17

6.7K 272 30
                                    





Unedited...











"Wow!" naibulalas niya nang paglapag ay puti at pinong buhangin ang sumalubong sa mga paa niya. Firstime niyang sumakay sa chopper kaya medyo may jetlag pa siya.

"Welcome to Amanpulo," bulong ni Reon na nasa likuran ng dalaga.

"Ito ang Amanpulo?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga at iginala ang mga mata sa paligid.

"Yes. Do you like it?"

"Ang ganda!" manghang sabi niya.

"Let's go?" tanong ni Reon at hinawakan siya sa bewang habang naglalakad. Naka-beach shorts at white plain tshirt ang binata saka tsinelas pero kung titingnan para itong modelo na may shooting sa karagatan. Dagdagan pa ng mamahaling shades tapos may dalawang bodyguards na nakabuntot sa kanila.

Nakailang lakad lang sila nang bumungad ang resthouse na may private loungers sa tabi ng swimming pool.

"Breakfast muna tayo tapos ipapasyal kita," sabi ni Reon at inakay si Zia papasok sa resthouse. Gawa sa kahoy ang kabuoan ng bahay at marmol naman ang sahig kaya malamig ang buong paligid at maaliwas sa mga mata. Ang round table ay gawa sa narra at ang mga upuan ay gawa sa rattan.

Nang matapos kumain, lumabas sila sa resthouse para mag-ikot. Ilang metro lang ang layo ng resthouse na tinutuluyan nila sa dalampasigan. Unang pinuntahan nila ang clubhouse. Merong boutique, restaurant at bar pero dahil kumain na sila, nag-ikot-ikot lang sila.

"Ang lawak ng library nila," sabi ni Zia na puno ng libro. Napadpad siya sa art gallery na punonng local arts at nga gamit sa bahay pero halos lahat ay gawa sa kahoy.

"May gusto kang bilhin?" tanong ni Reon nang pumasok sila sa boutique.

"Wala. Okay na ako," sagot niya.

"Come here," ani Reon saka dinala siya sa jewelry area. "Ang gaganda ng jewelries, no?"

"Oo. Kaso medyo lumayo tayo, baka makabasag ako," sabi ni Zia kaya natawa ang binata at hinila siya palapit sa jewelry na nasa center. Tinawag niya ang nagbabantay at tinanong ito tungkol sa kwentas.

"Black pearl ho 'yan, sir. Ngayong araw lang 'to nilabas at nag-iisa lang 'to."

"Gawa sa ano 'to?"

"Maliliit na black pearl ho, 11 millimeter ang laki tapos white gold with diamond ang pendant niyang pabilog," nakangiting sabi ng babae.

"Okay, kukunin ko," sabi ni Reon kaya napasulyap si Zia sa presyo, 800k.

"Sige ho, sir," magalang na sabi ng babae.

"Eight hundred thousand 'yan. Sure kang bibilhin mo?" tanong ng dalaga dahil baka akala ni Reon, 8k lang.

"Yes, ayaw mo?" tanong ni Reon.

"Ikaw naman ang bibili eh," sabi ni Zia dahil baka ibigay nito sa ina bilang pasalubong.

Nang mailagay ng babae sa jewelry box, lumabas na silang dalawa at gumala pa hanggang sa niyaya siya ni Reon na maligo.

"May swimsuit ka?" tanong ni Reon.

"Wala. Di mo naman sinabi na dito tayo pupunta," sagot niya. Iilan lang ang nakakasalubong nila at ang isa ay nakilala niyang dating nanalo sa Miss Universe kasama ang afam nitong jowa.

"Makatingin ka sa kanya para kang naglalaway," ani Reon.

"Hindi lang ako makapaniwala. Ang seksi talaga niya sa personal!" manghang sabi niya.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now