50

5.9K 317 65
                                    






Unedited..




"May dinner kami ng pamilya ko mamayang gabi."

Nasa biyahe na sila papuntang paaralan pero ngayon lang nag-usap.

"Okay, enjoy."

"Sasama ka," ani Reon kaya napatingin si Zia sa kanya. "Doon na tayo mag-dinner."

"May exam ako bukas."

"So hindi ka sasama?" napansin niya ang pag-iba ng mukha ni Reon. Wrong timing naman kasi ito.

"Uuwi na lang ako nang maaga, magpapahatid na lang ako kay Kuya Marvin after ng dinner."

"Kung hindi mo kaya, huwag na lang, 'di naman ganoon ka importante dahil biglaang invite naman 'yon," ani Reon. Mauunawaan naman sila ng kanyang ina kapag alam nitong may exam si Zia. Ayaw naman niyang makaabala sa kasintahan dahil alam niyang masyadong tutok ito sa pag-aaral ngayon. Kagabi nga, alas dose na ito nang makatulog at maaga pang magising para mag-review.

"Pupunta na nga ako, 'di ba?" ani Zia. Nakakahiya naman na tumanggi dahil baka isipin ni Reon, nag-iinarte na naman siya.

"Okay lang, Zia. Hindi naman ganoon ka halag—"

"Pupunta na nga, Reon!" ani Zia na naiinis na. Sya na naman ang lalabas na masama kapag hindi siya sasama.

"Zia, ayaw kong maaabala sa 'yo. Isa pa, marami pa namang time para sa dinner."

"Please, ayaw ko nang makipagtalo pa, Reon. Pupunta na tayo. Mag-aaral na lang ako sa library bago tayo pumunta roon dahil early pa naman ang uwian namin ngayon."

"Zia, hindi na kailangan dahil—"

"Pupunta tayo, period!" giit ni Zia na may kasamang gigil kaya napasulyap si Marvin sa kanila sa backseat.

"Fine," tanging nasabi ni Reon. Uuwi na lang sila nang maaga.

"Sunduin ka ni Marvin mamaya tapos sa bahay na tayo magkikita," ani Reon dahil marami syang proyektong napabayaan nitong week dahil sa naging issue nila ni Anica sa social media.

"Bakit?"

"May negosyo lang akong aasikasuhin," sagot Reon.

"Mag-chat ka na lang kapag pauwi na kayo ni Marvin," bilin ni Reon at napatingin kay Zia na nasa labas nakatingin. "Or kahit wag na," pagbawi niya dahil alam niyang hindi naman iyon gagawin ni Zia.

"Dito na lang po ako bababa," ani Zia kay Marvin nang makita si Petra na papasok sa gate.

Ipinarada ni Marvin ang sasakyan.

"Zia!" tawag ni Reon nang binuksan ni Zia ang sasakyan.

"Hmm?" lumingon si Zia sa binata at hinintay ang sasabihin nito.

"Wala. Ingat ka," bilin ni Reon at napabuntonghininga.

"Okay," ani Zia at lumabas na saka hinabol si Petra.

"Petra!" tawag niya.

"Uy, Zia!" natutuwang sabi ni Petra at niyakap siya. "Kumusta?" bulong niya. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?"

"Okay lang ako," sagot ni Zia at ngumiti. "Salamat. Pasabi sa kasama natin na pasensya na sa nangyari."

"Wala iyon. Mas nag-aalala kami. Yung takot namin, grabe. Pero hindi ka ba sinaktan?"

"Hindi naman," sagot ni Zia na naalala ang nangyari matapos siyang mawalan ng malay. Nakaposas sya sa kama at matindi ang parusa ni Reon sa kanya sa kama, hindi sa paarang mapanakit.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now