasok ka pa."

"Minor subject, pwedeng i-skip," sabi ni Petra at kumindat sa kanya.

"Mamaya na tayo mag-usap after ng klase mo."

"Hay nako. Andiyan na naman tayo. I'm sure iiwan mo na naman ako. Palagi na lang sa susunod, sa susunod!" pagtatampo niya.

"Mamaya na talaga. Punta ka na rin sa bago kong tinutuluyan," sabi niya.

"Wee? Sure na ba yan? Baka mamaya di na naman kita mahagilap."

"Oo nga."

"Sige, sige. Gusto ko 'yan," ani Petra. "Balik na ako. Basta text o chat mo ako ha."

"Sure."

Alam niyang hindi naman lahat ng oras ay maitago niya iyon kay Petra.

Naglakad siya patungo sa classroom at nang pumasok ay dumiretso siya sa pwesto niya saka nagbasa. Alam niyang nanlilisik ang mga mata nina Trina sa kanya pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang samahan ang mga ito hanggang sa makapagtapos siya.

"Hi," bati ni Jeric nang lumapit sa kanya. "I saw you kanina sa DFA. Gusto sana kitang pasakayin kaso kasama ko sina Mommy."

"Kumuha ako ng passport."

"Ah. Mag-a-abroad ka na?"

"Hindi a. Just in case lang."

"Kung sabagay, kailangan mo talaga 'yan lalo na kung kulang ka sa valid ID."

"Kaya nga e. Pinakuha niya ako kaya wala naman akong magawa."

"Ah," ani Jeric at tumango-tango. "Baka mag-out of the country kayo this Christmas."

"Malabo. Uuwi ako sa amin," sabi ni Zia.

"Pinakuha ka niya kaya may balak siyang isama ka sa ibang bansa."

"Para ano?"

"Vacation?" patanong na sagot ni Jeric. "Or business trip."

"Marami namang babae riyan."

"You're his favorite."

"Malabo."

"Kinausap niya ako," ani Jeric kaya napatingin siya rito. "Lastweek ata."

"A—Anong sabi niya?"

"Layuan kita."

Nanlaki ang mga mata ni Zia.

"Bakit naman niya sinabi iyon?"

"I don't know," ani Jeric at ngumisi. "Karibal na ang tingin niya sa akin."

"Karibal? Saan?"

"Sa 'yo."

"Tigilan mo ako, Jeric!"

"Who knows?" ani Jeric. "Love is blind. Love is fair ano man ang katayuan mo sa buhay."

"Ayaw lang niyang may kaagaw sa laruan niya," ani Zia.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now