42

5.8K 289 32
                                    










Unedited...









"Saan ka galing?" tanong ni Reon dahil nakaidlip siya at wala na sa condo si Zia. Tinatawagan niya pero hindi nito sinasagot ang tawag.

"Sa baba, kumuha lang ng mga fresh gulay na padala ni Tiya Maricar," masiglang sagot ng dalaga dahil gusto niyang magluto ng laswa o bulanglang.

"Sino ang nagdala?"

"Si Chester. Idinaan niya rito kanina."

"Bakit hindi ka nagpaalam?"

"Mahimbing ho ang tulog mo," ani Zia at tumungo sa kusina para ihanda ang lulutuin.

"Tinawagan kita."

"Tumawag ka ba? Naiwan ko ang cellphone ko sa kama," sagot ni Zia. "Mas masarap kapag lagyan natin ng isda no? Iprito ko muna ang galunggong tapos lagyan ng gulay."

"Bahala ka," sagot ng binata at pumasok sa kwarto. Nakita niya ang cellphone ni Zia na nakapatong sa bedside table kaya dinampot niya ito at tiningnan. Naka-silent ito kaya napunta siya sa Gallery. Wala namang gaanong kuha si Zia kundi mga sa kaklase lang niya kaya muli niyang ibinalik ang cellphone sa table.

"Reon."

"Fuck!" pagmumura niya nang magsalita si Zia sa kanyang likuran.

"Oh? Sorry na. Nagulat ba kita?" natatawang tanong niya dahil hindi maipinta ang mukha ng kasintahan.

"Tawa ka pa?" tanong ni Reon saka lumapit sa dalaga.

"Sorry kasi yung hitsura mo, gulat na gulat," paumanhin niya na hindi pa rin maawat sa kakatawa pero napalitan ng tili nang buhatin siya ni Reon at inihiga sa kama.

"Ano ang nakakatawa ha?" tanong ni Reon saka kiniliti siya sa tagiliran.

"Waaah! T—Tama na. Hahahahaha! R—Reon! Ayaw ko naaaaaa!" tili niya na nagpupumiglas sa binata dahil sa sobrang kiliti. "P—Please, ayaw ko na. Waaaaah! S—Stop it!" pakiusap niya.

"Gusto mong tumawa ha?" gigil na wika ng binata sabay kiliti kay Zia sa tagiliran kahit na nakaupo na ang dalaga. "Puwes, tumawa ka pa."

"Waah! T—Tama na, ayaw ko naaaa!" pakiusap niya na naiiyak na natatawa. "P—Please, I'm dying!" pakiusap niya kaya tumigil si Reon. "P—Please, tama na. Mamamatay ako," pagsuko niya kaya natawa si Reon pero nandoon din ang guilt nang makitang hirap huminga ang dalaga. "Okay, hindi na ako tatawa. Promise," pangako niya dahil nahihirapan syang huminga sa pagkiliti ni Reon. Ang lakas pa naman ng kiliti niya. "Ang niluluto ko."

"Okay," sabi ni Reon saka hinalikan siya sa mga labi at tinulungang makatayo.

Sabay silang lumabas sa kusina at tinulungan niya si Zia na magluto.

"Masarap na ba?" tanong ng dalaga habang nakayakap sa kanya si Reon sa likuran.

"Basta ikaw ang magluto, masarap," bulong ni Reon kaya napangiti si Zia.

"Nambobola ka po. I need an honest answer."

"Totoo, masarap na nga."

"Okay. Kain na tayo?" Nilingon niya si Reon pero sinalubong ng mga labi nito ang kanyang mga labi.

"Okay," sabi ni Reon nang magkahiwalay ang mga labi nila. "Kain na tayo."

Si Reon na ang naghanda ng mga plato sa mesa para sabay na silang kumain.

"Punta tayo sa bahay ha. Nag-aya si Mommy na doon daw tayo mag-dinner."

"Sige," pagpayag ni Zia kahit na medyo naiilang pa sa pamilya ni Reon.

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now