51

5.5K 290 79
                                    

Unedited...

"Hindi niya alam ang pinagsasabi niya!" madiing sabi ni Reon sa ina.

"Kung ganyan ka, Reon, iuwi mo na si Zia sa pamilya niya!"

"What?" Tumaas ang boses ni Reon at hindi makapaniwalang nakatingin sa ina. "Akala ko gusto mo si Zia."

"Hindi porket gusto ko siya ay magiging katulad mo ako. Alam ko ang pakiramdam na nakukulong, Reon! Huwag kang gumaya sa ama mo!"

"I am not!" madiing tanggi ni Reon. "Sino ba ang pinaniniwalaan mo?"

"Wala akong pinapanigan but if you keep on hurting her, better na iwan mo na siya kaysa sa araw-araw mo siyang saktan!"

"You know nothing," ani Reon sabay iling. "Uuwi na kami."

"Huwag mo akong piliting manghimasok sa relasyon ninyo, Reon! Anak kita pero babae rin ako!" pagbabanta ni Marion pero hindi na siya nilingon ni Reon.

"Oh?" ani Zia nang lapitan niya.

"Let's go."

"Hindi ka ba makipag-usap sa pamilya mo?"

"Pagod ako at may exam ka pa bukas."

Hinawakan niya si Zia at lumabas sila saka sumakay.

Nagmaneho si Marvin pauwi sa condo pero walang ni isang nagsalita sa kanilang tatlo. Alam ni Marvin na isinumbong sya ni Marion kay Reon kaya inihanda na niya ang sariling mapaalis sa trabaho.

Pagdating sa condo, nagpalit ng damit si Reon at naglublob sa bathtub habang si Zia ay nag-aral pero nang inaantok na ay sinilip niya si Reon.

"Hindi ka pa ba matutulog? Ilang oras ka na riyan ah," tanong ng dalaga sa binatang umiinom ng wine.

"Mauna ka na."

"May problema ka ba?" tanong ni Zia dahil mula nang makipag-usap ito sa ina ay naging matamlay na.

"Marami pero ayaw kong pag-usapan."

"Ikaw ang bahala," ani Zia. Isasarado na niya sana ang pinto pero napatingin si Reon sa kanya.

"Kung ang iniisip mo ay ang naabutan mo sa hotel noong isang araw kasama si Anica, sana i-consider mo na natulog lang kami," ani Reon.

"Ayaw kong pag-usapan!"

"Ayaw mong pag-usapan pero pareho na tayong nahihirapan, Zia!" giit ni Reon saka inubos ang laman ng kupeta.

"May nangyari sa inyo habang tayo kaya ano pa ba ang dapat kong isipin? May magagawa ba ako kasi nangyari na? Gusto kitang iwan! Gusto kong lumayo sa 'yo pero wala akong kalayaan!"

"Iiwan mo ako dahil doon lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Reon.

"Lang?" ulit ni Zia na tumaas ata lahat ng dugo sa ulo niya. "Reon, kahit kailan hindi tama at hindi ko mapapatawad ang pakikipagtalik mo sa iba habang tayo pa! Kung gusto mong makipagkantutan sa iba, maghiwalay tayo! Hindi ako ipinanganak ng magulang ko para paulit-ulit na saktan mo!"

"Yan ang gusto ko sa 'yo," ani Reon saka tumayo kaya lumantad sa mga mata ni Zia anh hubad nitong katawan. "May paninindigan pero minsan wala sa lugar."

"Saan ba dapat ilugar?" gigil na tanong ni Zia. "Di pa I love you, I love you ka pa, manloloko ka lang pala!" Iniwas niya ang mga mata para hindi mapadako sa katawan ni Reon. Ilang beses na niyang nakitang nakahubad ito at hindi na rin niya mabilang ang pagtatalik nito pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya sanay. Kapag maghubad si Reon, parang ngayon lang sya nakakita ng lalaking hubad. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil nag-aaway pa sila at may ibang pinag-uusapan.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now